|| TWENTY THREE ||

15.9K 571 52
                                    

Pinanood lang naming dalawa(kung sino man siya) yung umpire habang kinakausap niya yung ibang officials. Mga ilang Segundo lang, bumalik na din siya kaagad sa harap namin.

"You're batting next Miss Alvarez." Saka siya umalis, unti unting napalitan ng ngiti ang pag-aalala sa mukha ko. Sa sobrang tuwa ko pa, hinampas ko ng madaming beses na sobrang malakas yung lalaking tumulong sakin (hindi ko talaga siya kilala, pero pamilyar, nakaharang kasi yung baseball cap sa buhok niya ehh).

"Pasensya na, Masaya lang talaga." Sabi ko sa kanya, dahil muntik na siyang masubsob sa lupa nung hinampas ko siya.

"It's fine, you also helped me before so we're even." Yumuko siya sa lebel ko at tumingin sa mga mata ko, pinatong niya ang kamay niya sa ulo ko at ginulo ang buhok ko saka siya ngumiti.

"Ha?" Ano bang pinagsasasabi ng lalaking 'to? "Anong ibig mong sabihin?"

Tumawa siya. "You saved me from a baseball back then."

Inalala ko yung mga nangyari sa akin noon, at naaalala ko nga na may lalaking muntik nang matamaan ng baseball tapos pinigilan ko yun gamit ang pana nung nagprapractice kami ng S-D sa likod ng coffee shop.

"Teka, ikaw ba yung sa tennis cou---"

"Ehem, ehem." Nagmula ang mahiwagang boses mula sa bandang kaliwa ko. Nang tingnan ko kung sino ito-----ay mali---kung ano ang mga ito, nakita ko ang mga gunggong kong kaklase na nakawala sa zoo at nanlilisik pa ang mga mata nila ngayon.

Nakatingin lang sila sa amin ng masama, nandun din si Leader. Umabante si Jasper "Ehem."

Sumunod si Nathan, tiningnan niya ang kamay ni lalaking-hindi-ko-kilala at ngumisi.

Lumapit si Leader samin at tiningnan niya si lalaking-hindi-ko-talaga-kilala ng masama. " Hands off Xeron." Sabi niya dun sa lalaki, at saka niya hinigit yung kamay ko at hinatak ako papunta sa likod niya. "She's our president." diniin pa niya yung pagkakasabi niya sa salitang 'our'

Ngumisi si Xeron (alam ko na ang pangalan niya). "Chill Christopher, I was just trying to help."

Biglang may namuo na tensyon sa pagitan nila Xeron at Christopher kasama ang iba kong kaklase, idagdag mo pa si Ivan na bwiset talaga.

Nagsimula nang magbulungan ang mga estudyanteng nanonood samin. Inaawat ko sila Christopher pero ayaw nilang umalis sa kinatatayuan nila. Kaya naman napilitan akong sumigaw.

"Ano ba! Gusto niyo bang kaladkadin ko kayo isa-isa? Bumalik nga kayo sa Dugout!" Pahirap talaga tong mga gunggong na to. Iniharap ko sila sa direksyon ng Dugout ng team namin at tinulak pabalik.

"At kayo!" Humarap ako kila Xeron at Ivan. "Salamat sa pagtulong niyo, pero hindi ko matatanggap yung sinabi niyong tatalunin niyo kami, lalong lalo na yung ginawa mo Ivan." saka ako tumalikod.

"Player Change! Pinch Hitter no.4 Riza Alvarez!" Pagkasabi ng announcer, kinuha ko ang gamit ko sa Dugout namin at pumunta kaagad ako dun sa batting area.

Tumingin ako kila Christopher, B.I at Bobby at tumango.

Alam nyo na ang dapat gawin.

Tumango din sila.

First Pitch. Pinanuod ko ang form niya, kung paano siya bumato at kung gaano kabilis ang bola na binabato niya kapag kalaban mo na siya.

Binato niya ang bola, unti-unti itong lumalapit saakin, Shit! Nakikipaglokohan ba siya sakin?       

Tinira ko ang bola at sinadya itong i-Foul. "Ayusin mo Xeron! Hindi ako nakikipaglokohan sayo!" tumawa naman siya nung sabihin ko yun,"Ehh kung pakain ko kaya sayo yang luang tinatayuan mo? Matatawa ka pa kaya?" natigil siya at tiningnan niya ako, kitang kita sa mukha niya ang pagkagulat at pagkatuwa sa sinabi ko sa kanya.

Delinquent High [EDITING]Where stories live. Discover now