CHAPTER 13

987 31 8
                                    

CHAPTER 13

Danica's POV

Hindi ko alam kung anong oras ako nagising ngayong umaga pero maliwanag na sa labas at mukhang maganda ang magiging panahon ngayon.

Mukhang okay naman na ang pakiramdam ko ngayon. Hindi na ako masyadong nahihilo hindi katulad kahapon. Hindi na rin masyadong masakit ang tagiliran ko. Pero pagkamulat ng mata ko kanina, isang tao kaagad ang hinanap ng mata ko. Si Alex.

Nakita kong natutulog siya sa couch na 'di kalayuan sakin. Naka casual attire na siya ngayon hindi katulad kahapon nan aka coat and tie talaga siya. Mas mukha siyang gwapo ngayon. Kahit simpleng damit lang siguro ang isuot niya ang gwapo-gwapo niya. At syempre, kahit sa pagtulog niya ang lakas ng karisma niya. Ang gwapo gwapo tingnan. Kahit anong oras o sitwasyon ang gwapo niyang tingnan. Hindi siya nakakasawang tingnan. Siya yung tipo ng lalaking lilingunin talaga ng mga kababaihan kapag nakasalubong sa daan.

Haaay.. ang swerte talaga ni Mikay. May nagmamahal sa kanya na isang Alex Crisanto. Akalain mo iyong hanggang ngayon hindi pa pala siya nakaka move on. Kung masakit iyon sa part niya mas masakit naman sa part ko. Napakasakit talaga kapag iyong taong mahal mo may ibang taong minamahal. Kaya pag minsan, pinipigilan ko ang sarili ko na mahulog pa ng sobra sa kanya. Noon ko pa pinipigilan ang ganitong pakiramdam pero lagi akong nabibigo. Lagging nananalo sa puso ko na mahalin ng sobra si Alex.

Kahit masarap magmahal, may pagkakataong masakit din iyon sa pakiramdam. Kapag alam mong hindi masusuklian ng taong mahal mo ang pagmamahal na inuukol mo sa kanya..

Agang-aga ang drama ko. E ano naman kayang oras siya natulog kagabi? Pagkatapos kasi noong nangyari kagabi pinagpahinga na niya ako. Habang hinihintay kong makatulog ako kagabi bumalik siya sa kanyang tinatrabaho. Siguro late na rin siyang natulog kagabi. Hahayaan ko muna siyang magpahinga. Kaya ko namang asikasuhin ang sarili ko ngayon.

Sa ngayon, gusto kong pumunta ng banyo. Kaylangan ko munang magbawas. Kaya ko na namang tumayo. Ibinaba ko na ang dalawang paa ko sa sahig at tumayo. Pero bigla akong natumba dahil parang nawalan ng pakiramdam ang paa ko. Sa pagkatumba ko nagsanhi ng ingay. Medyo kumirot pa ang tagiliran ko kaya napapilipit ako sa sakit. Saktong nagising si Alex at dali-daling lumapit sa akin.

"What happened?! Are you okay?!" Binuhat kaagad niya ako at ibinalik sa kama. "Anong nangyari sayo?" alalang-alala talaga ang mukha niya.

"Pupunta sana ako sa banyo kaso namanhid ang mga paa ko kaya natumba ako."

"Next time sabihin mo sa akin para maalalayan kita. Hindi mo pa kaya dahil hindi ka pa magaling. Don't force yourself, Sara. Humingi ka ng tulong."

Parang may laman tuloy yung pagkasabi niya ng "humingi ka ng tulong".

"I'm sorry. Nahihiya kasi ako sayo kasi natutulog ka pa. Alam ko pati na puyat ka sa trinabaho mo kagabi kaya hindi kita inistorbo."

Napakamot na lang sa batok si Alex. ""Wag kang mahiya sakin. Kaya nga ako nandito para alagaan ka."

Lumambot na naman ang puso ko. Haay..

"Halika, bubuhatin kita papuntang C.R."

Nakakahiya na grabe. "Hindi ako magaan. Ngayon pa lang humihingi ako ng pasensya sa mabigat kong timbang."

"Sus. Nakaya nga kitang buhatin kanina e. Hindi ka naman mabigat. At isa pa, ilang beses na rin kitang nabuhat simula noong maaksidente ka." Sabagay. Ang laki kaya ng biceps mo. Nag gi-gym yata si Alex. Kahit na ballot ng damit ang katawan niya mahahalata mong may maganda siyang katawan.

Binuhat na nga niya ako papuntang banyo. Nakakahiya na sobra. Hindi ko nga magawang lumingon sa kanya. Sa dib-dib lang niya ako nakatingin. Pero, ang sarap sa feeling kasi naririnig ko at nararamdaman ko yung tibok ng puso niya..

Dahan-dahan niya akong inupo sa toilet bowl. "Sabihin mo sakin pag tapos ka na ha?"

"Sige."

Feeling ko talaga umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko. Nakakahiya! Para tuloy personal nurse si Alex. Hay. Kung ganon, sa tuwing nababanyo ako kaylangang gawin ito ni Alex. No, ito na ang una't huli. Dapat mawala na ang pag mamanhid ng mga paa ko para makapunta na ako dito sa banyo mag isa. Ayoko nan g ganito. Nakakahiya na sobra.

Pagkatapos ko ngang magbawas, binuhat ulit ako ni Alex papuntang kama. Mukha nga namang hindi nga siya nabibigatan sakin. Pero sagad na talaga ang kahihiyan ko. Hay buhay. Bakit ko ba nararanasan ko ang ganitong kahihiyan. Ay ayoko na. Kahit na okay lang kay Alex pero sakin hindi okay. Hindi talaga okay.

At nang umagang ito, sabay ulit kaming kumain ni Alex ng almusal. Matagal ko rin hindi natikman ang mga ganitong pagkain. Mukha talagang galing sa isang mamahaling restaurant. Ang sarap. Nabusog talaga ako.

Pero kanina habang sabay kaming kumakain ni Alex simple ko siyang pinagmasdan. Buti na lang kahit na maraming taon na ang nakalipas hindi pa rin nawawala ang pagiging simple niyang tao. Kahit na isa siyang pinaka successful na inheritor sa buong bansa, hindi mo aakalain na may kasimplehan siya sa katawan.

I Do (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon