CHAPTER 50

725 19 5
                                    

CHAPTER 50

"Hi, baby."

"Hi."

Kararating lang ni Alex from office. Tumawag siya sa akin na nasa hallway na siya at malapit na sa unit namin kaya inabangan ko na siya sa pinto para pagbuksan. Kararating ko lang din galing sa Gallery ni Mr. Bulgeri. Pero bago ako pumunta sa pinaka office niya nanggaling muna ako sa school for my morning class.

Sadly, hindi ko na meet si Mr. Bulgeri kanina. Mga staff lang niya ang naka-meet ko. Pero ang nakakatuwa ay official na akong artist ni Mr. Bulgeri. Isa na ako sa mga junior artist niya since bago pa lang ako. Nakapag contract signing na rin at malaki ang offer. Hindi ko lubos inasahan. At tsaka, sana pala matagal na akong nag e-mail sa kanya. Bakit kasi ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob.

Pagkatapos ng ilang session at contract signing namasyal kaming mga bagong artist sa buong museum ni Mr. Bulgeri. Hindi talaga namin napigilan ang aming lubos na paghanga. Ang daming artworks. Mga iba't ibang klase ng mga sculpture, paintings, sketches, clay arts at kung ano-ano pa. May mga naka-display din na mga artworks ng mga magagaling niyang artist. May ilan na siyang pina bantog ang pangalan dahil sa pagiging guro niya na kilalang-kilala na ngayon sa buong bansa. Galing talaga.

Mas humanga ako sa mga old furniture na may mga design plan. Ang detalyado ng sukat ng mga furniture at pulido ang pagkakagawa. Naalala ko bigla si Dad sa sobrang galing niya sa furniture. Kaso, may mga ilang bagay talaga akong napapansin sa loob ng museum na parang pamilyar. Mga bagay na matagal ko nang nakita. May isa pa doon na sketch na labing walong taon nang nakakaraang iguhit ng isang di umanoy bata na nakapag pahanga daw nang lubos kay Mr. Bulgeri. Kaso walang naka indicate na pangalan at tanging pseudo name lang ang nakalagay at petsa kung kailan ginawa.

'Virtuoso'.

Virtuoso? Nagkibit balikat na lang ako n'on at abala nang nagtingin-tingin ng mga artworks sa buong museum.

Ang sabi kasi ng secretary niya na pumunta daw ng Italy si Mr. Bulgeri dahil may biglaang inasikaso. Mga next week pa daw ang dating at syempre mag sisimula na rin ang aming klase na si Mr. Bulgeri mismo ang magtuturo sa amin para daw lalong ma-enhance ang talent namin. Nakaka-excite!

Ginawaran ako ng halik ni Alex pagkapasok niya ng bahay. Take note, hinahalikan niya ako habang pilit niyang hinuhubad ang sapatos niya.

"How's your day?" malambing niyang tanong sa akin.

Sasabihin ko na kay Alex ang achievement na nakamit ko. Sana naman maging proud siya sa akin.

"Hmm, may good news akong sasabihin sa 'yo. But before that, magpalit ka muna." Ngumiti ako sa kanya at ngumiti rin siya.

"Okay. You seems excited. Bibilisan ko na lang dahil gusto kong malaman ang good news."

Ilang sandali lang ay bumalik na sa sala si Alex na nakapang bahay na. Umupo na siya sa couch sa tabi ko at niyakap ako.

"So, what's the good news, baby?" sabay halik niya sa sentido ko.

Kinuwento ko sa kanya ang pag e-email ko kay Mr. Bulgeri ng artworks ko at ang paghintay ko ng isa't kalahating linggo ng result. Sinabi ko rin sa kanya ang mga naging kaba at tensyon ko.

"Bakit 'di mo sinabi sa 'kin? Sana nabawasan man lang ang tense mo." Nagtatampo niyang sabi.

"Eh, kasi, kapag sinabi ko sa 'yo ng wala pang result tapos over confident pa ako then hindi naman pala ako pumasa sa evaluation 'di ba nakakahiya?"

"Hindi mo naman kaylangan mahiya. It's nothing to me." Mapang-unawa niyang sabi.

At saka ko ikinuwento ang pag pasa ko sa evaluation at ngayong araw ng pag sign ko ng contract bilang official na artist ni Mr. Bulgeri.

I Do (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon