CHAPTER 53

723 16 3
                                    

CHAPTER 53

Tuwing papasok kami sa museum ni Mr. Bulgeri kaylangan muna namin i-tap ang I.D namin sa DTR system. Iyon na mismo ang nagsisilbing log in at log out namin sa opisina.

Pero kanina pa ako tap nang tap ng I.D ko ayaw pa rin bumukas ang glass door. Buti na lang ako lang ang nandito kasi baka magalit sila sa katagalan ko mag tap. May problema ata ang I.D ko.

"Something wrong?"

Halos mapatalon ako sa gulat nang may magsalita likod ko. Nasapo ko pa ang dib-dib ko.

"I'm sorry, nagulat ata kita."

Isang lalaki lang naman ang nagpagulat sakin nang sobra. Pero naka ngiti siya habang naka tingin sa akin. He has a good set of teeth. Ang puti.

Pero ang hindi ko napigilang pag masdan ay ang kanyang maamong mukha. Kakaiba ang features niya. Medyo makapal ang salubong niyang kilay pero sobrang bumagay sa kanyang mata. At ang mata niya... wow. Kulay brown! Parang hindi purong Pilipino ang features niya. He's something half foreigner. Hindi ko lang matantya kung anong lahing dugo ang nananalaytay sa lalaking ito. Pero kapag napapatingin ako sa mata niya parang pamilyar, parang nakakita na ako ng ganyang mata noon.

Oh, well. Sa dami ba namang tao na na-meet ko.

At sa tingin ko, mahaba ang buhok niya na nakatali sa likod. May bigote din siya at balbas na palibot sa buong panga niya pero bumagay sa kanya. Mukha siyang malinis sa hitsura niya kahit may balbas siya. Sigurado akong asset niya iyan. Matangos ang ilong niya. Natural na matangos lalo na siguro kapag naka side view. Bahagyang manipis ang mapulang bibig niya. Hindi ata siya nag te-take ng smoke?

Gwapo siya. Pero may Alex na ako.

Bigla tuloy akong napatawa sa thoughts ko. Pero gwapo naman talaga itong stranger na long hair na nasa tabi ko. At masasabi kong lilingonin din nang kung sino mang single. Halatang matipuno ang katawan niya at matangkad siya. Parang kasing tangkad lang niya ang ang asawa ko. Nakakatuwa lang dahil naka tux siya. Pero kakaiba ang style niya wearing his tux. Parang may dating na pagka astig na something. Napansin ko rin ang ring single earing niya sa kaliwang tainga niya sa taas. Astig.

"Hindi naman masyado. I'm okay. May problema lang ata ang I.D ko."

Tumango-tango siya. "Let me check your I.D. May pinaka chips kasi ito sa loob para maka access sa scanner."

Binigay ko ang I.D ko sa kanya. Tinapat niya iyon sa liwanag at may sinilip na kung ano at saka niya tinapik-tapik iyon. Nang sinubukan niyang i-tap ulit sa scanner ay gumana na. Bigla akong natuwa. Thank God.

"Na-miss align 'yong chips. But this is okay now." Ngumiti ulit siya sa akin.

"Thank you. Sige, I have to go." Late na ako at ten minutes na lang mag sisimula na ang seminar namin.

"No worries." Tumango-tango siya at tinalikuran ko na siya. Pero nakaka ilang hakbang pa lang ako nang tawagin niya ako.

"Uh, miss." Lumingon naman ako.

"Are you new here? Ngayon lang kasi kita nakita, eh." He asked. Nakikita ko ang confusion sa mukha niya.

Eh, ngayon ko lang naman din siya nakita. Sabagay, sa dami ba namang staff dito, eh, malamang bihira ko lang siya makita.

Tumango ako. "I'm a new junior artist. Two months pa lang ako."

Siya naman ang tumango-tango."Oh, congrats. Enjoy here."

Ngumiti na lang ako at nagpatuloy nang umalis. Late na talaga ako.

Sa saglit kong natitigan ang mukha ng lalaking iyon nasaulo ko kaagad ang mukha niya. Gwapo talaga. Pero wala naman akong nararamdamang atraksyon sa kanya since in-love ako sa iba. As in, wala talaga. Nakakita lang ako ng gwapo then 'yon na. Sadyang kakaiba lang talaga ang dating ng taong iyon.

I Do (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon