CHAPTER 66

673 19 2
                                    

CHAPTER 66

Nasa conference room na kaming mga bagong junior artist. Lahat kami kinakabahan habang naka upo sa may mahabang meeting table. Magkakatabi kaming mga babae at nasa kabilang parte naman ang mga boys. Lahat sila puro nate-tense. Kahit ako.

Sa mismong kabisera u-upo si Mr. Bulgeri kaya may espasyo na para sa kanya. Lahat kami tahimik dahil ano mang oras ay dadating na siya.

At pumasok na nga ang matagal na naming hinihintay kasama ang kanyang sekretarya. Iba na ang suot ngayon ni Mr. Bulgeri. Naka polo shirt na brown na siya at naka maong pants. Mas mukha siyang bumata. May kasimplehan rin pala si Mr. Bulgeri. Kahit na gaano pa siya kabantog ngayon simple pa rin siya.

Pero kapag tinitingnan ko talaga siya parang may nakikilala ako. Hindi ko lang matandaan.

Itong mga katabi ko naman hindi ko na alam kung ano ba ang mga hitsura. Masyado kasi silang na-star struck kay Mr. Bulgeri.

"Hello, guys." Masayang bati ni Mr. Bulgeri sa amin. Hindi siya dumeretso ng upo at nakangiting tinitigan kami. Itong mga kasama ko sa sobrang pagka mangha ay nananatiling naka upo at naka nga-nga. At dahil ako lamang ang nasa katinoan ngayon kaya ako na ang naunang tumayo para gumanti ng bati kay Mr. Bulgeri.

"Hello, Mr. Bulgeri. Nice to meet you po." Ngumiti ako sa kanya ng matamis. Binati ko rin ang kasama niyang sekretarya na simpleng simple rin ang suot. Karamihan sa mga nakikita kong sekretarya akala mo lagi mag sho-shopping dahil sa kabonggahan ng suot. Unlike Mr. Bulgeri's secretary. She is so simple yet pretty. Maamo ang mukha at animoý hindi maka basag pinggan kung kumilos. Siguro ka-edad ko lamang siya.

At mukhang bumalik na ang katinoan ng mga kasama ko kaya tumayo na rin sila para batiin si Mr. Bulgeri.

"You may sit down guys." At lahat nga kami'y nagsi-upo na.

Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang mga hitsura ng mga kasama ko. May mukhang natataeng ewan. May ngiting-ngiti. May akala mong napako na sa kinauupuan. May ilang hindi na naalis ang tingin kay Mr. Bulgeri at isa na ako doon.

Nakaka star-struck nga naman talaga si Mr. Bulgeri. Kilala siya sa buong mundo. Tapos heto't nasa harapan na namin. Nakakamangha lang.

Pero parang may napapansin akong kaka-iba. Kanina pang nakangiti at nakatingin sa akin si Mr. Bulgeri. Hindi ko naman alam ang dahilan. Iba ang way ng pagtingin niya sa akin kesa sa pagtingin niya sa iba kong kasama.

No bad thinking included. Nawe-weirdohan lang ako.

Nang matapos na ang meeting sa amin ni Mr. Bulgeri ay pinaiwan niya ako sa loob ng meeting room. Sabi na. May something talaga! Bigla tuloy akong kinabahan. Pero kasama naman namin sa loob ng room ang secretary niya na nagngangalang Joan.

Magkaharapan kami ni Mr. Bulgeri habang naka-upo.

"Joan, can you get my green folder? Nasa table ko lang siya." Utos ni Mr. Bulgeri sa secretary niya.

"Okay, Sir." Lumabas na si Joan at agad ding nakabalik makalipas ang ilang segundo. Agad niyang inabot iyon kay Mr. Bulgeri.

Binuklat ni Mr. Bulgeri ang green na folder at waring may binabasa.

"Danica Emily O. Crisanto."

Banggit ni Mr. Bulgeri sa buong pangalan ko at agad naman akong napasinghap. Tumango na lang ako.

Ibinaba na muli ni Mr. Bulgeri ang folder at ibinalik ang tingin sa akin. Kinakabahan talaga ako. Bakit kaya gusto niya akong makausap ng ako lang? Tatanggalin na ba niya ako? Hindi ba niya nagustuhan ang mga works ko?

"Crisanto. Then you're already married?"

"Y-yes, Sir."

"Your middle name is?"

I Do (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon