CHAPTER 36

779 20 4
                                    

CHAPTER 36

Tapos na kaming kumain ng hapunan at nagkukwentuhan na lang kami sa hapag. Ang dami nilang tinanong sa aming dalawa ni Alex. At alam ko rin na simula nang malaman nila ang tungkol sa amin ni Alex kanina hindi na kami nilubayan ng tingin ni Lola.

Hindi ko sigurado kung napansin din ba iyon ni Alex kanina. Pero natural na kasi kay Alex ang maging sweet sa akin. Bago kami pumunta sa hapag hinawakan niya ang kamay ko. Pinagtulak niya ako ng upuan saka siya tumabi sa akin. Nang matapos makaupo kami siya ang nag sandok ng kakainin ko. Inasikaso talaga ako ni Alex kanina. Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang tuwa sa mukha ni Lola.

Pinagmamasdan talaga niya ang galaw namin ni Alex. Mabuti na lang natural talaga na sweet at maalaga si Alex. At syempre, kaylangan ko rin sakyan ang nangyayari kahit na nakakaramdam ako ng guilty.

Kaya hindi ko mapigilan ang matahimik minsan. Masaya man akong kakuwentuhan sila sa mga oras na ito pero nalulungkot ako. Iniisip ko kasi kung ano ang mangyayari kapag nalaman nilang nagpakasal kami dahil lamang sa kumpanya. Ang pag kakaalam kasi nina Lolo at Lola na mahal namin ni Alex ang isa't isa kaya kami nagpakasal. Pero hindi iyon ang totoo. Kung sana iyon na lamang ang katotohanan, wala sanang problema.

Tumingin si Alex sa relo niya. "It's late. Magpahinga na kayo, 'Lo, 'La."

"Maaga pa naman. Nag e-enjoy pa kaming magkuwentuhan ni Danica." Apela ni Lola.

"Magpahinga na tayo. Kaylangan na rin nilang magpahinga, Mahal. Galing pa sila sa byahe." Ani Lolo.

"Oh, sige na nga. Sige, magpahinga na tayo." Tumayo na kami para pumunta sa aming silid. Ang kwarto pala nina Lola ay nandito lang sa baba. Sabi sa akin ni Alex para daw hindi na mahirapan ang mag-asawa na umakyat pa sa matarik na hagdan. Siya nga naman.

Nasa bandang dulo ang kwarto ni Alex. Alam na alam ko dahil minsan na akong nakatulog sa kwarto niya.

Binuksan ni Alex ang loob ng kwarto at nahalimuyak ko kaagad ang mabangong amoy ng loob ng kwarto niya. Ang presko. Nakabukas pa ang bintana at payapang nakakapasok ang sariwang hangin.

"Damn. I miss my bed." Biglang humilata si Alex sa kanyang kama at humikab.

Nakangiti akong nakatingin sa kanya nang matapos akong lumibot ng tingin sa kabuoan ng kwarto niya.

"Babe," tinapik niya ang bakanteng space sa tabi ng kama niya. "Come." Niyayaya niya akong humiga.

"Matutulog na kaagad tayo?" sabay higa ko sa kama katabi niya. Umunan ako sa braso niya. Ito ang pinaka paborito kong unan sa buong mundo.

"Hindi. Mag muni-muni muna tayo." Sabagay. Mag sa-shower pa siya at ako. Kaya pala hindi pa niya pinapatay ang ilaw.

"I already love them. Sobrang bait nila, Alex." Sabi ko kay Alex.

"Told you. Kaya mahal na mahal ko sila. Mas mahaba ang panahon na kasama ko sila kesa sa parents ko." Sabi niya habang natatawa.

"Pero marami ka namang pictures na kasama ang parents mo 'di ba?" tanong ko.

"Yeah. Noong bata pa ako. Pero noong lumalaki na ako at nagkakaisip, sa poder na nina Lolo at Lola na ako nag stay. Padalaw-dalaw na lang sila dito dahil busy sila sa business. Kapag may free time. Swerte na ang isang beses sa isang buwan."

Nahihimigan ko ang lungkot sa boses ni Alex. Nakalakihan na pala niyang hindi kasama ang magulang niya at tanging Lolo at Lola lang ang kasama niya.

"Kaya swerte ako dahil may Lolo at Lola ako na nag-alaga sa akin habang busy sa trabaho ang mga magulang ko. Kaya mas madalas umuuwi ako dito kesa sa parents ko. Mas hinahanap-hanap ko sila kesa sa magulang ko."

I Do (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon