|| THE NOVAK CORP ||

10.7K 294 24
                                    

"No! I will not let you do what you want! A contract is a contract and there is nothing you can do about it!" inis na sigaw ni Rian kay Mino.

"You don't get it do you? I' m not asking you Miss Ramirez, I am actually ordering you, and you will do as I say wether you like it or not." may authority na sagot ni Mino kay Rian.

Ibang iba na yung Mino na kaharap ko ngayon, parang iba na yung aura na nilalabas niya kapag ganito siya.

"Don't talk to me like we're best friends Mister Novak, you and I are not close." inis na sabi ni Rian.

"We are bestfr----"

"We were bestfriends, Mihael." kitang kita sa mukha ni Rian ang hindi pagka-inis sa mga ginagawa ni Mino. "Past is passed, please refrain from talking so casually when we're negotiating."

Teka, were?

"What happened to you? What made you change like this? You were such a sweet princess." nag-aalalang tanong ni Mino kay Rian.

"Chris." siniko ko si Chris, saka ko siya pinalapit sakin, pagkalapit niya sa akin ay bumulong ako. "Alam mo ba kung anong meron sa dalawang yan?"

Matagal ko nang kilala si Mino pero di ko alam na magkakilala pala sila ni Rian.

Ngumisi si Chris. "Why ask me, you're the one who's friends with Zion." pagkatapos niyang sabihin yun ay bigla siyang lumayo ng tingin at di na ko pinansin.

Problema nun. Selos ka lang eh.

"Why don't ask that b-tch over there!" sigaw sakin ni Rian habang nanlilisik yung mga mata.

Kung nakakamatay lang ang tingin, kanina matagal na akong wala dito.

"Wag mong idamay si Chief dito Rian." pagtatanggol sa akin ni Mino.

Teka, bakit nga ba ako nasali dito?

"Eh siya naman talaga ang may kasala----"

"Will everyone please shut up." napatigil kaming lahat sa narinig namin. Tumingin kaming lahat sa kanya habang nakapikit ang mga mata niya at nakaupo lang sa isang upuan. "If all of you are here to negotiate, then just do it. I have many things to do and you're all wasting my time."

"Big words coming from you, Reo Salazar. Your company is at stake here, don't you get that?" ngumisi pa si Rian nang sabihin niya yun sa Papa ni Chris, pagkatapos ay tumingin siya sa akin. "And it's all your fault." hindi na lang ako umimik, tiningnan ko na lang siya ng masama.

Napansin siguro ni Chris na nainis ako kaya naman hinawakan niya ang kamay ko, dahilan para kumalma ako.

"Ginagawa niyo pa talaga yan sa harap ko, don't you care about your friends?" unti unti siyang naglakad papalapit sakin. "Hannah? or maybe Joyce? May isa pa eh, sino nga ba yung isang babae na yun?"

Kumulo bigla ang dugo nang banggitin niya ang pangalan ng mga kaibigan ko. Susugudin ko na sana siya nang bigla akong hitakin ni Chris at sabihing "Don't" tiningnan niya ako sa mata pero iniwasan ko lang siya.

Kaya naman pumikit ako at kumalma ulit ako, saka ako tumingin kay Rian. "Ano nanaman ang ginawa mo sa kanila?"

"Nothing, I just kept our end of the deal. You broke the rules, and now, you'll pay for it." tumawa siya ng malakas pagkasabi niya nun.

"Uulitin ko ang tanong ko." seryosong sabi ko, kasabay ang pagbitaw sa kamay ni Chris. "Nasaan ang mga kaibigan ko?" naging seryoso ang mga mata niya sakin.

"Ano ba ang pakielam mo? Ikaw nga 'tong hindi sumunod sa usapan." ngumisi siya. "We had a deal, you just have to go away and never show yourself but No! You had to just do it!" dinuro niya ako at unti unti siyang lumapit sakin. "Hindi mo inisip ang mga mangyayari, kaya ayan magsisi ka for all I care!"

Yumuko ako, inisip ko din naman kung ano ang mangyayari, hindi sakin kung hindi sa kanilang lahat, pati sa S-D.

More than anything.

"Wag mo akong pipigilan Chris.

Gustong gusto ko na talagang sapakin yung babaeng yun. Baka kapag pinigilan ko pa ang sarili ko, mawala pa ako lalo sa katinuan.

"Ah, Lea--No, Layla!" natatawa niyang sigaw.

Kasabay nito ag paglapit ko sa kanya, binato ko ang kamao ko sa mukha nya. "Lyra." pero pinigilan ako ni Chris.

Sabi kong wag mo akong pipigilan eh. "Bitawan mo ko Chris." sabi ko habanag nakatingin pa din kay Rian. Nilakasan ko ang pwersa sa kamay ko para mabitaw kay Chris pero mas lalo pa niyang hinigpitan ang kapit niya sakin.

"I told you to calm down."

Calm Down? How do you expect me to do that?

Lumayo ako sa kanila dati para wala nang mangyaring masama sa kanila. Ginawa ko yun para hindi na sila masaktan. Tapos ngayon na ayos na sila, dinadalan ko nanaman sila ng kamalasan.

Napakawalang kwenta kong tao.

Ang sama sama ko.

Bakit ko ba hinayaang mangyari ang lahat ng 'to?

"Rian, Stop messing with her head." pagbabawal ni Mino kay Rian, saka siya lumakad palapit sa akin at ipinatong ang kamay sa kanang balikat ko. "Don't worry, they'll be fine." pagkatapos ay ngumiti siya. "I'll make sure of it." naiinis ako, pero may tiwala ako kay Mino.

Sana nga.

"Now, let's get to business." kumalma ako pagkatapos nun.

Hindi muna ako nangielam sa kanila dahil wala naman akong magagawa tungkol sa kompanya nila Chris. Wala kaming kompanya na katulad ng kanila para matulungan ko sila sa ganyang bagay. Kahit na gustong gusto kong gawin yun para sa kanya, hindi ko magagawa kaya naman ipapaubaya ko na 'to kay Mino.

May tiwala ako sayo Mino.

Nakatunganga lang ako habang nag-uusap sila, si Chris naman ay hindi umaalis sa tabi ko at nanatiling nakahawak sa kamay ko, hanggang sa biglang magulat si Rian, Teach at ang Papa ni Chris na dahilan para magtaka kami.

"Are you serious?" sigaw ni Teach.

Hindi naman makapagsalita ang Papa ni Chris.

"You are insane! Hindi mo pwedeng gawin 'to Mihael!" padabog na binambo ni Rian ang lamesa at tumingin ng seryoso kay Mino.

Ano naman ang kinababaliw ng babaeng 'to?

"Actually, I can. I am the president of the Novak Corp, aren't I?" nakangisi siya nang sabihin niya yun.

Ano nanaman ba ang ginawa ni Mino?

Special no.2

Next is || SETTLEMENT ||

Medyo gets niyo naman sigur kung ano na mangyayari from the next title. Hahaha....

pasensya na kung medyo boring. Yung kasunod, maganda na promise hahaha...Sana nagustuhan niyo :) Thank you ulit sa mga nagbabasa!!!! Mahal ko kayo kahit hindi tayo magkakakilala hahaha.



Delinquent High [EDITING]Where stories live. Discover now