CHAPTER 11

1K 32 4
                                    

CHAPTER 11

Alex’s POV

Pagkatapos kong ayusin ang mga dapat kong ayusin sa opisina dumeretso kaagad ako sa ospital kung saan naka confine si Danica. Naka settle na rin ang pag leave ko ng three days. Sa ngayon, kaylangan ko nang ibigay ang atensyon ko sa kanya. Kaylangan kong bumawi sa paghihirap niya ng ilang taon. Palagay ko, parang ngayon lang siya muling makakapag relax.

“How is she?” tanong ko kaagad kay Mary Ann nang Makita ko siya. Nadatnan ko naming tulog si Danica.

“Medyo okay na po ang pakiramdam niya, Kuya Alex. Pahinga na lang po talaga ang kaylangan niya. Siguro after three days pwede na siyang lumabas ng ospital. Pero sa ngayon, medyo sariwa pa ang tahi niya sa tagiliran kaya kaylangan muna niyang magpagaling.”

“Thank you, Mary. You can go home now.”

“Oh? Uuwi na kaagad ako?” mukhang ayaw pa niyang umalis ah.

“Yes.”

“Sige na nga. Pero alam mo ba, Kuya Alex. Ang bait bait ni Ate Sara. Tapos ang ganda pa niya. Mukha pati siyang matalino dahil sa way ng pagsasalita niya. Kilala mob a siya, Kuya Alex? Pano pala kayo nagkakilala? Nakalimutan ko kasing itanong sa kanya, eh.”

May pagka madaldal ang batang ito talaga. Pero wala naman masama sa kanyang tinatanong kaya okay lang sakin ang pagka tabil niya. Nakakatuwa nga itong batang ito e.

“I didn’t know her actually. Kagabi lang kami nagkita noong tinulungan ko siya sa isang snatcher. Pero nasaktan pa rin siya. Sobra akong nag alala sa kanya kaya sinugod ko kaagad siya dito sa ospital.”

“Aah. Pero alam mo ba, Kuya Alex, bagay kayo.”

Ang dami talagang sinasabi ng batang ito. Ginulo ko na lang ang buhok niya. “Ikaw talagang bat aka kung ano-anong sinasabi mo.”

“Tss. ‘Di na ako bata, Kuya Alex. Nga pala, pupunta ba ulit ako dito bukas?”

“Uh, I don’t know. Tatawagan na lang kita kapag kaylangan kita. Nandito ka lang naman sa ospital na ito e.” Dito kasi siya nag tatrabaho. Pinsan ko kasi ang may ari ng private hospital na ito. “If you like, you can visit her here anytime.”

“Ibig mong sabihin, ikaw ang magbabantay kay Ate Sara?”

“Yes.”

“Okay. Pero bagay pa rin talaga kayo ni Ate Sara! Bye!” Nagtatakbo na siyang lumabas ng kwarto. Nakakatawa talaga ang batang iyon.

Anyway, gusto ko munang masolo si Danica ngayon. Matagal din akong nangulila sa kanya. Magiging okay na ang lahat, Danica. Nandito na ako. Pasensya na kung ngayon lang kita natagpuan. Sobrang naiinis talaga ako sa sarili ko dahil nito ko lang napagpasyahan na hanapin ka. Sana pala hinanap na kita simula nang mawala ka. Patawarin mo ako. Pero ipapangako ko sayo na simula ngayon hindi ka na masasaktan, hindi ka na maghihirap, at magiging masaya ka na. Hindi ko na hahayaang maging malungkot kang muli, dahil hindi ko kakayain. Hindi ko talaga kakayanin..

Siguro ngayon, may pagkakataon na akong mahawakan siya. Kahit kamay lang. Miss na miss ko na talaga siya sobra. Ngayon nahihirapan na akong pigilan ang sarili ko. Hahawakan ko lang naman ang kamay niya. Wala namang masama doon.

Dahan-dahan kong hinawakan ang kamay niya. Dahan-dahan ko rin inangat iyon. Sa pagkakataong ito masayang-masaya ako. Pero hindi ko din maiwasang malungkot nang titigan ko ang kanyang kamay. Mukhang pagod na pagod ang kamay niya at mukhang maraming pinagdaanan.

Kung ano ang kina-kikay niya noon, iyon naman ang ikinasimple niya ngayon. Kung hindi mo talaga masyadong kilala si Danica, hindi mo maiisip na siya ito ngayon. Ang laki ng ipinagbago niya from physical. Namimiss ko na rin ang buhok niyang kulay pink. Ang kakulitan niya, ang cute na fashion niya and everything about her. Pero maganda pa rin naman siya sa kung anong hitsura niya ngayon. Mas bagay nga sa kanya ang simple. Kahit nakakapanibago okay lang.

I Do (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon