|| THIRTY TWO ||

14.9K 419 10
                                    

"Chief, may mga lalaki pong nakapaligid sa bahay about every three meters po." Nag-aalalang sabi ni Henry pagbalik niya kung saan kami nakatago pagdating namin sa bahay nila Christopher. "Walo naman po ang nakabantay sa main entrance. Mahihirapan po tayo dito."

Pagkalabas ko kanina ng school, tumakbo ako agad sa direksyon ng bahay nila, pero napahinto ako ng biglang dumating si Henry at si Jason na dala-dala yung kotse namin.

Pinark namin yung sasakyan sa malayo para hindi kami makita ng mga bantay, saka kami patagong umakyat sa bakuran nila.

Ngayon naman, hinihintay na lang namin si Jason sa report niya. "Gagawin ko 'to Henry." Seryosong sagot ko sa kanya, at hindi nagtagal, dumating na din si Jason.

"Sa likod po, may isang maliit na pinto at isa lang ang nagbabantay, at yung bantay na yun, natutulog lang." Bulong ni Jason pagdating na pagdating niya. "Yun na po siguro ang may pinakamahinang bantay dito sa buong mansyon po."

Tumango ako sa kanya.

Pagkatapos nun ay sinimulan ko nang ipaliwanag ang magiging kilos namin.

"Pagkapasok na pagkapasok natin sa loob, didiretso agad tayo sa hagdan sa bandang kaliwa." Inumpisahan ko. "Ayon kay teach, hanggang second floor ang bahay nila, kaya lang, sigurado din siyang wala si Christopher sa ibabaw ng lupa." kumunot ang noo ng dalawa.

"Anong pong ibig niyong sabihin?" tanong ni Henry.

"Wala sa ibabaw ng lupa?" natatawang tanong ni Jason. "Kung ganun, nasaan naman po si Leader? Bakit pa po tayo pumunta dito kung wala naman pala si Christopher dito sa bahay nila?"

"Sa ilalim." Muntik na akong matawa sa itsura nila nang marining nila yung sinabi ko.

"Sa-Sa ilalim po?" kita sa mukha ni Jason ang pagkagulat. Halata din sa tono niya na hindi siya makapaniwala.

"Chief, mawalang galang lang po pero-----" nilapitan ako ni Henry at kinatok yung ulo ko. "Nababaliw ka na ba?" dahilan kung bakit ko siya pinalapit sakin at binatukan ng malakas.

"Batukan pa kita eh."

"Ehh, binatukan mo na nga ako eh." Napahawak siya sa ulo niya, tiningnan ko siya ng masama, pero ilang segundo ay nag-seryoso na ulit ako at nagpaliwanag.

"Ayon kay Teach, may limang underground levels sa ilalim ng mansyon na 'to, at malamang, nasa pinakababa si Christopher."

"Eh Chief, paano yung mga bantay? Hindi po ba sinabi din niya na may bantay ang bawat kwarto? Ehh di ibig sabihin, kung lagpas twenty yung kwarto sa bahay nila, mas madami dun yung kakalabanin natin?" tanong ni Henry.

"Magandang tanong Henry." Tumingin ako dun sa entrance at tinuro iyon. "Dito magsisimula ang misyon niyo." Binalik ko ang tingin ko sa kanilang dalawa "Papasok kayo sa pintong yun at gagawa ng dibersiyon. Kailangang mapunta sa inyong dalawa ang atensyon ng lahat ng bantay."

"Paano ka naman?" tanong ulit ni Jason.

"Pagka nasa inyo na ang atensyon nila, papasok na ako sa likod at mauuna akong bumaba." Hinawakan ko ang balikat nilang dalawa at tumingin sa mga mata nila ng seryoso. "Ipinapaubaya ko sa inyo ang mga bantay dito, kaya niyo bang gawin 'to?"

Mga limang segundo din silang hindi nagsalita at nakatitig lang sakin, pagkatapos ay nagtinginan silang dalawa, sunod naman ay tumingin sakin at ngumiti. "Syempre naman!"sagot ni Henry.

"Kami pa! Kahit wala si Mino ngayon, kayang-kaya namin yun no! Wala silang kwenta kung ikukumpara sayo!"

Napangiti ako sa sinabi nilang dalawa. "Good." Pero nawala ang ngiti ko sa susunod na sasabihin ko. "Pero madami pa tayong problemang haharapin."

Delinquent High [EDITING]Where stories live. Discover now