CHAPTER 75

526 11 3
                                    

CHAPTER 75

"Salamat sa paghatid, Mikay. Salamat din sa lahat." Niyakap ko siya at nasa loob pa kami ng sasakyan niya.

"Wala 'yon. Hindi kita pababayaan umuwi ng mag-isa lalo pa't buntis ka. Kumusta na ang pakiramdam mo? Hindi ka na nahihilo?"

Umiling ako. "Hindi na. Okay na ang pakiramdam ko. Sige, mauna na ako. Salamat ulit." Niyakap ko siya ulit at bumaba na ako ng sasakyan.

"Danica," sasaraduhan ko na sana ang sasakyan niya nang tawagin niya ako.

Nagulat ako ng bumaba siya ng sasakyan at deretso akong niyakap. "Nandito lang ako. If you need anything don't hesitate to ask. Okay?"

"Thank you, Mikay. Hindi ko talaga alam ang gagawin kung wala ka. Thank you so much." Niyakap ko rin siya ng mahigpit.

"At isa pa, kaylangan mo na rin itong sabihin kay Alex. Naniniwala akong magiging maayos ang lahat."

Tumango ako. May balak naman akong sabihin pero hindi pa ako handa sa ngayon. Kaylangan ko munang humugot ng lakas at panahon. Kasi, hindi ko rin alam ang magiging reaksyon niya. Baka nga mas maging maaga pa ang paghihiwalay naming kapag sinabi ko agad. Hindi ko alam. Hindi ko kaya sa ngayon.

"I need more time. Hindi pa ako handa ngayon. Pero karapatan niyang malaman ang kalagayan ko kaya sasabihin ko pa rin naman sa kanya. Basta, huwag muna ngayon. Hindi ko pa kaya. Wala pa akong lakas ng loob."

Tumango si Mikay. "I understand." Niyakap ulit niya ako. "Congratulations ulit. It's a blessing. Masaya ako para sa 'yo. Mag-iingat ka, Mikay. Alagaan mo ang sarili mo ng mabuti para sa magiging anak n'yo ni Alex."

"Hindi ko pa nakikita ang aking anak mahal na mahal ko na siya. Sabik na sabik na akong mahawakan siya at mabuhat sa braso ko."

Parang napapaluha si Mikay sa sinabi ko. "Nae-excite na tuloy akong makita siya. Sige, mauna na ako."

Tumango ako. "Take care, Mikay."

Bumusina na siya at saka pinaandar na ang sasakyan paalis.

Napabuntong hininga naman ako habang papunta sa condo unit ni Alex. Halos walang tao nang sumakay ako sa elevator hanggang sa paglalakad ko sa hallway.

Nakahawak ako sa puson ko at pakiramdam ko sa maling galaw ko baka biglang mawala sa akin ang anak ko. Kaya hanggat maari mag-i-ingat ako. Isa siyang regalo mula sa Dios. Nagpapasalamat ako na dumating siya sa buhay ko kahit na nasa sinapupunan ko pa lamang siya.

Ni hindi man lang pumasok sa isip ko na may nabubuhay na pala sa sina-pupunan ko nitong nakaraang lingo.

Nagbunga pala. Nagbunga na ang pagmamahal ko kay Alex.

Kung kanina natakot ako nang malaman kong buntis ako. Pero ngayon hindi na. napalitan na ng saya. Kahit na may bigat pa rin akong nararamdaman sa dibdib ko binabalewala ko na kapag naiisip ko ang anak ko sa sinapupunan ko.

Nang makarating na ako sa condo ay inayos ko kaagad sa lalagyan ang mga vitamins ko. Sa ngayon, kaylangan ko muna itong itago kay Alex. At bago ako ihatid ni Mikay kanina dumaan muna kami sa Supermarket para mamili ng mga pagkain para sa pagbubuntis ko.

Hindi naman siguro mahahalata ni Alex ang mga binili ko kasi sanay na naman iyon na marami ako kung mag grocery.

Nakasuot na ako ng pambahay at manipis na duster at shorts na puti. Itinaas ko ng bahagya ang laylayan ng aking duster para Makita ko ang aking puson.

At ngayon ko lang napansin na may maliit na umbok ang puson ko. Hinimas ko siya at napangiti ako.

"Palalakihin kita ng matalino at malusog. Syempre, dahil gwapo ang ama mo, alam kong super gwapo ka rin." Hindi naman masama na kausapin ang anak 'di ba?"

I Do (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon