|| NINE ||

18.3K 544 16
                                    


"Tama na, hindi kailangan umabot sa ganito." Natauhan ako nang pigilan ni Nathan yung kamay ko.

Tama, ano bang nangyayari saken?

Ahh, mali, mali.

Kailangan ko nga palang puntahan si Daichi. Anoba 'tong ginagawa ko?

"Sorry." Na lang ang nasabi ko, walang nagsasalita, tahimik lang ang lahat. Nabasag lang ang katahimikan nang magsalita ulit si Nathan, binitawan niya din ang kamay ko.

"Eto." Inabot niya saken ang isang piraso ng papel. "Nakasulatnadiyanyung address ni Ichi."

Kinuha ko mula sa kamay niya ang papel. Napangiti ako "Thank You, Nathan" pero imbis na ngumiti din siya, umiwas lang siya ng tingin at sinenyasan ako na umalis na.

Tumakbo ako agad palabas ng school, walang sasakyang dumadaan kaya naman tumakbo na lang ako hanggang sa----

"Chief! San punta mo?" dumating sila Jason, Mino at Henry na nakasakay sa kotse. Hindi ko pa nga pala napapakilala sa inyo si Henry ng maayos, isa din siya sa mga apprentice ni Papa na nakatira din samin, siya yung tagapag-alaga ng mga halaman samin. Tumutulong din siya minsan sa pagluluto at paglilinis.

Ay, wala na kongoras para jan!

Binuksan ko agad ang pinto ng kotse at binigay sa kanila yung papel kung saan nakasulat yung address ni Daichi.

"Bilisan niyo!" sigaw ko. Sumaludo naman sila at nagpalit si Henry at Mino ng pwesto. Si Henry namanngayonangnakauposa driver's seat.

"Seatbelts nyo." Sabi ni Henry.

Agad naming sinuotangseatbeltsnamin. Delikado kasi, lalo na pag si Henry ang nagdrive, para kang sumakay sa isang rollercoaster na nasa lupa.

Daichi.

Bakitsila ganun?

Wala man langba silang pakielam kay Daichi?

"Christopher hates me, he hates teachers. Ayaw niya na may nag-uutos sa kanya kahit sino man yun. Magpaabot ka lang ng libro sa kanya magagalit na yun at ibabato niya sayo yung libro. He doen't care about anyone's feelings. Siguro dahil yun sa Papa niya. He's been his father's robot ever since he was a kid. Maybe he just got tired of it kaya nagrerebelde na siya."

Pero hindi yun sapat na dahilan, di ba?

"Chief nandito na po tayo." Hindi ko napansin, ang bilis naman, sandali pa lang ako nakakapag-isip eh.

Lumabas ako agad ng kotse at saka na nagpaalam sa kanila, umalis na din sila pagkatapos. "Mag-iingat ka po! Tawagan niyo lang kami pag may kailangan kayo." Tumango lang ako.

Ok

Tumayo ako sa harap ng bahay nila Daichi. Pero hindi mo aakalaing bahay lang yun dahil mukha siyang palasyo.

May halong Gothic style at sobrang intricate ng details ng bawat sulok.

Huminga ako ng malalim.

Now or never Riza.

Lumapit ako sa doorbell ng isang malaking gate at niringito. Naghintay ako ng biglang may nagsalita.

"Kimimaru Residence, sino po ito?" hinanap ko kung saan yung nagsalita "Hello?" napatingin ako dun sa isang speaker na katabi ng doorbell. Ay oo nga pala, madami nang ganito sa ibang mga bahay. Malayo kasi ako at ang pamilya ko sa kabihasnan ehh, para kasing panghapon yung bahay naming ehh, sa lolo ko kasi yun dati nung buhay pa siya.

Delinquent High [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon