|| THIRTY EIGHT ||

14.7K 385 26
                                    

Nung sumunod na araw, hindi ako binisita ni Chris.

Ganun din nung sumunod pa na araw.

"Chief!" pagpasok na pagpasok ni Henry at Jason, agad nila akong binigyan ng isang mahigpit na yakap, dahilan naman para hindi ako makahinga at sumakit yung sugat ko.

Gumagaling naman na yung sugat ko, kaya lang medyo nararamdaman ko pa din yung sakit. "Wala pa din si Mino?" tanong ko sa kanila pagkatapos ko silang itulak palayo sakin dahil hindi na talaga ako makahinga.

Nagtinginan silang dalawa at saka umiling bilang sagot.

"Eh si Papa?" nun ko lang din napansin na wala si Papa. Ang sabi niya pupunta siya ngayon eh.

"Umalis po kanina, pinatawag po sa school niyo." Sagot ni Henry sakin.

Sa school? Ano naman kaya ang dahilan? "At sinabi nga po pala ng doktor na pwede na kayong umuwi mamaya, ibinilin din po niya samin na bantayan kayo at wag kayong hahayaang gumawa ng bagay na makakasama sa kalagayan niyo." Si Jason naman.

"Pupunta ako ng school." Sabi ko.

Nagtinginan naman silang dalawa, sunod ay tumingin sakin at nagsalita. "Hindi pwede." Sabi ni Jason.

"Ha?" tanong ko naman, ano nanaman ba ang ginagawa ng dalawang 'to?

"Binilin na samin ng Papa niyo na bawal daw po kayong pumunta dun." Sagot naman ni Henry "Kasi daw po, baka makipag-away po kayo dun sa Papa ni Chri-- Aray!" hindi naituloy ni Henry ang sasabihin niya dahil bintukan siya ni Jason.

"Wala nga si Mino, pumalit ka naman!"

May hindi tama.

Hinawakan ko ang kamay ni Jason at ni Henry. Humanda kayong sabihin ang lahat ng nalalaman niyo. "Sabihin niyo nga sa---" biglang natigil ako nang may nagbukas ng pinto ng kwarto ko.

"Miss Riza Alvarez." Lumapit sakin ang isang babaeng nakasuot ng isang mahabang white coat. "I see you're awake now." Naglakad siya papalapit samin. "I hope you won't do anything reckless from now on. You might be feeling ok now but your body still can't handle it. I asked these two to take care of you, yun din ang bilin ni Christopher, kaya sana naman sumunod ka na." pagkatapos niyang sabihin ang lahat ng iyon ay umalis na siya.

Si Christopher.

Si Christopher.

"Doc, may sakit pa po yata and Chief namin, namumula po eh." lumapit sa akin si Henry at hinawakan ang noo ko. "Pero bakit parang wala naman."

Ay shit! Namumula na ako. Tama na! Tama na!

'Di nagtagal ay umalis na ang Doktor, pero bago yun, binilinan niya ulit yung dalawa na bantayan ako.

Inayos ko na ang gamit ko at umalis na kami ng ospital. Dumiretso kami agad pauwi sa bahay dahil kahit na ilang beses ko na sinabing dadaan muna ako sa school, ayaw nilang ihinto ang kotse at nagbibingi-bingihan sila.

"Pupunta na akong school, hatid niyo ko." Utos ko kay Henry at Jason nang lumipas ang isang oras nang makadating kami sa bahay. Pero hindi sila tumigil sa ginagawa nila at parang wala lang silang naririnig.

Mga taong 'to!

Lumapit ako kay Henry na nagdidilig ng halaman. "Henry." Hinipan ko ang tenga niya--napatalon siya sa kinatatayuan niya nang gawin ko yun. Pero pagkatapos nun ay hindi niya na ako pinansin.

Loko 'to ah!

Lumapit naman ako kay Jason na nagluluto ng pagkain. Tinusok tusok ko siya sa tagiliran--isa sa mga kahinaan ni Jason.

Delinquent High [EDITING]Where stories live. Discover now