CHAPTER 79

524 13 4
                                    

CHAPTER 79

Sorry for the typos below. Yeah. Ako'y nagbabalik. At last. Salamat and sorry sa mga naghintay ng update. Huhuhu. Saranghae! <3

Kasalukuyan akong nasa living room at nanonood ako ng movie kaso wala sa pinapanood ko ang atensyon ko. Gulong-gulo ang isip ko at napakabigat talaga ng nararamdaman ko. Hindi maganda ito para sa bata. Dapat hindi ako nai-stress pero hindi ko maiwasan. Maisip ko lang ang ama ni Alex na nanggaling dito kahapon halos gusto ko na naman ulit maiyak.

Sariwa pa rin sa isip ko ang mga sinabi niya at ang hitsura niya. Hindi niya ako gusto para sa anak niya. Sobrang sakit ng n'on. Paano na lang kung malaman na ng ama ni Alex na nagdadalang tao ako at anak niya ang ama ng bata. Hindi ko halos kayanin ang mga negatibong posibilidad na gawin ni Mr. Crisanto. Pakiramdam ko mamamatay ako.

Pinatay ko na ang TV dahil wala naman akong naiintindihan sa palabas kahit comedy. Nilapag ko ang remote sa table at niyakap ko ang tuhod ko saka ako humagulhol ng iyak.

"Alex..." bigkas ko kahit alam ko namang hindi niya ako maririnig.

Ipinangako ko na sa mismong pag-uwi niya ay sasabihin ko na ang kalagayan ko. Hindi ko naman ito maitatago sa kanya, eh. Malalaman at malalaman pa rin niya ito. Kung ano man ang maging reaksyon o gusto niyang maging desisyon bahala na. Ang mahalaga hindi ko sa kanya ipagdadamot ang bata.

Napahiga ako sa couch. Naisip ko na naman iyong sing-sing na nakita ko. Naalala ko din ang expiration ng aming kasal. Bakit ba ang dami kong naaalala? Bakit ba ganito ang pumapasok sa isip ko? Pilitin ko man ang sarili kong gawin ang ibang bagay para makalimot ng kauti kaso nawawalan ako ng gana. Kanina sinubukan kong gumuhit kaso inihinto ko dahil wala naman akong gana. Naglinis ako ng bahay pero hindi ako satisfied sa linis ko. At ngayon nanood naman ako ng movie na comedy kaso na out of focus ako dahil sa mga isipin.

Bakit ba habang tumatagal parang lalong nagiging komplikado? Pero sa nangyayaring ito ang kaylangan ko na lamang gawin ay ihanda ang sarili ko at tanggapin ang mga posibilidad na mangyari.

Para sa magiging anak ko...

Hinagpos ko ang tiyan ko. "Baby, kahit hindi magiging masaya si Mommy, basta ikaw kaylangan mong maging masaya." Naglandas ang mga luha ko. "Pasensya na sa nangyayari, baby. Sorry kung ganito si Mommy. Pipilitin ko rin maging masaya para sa'yo."

At nang gabing iyon natulog ako na mabigat na naman ang loob. Pinilit kong makatulog kahit hindi ko kaya dahil sa mga isipin.

Ilang araw pa bago umuwi si Alex. At sobrang miss na miss ko na s'ya. Araw-araw naman kaming nakakapag-usap at sinusubukan ko talagang maging okay habang kausap ko siya. Hindi pa rin naman nawawala ang pag wo-worry niya sa akin at malimit pa rin siya mag send sa akin ng mga sweet messages. Kaya naman kahit papaano ay gumagaan ang pakiramdam ko.

Siya ang nagpapasaya sa akin pero at the same time siya din ang nagpapalungkot sa akin.

"You look not okay." Inilapag ni Theo ang isang cup of coffee sa table na pinuwestuhan ko. Nasa cafeteria ako ngayon ng school at pinilit kong pumasok kahit na wala akong gana.

"Hi, Theo." Bati ko sa kanya.

"I'm worrying. Dahil ba iyan sa pregnancy mo kaya ganyan ang mata mo ngayon?" Tanong niya.

Sinipat ko ang mukha ko sa salamin. Napangiwi ako kasi mukha nga naman akong sabog. "Siguro?"

Bumuntong hininga si Theo. "God. I don't know how to make you smile." Malungkot niyang sabi. "Dahil si Alex lang naman ang alam kong nagpapasaya sa'yo." Dugtong niya.

I Do (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon