CHAPTER 57

606 16 3
                                    

CHAPTER 57

Nasa classroom lang kami ngayon ng mga classmate ko at wala kaming klase dahil absent pala ang isa naming prof. Nag basa na lamang ako ng naging last discussion namin kahapon para sa susunod na subject namin.

Pero sa gulat namin ng mga kaklase ko may biglang dumating na delivery boy na may dalang isang bungkos na bulaklak. Lavender tulips na may halong pink din. Ang ganda!

"Excuse me, po. Sino po si Ma'am, Danica?"  tanong ng delivery boy.

Lahat ng mga ulo ng kaklase ko sa akin lumingon. Sabay turo nila sa akin.

"Aba! Para kay Danica 'yong mga flowers!"

"Wow! Kainggit!"

"Siya po si Danica, Kuya."

Napapikit ako sa ginagawa ng mga kaklase ko. Mga loka-loka talaga.

"Ma'am, paki pirmahan na lang po ito."

Pumirma nga ako sa itinuro ng delivery boy. Walang tag kung kanino galing pero nahuhulaan ko na kung kanino. Bigla akong napangiti. Alam niya ang paborito kong bulaklak.

"Kuya, sino po ang nagbigay?" tanong ko na lang kunwari.

"Wala pong nakasulat, Ma'am. Hindi ko rin po kilala. Basta po nagpa deliver na lang siya sa school na 'to."

Tumango-tango na lang ako at inamoy ang mga bulaklak. Ang babango.

"Kanino kaya galing iyan? Malamang sa manliligaw mo." Sabi ni Gina.

Ngumiti na lang ako at nagkibit balikat.

"Ang romantic naman. Sana ako rin. Ganda-ganda ng flowers." Ani Diane.

Ang ganda ng pagkaka desenyo ng bulaklak. Mukhang galing sa mamahaling flower shop. Nakakatuwa naman. Kaso medyo nahihiya ako sa mga kaklase ko.

At sa gulat ko biglang nag ring ang cellphone ko na nakapatong sa arm chair table ko.

Calling: Baby...

"Baby, oh! Malamang sa kanya galing! Nuks! May pa-baby-baby pa sina Danica, oh!" ang chismosa ni Gina! Nakakainis.

"'Wag ka nga." Natatawa kong sabi sabay irap. Sinagot ko na naman ang tawag ni Alex habang nagtatawanan pa rin sa paligid ang mga kaklase ko kaya lumayo ako ng bahagya sa kanila.

Pinalitan ko na rin ang pangalan ni Alex sa phonebook ko. 'Baby' na rin para parehas kami. Kaya natutuwa talaga ako kapag tumatawag siya sa akin.

"Hello, baby. Have you received the flowers?" agad niyang tanong nahihimigan ko na masaya ang boses niya.

"Yeah. Actually, kaka-receive ko lang. What's with the flowers, anyway?" tanong ko dahil nakakagulat lang.

"Nothing. Gusto ko lang bigyan ang maganda kong asawa ng bulaklak."

Tumawa ako. "Well, thank you. Nagustuhan ko ang bulaklak really. Thank you very much."

"Can't wait to see you holding those flowers."

"Huh?"

"Nothing. I miss you, baby."

Halos gusto kong tumili sa kilig! My ghad, Alex! Halos mabaak pa ang phone ko sa paghigpit ng hawak.

"I miss you too. See you later."

"Okay, see you. I..."

"I what?"

"Nevermind. Sige, baba mo na ang tawag, baby. Baka may klase ka pa." sabi niya. Bigla tuloy akong na-curious sa gusto niyang sabihin kanina. Ano kaya iyon.

"Okay, bye."

"Bye." At binaba ko na ang tawag.

Sinamyo ko ulit ang bango ng mga tulips. Paborito ko talaga ang mga ganitong klase ng bulaklak. Mainstream na kasi ang roses. Nakakatuwa naman at alam ni Alex. Nakakataba ng puso. Unexpected pa na binigyan niya ako ngayon ng bulaklak. Nakakatuwa lang.

Tapos na ang aming morning class. Pauwi na ako ngayon at naglalakad na sa hallway dala-dala ang bulaklak na galing kay Alex. Wala rin kaming appointment ulit ngayon kay Mr. Bulgeri kaya sa bahay na lang ako.

Pero halos malaglag ang panga ko nang makita ko si Alex sa school parking area. Gwapong naka sandal siya sa magara niyang kotse habang hinihintay ako. My handsome husband is here!

"Alex?" naka ngiti kong sabi.

Agad siyang umayos ng tayo mula sa pagkakahalukipkip at agad na lumapit sa akin nang makita niya ako.

"Surprise. I'm here."

Nakakagulat. Hindi ko i-nexpect 'to!

"What are you doing here?" nakangiti kong tanong.

"Sinusundo ang maganda kong asawa. Bawal ba?" nakangiti niyang sabi at hinawakan na ang kamay ko papuntang kotse niya.

"Hindi. Wala ka nang ginagawa sa office?"

Umiling si Alex. "Wala na. Tinapos ko na. Hindi na kasi ako makapag hintay na makita ka." Sabi niya sabay halik sa likod ng palad ko.

Napapikit ako. Ibig kong sabihin ay nagpipigil ako ng kilig. Shit!

"Sabi na. You're really more beautiful bearing those flowers." Sabi ni Alex at agad akong napatingin sa hawak kong bulaklak galing sa kanya.

Hindi talaga maalis ang ngiti ko. Alex, anong nangyayari sa 'yo? Ang weird niya. Nakakaloka. Ano bang ginagawa niya?

Pinagbuksan niya ako ng kotse at inalalayang makaupo sa front seat. Saka siya umikot papuntang driver seat. Nasa loob na kami ng sasakyan at binuhay na niya ang makina.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko.

"Mag de-date." Nakangiti niyang sabi habang nililiko na ang sasakyan para makalabas ng school.

Napangiti ako. "Nagulat talaga ako sa 'yo ngayon. 'Di ko inexpect." Mag de-date daw kami. Feeling teenager lang.

"Syempre. Surprise nga, eh. Saan mo gusto kumain, baby?" sabay hawak niya sa kamay ko. Ang kaliwang kamay niya ang nakahawak sa manibela.

"Mag pizza tayo." Suggest ko. Gusto ko ng pizza.

"Okay. Kakain tayo ng pizza. After kumain, saan mo gusto pumunta, babe?"

Natutuwa ako kay Alex. Gusto niyang ako ang mag decide. Pero mas gusto ko kung siya ang mag de-decide.

"Eh, ikaw? Wala akong maisip, eh."

"Hm, sa amusement park?"

Gumuhit ang mahabang ngiti sa labi ko. 

I Do (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon