CHAPTER 23

831 25 10
                                    

CHAPTER 23

Alex's POV

I knew it! Tama lang talaga ang pag pili ko sa damit na iyon. Tamang-tama sa kanya at bagay na bagay. God, parang na magnet ang mata ko kay Danica. Parang ayaw umalis ng paningin ko sa kanya. Parang gusto ng mata ko na nakatitig na lang sa kanya habang buhay.

"A-Alex?" Pukaw sa akin ni Danica. Sandali, matagal ba akong napatitig sa kanya?

"H-hi!" Iyon na lamang ang lumabas sa bibig ko. "Y-you looked good. Are you ready?"

Tumango lang siya habang nakangiti at lumapit na sa akin. God, she looks so perfect. Sobrang ganda niya. Lalong lumabas ang ganda niya nang mag suot siya ng ganyang damit. Well, maganda naman pa rin siya kahit na simple ang suotin niya. But now.. she's stunning!

Sinarado ko na ang buong bahay at iginaya ko na siya pasakay ng kotse. Dahan-dahan ko siyang inalalayan makapasok sa sasakyan. Syempre, takot ko lang na masaktan siya.

Ewan. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Iwasan ko mang tingnan ang kabuoan niya pero di ko mapigilan.

"You know, you're really beautiful tonight." Hindi ko na napigilang sabihin.

Napatungo naman siya sa sinabi ko. Nahihiya ba siya? Why?

"S-salamat."

Pina-andar ko na ang sasakyan papunta sa bahay ng parents ko. Malamang nag u-umpisa na ang party. Sinadya ko rin magpalate kami kahit ilang sandali. Gusto ko lang umiwas sa mga taong pinapakilala sa akin ni Dad. Kilala ko na naman sila but not personally. You know, business connection at hindi naman ako masyadong interesado sa kanila. Malamang na ipapa-date lang naman nila sa akin ang mga anak na babae nila which is hindi ko naman trip sa buhay. I have my own girl now. And she's beside me.

Nang makarating kami hinawakan ko ang braso ni Danica at inangkla sa braso ko. Halatang kinakabahan siya. Bakit kaya?

"Relax. You're with me." Pang e-encourage ko sa kanya. Tumango lang siya at huminga ng malalim.

At pagkapasok namin sa loob ng gate, hindi ko naiwasang makita ang pagkagulat sa mukha ni Danica. "What's wrong?" Hindi ko na napigilang itanong.

"S-sabi mo simpleng party lang 'to? Eh, ba't ang dami atang tao? Ang daming bisita. May musical band pa. Sigurado ka bang simple lang 'to?"

Napangiti ako. "Just relax, okay? You're with me, right? 'Wag kang matakot sa mga bisita. Akong bahala sa iyo. Basta kumapit ka lang sa braso ko, okay?"

"Okay. Convinced."

"Simple lang talaga 'to. Iba pa ang bisita kapag engrandeng party ang idadaos."

Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko. "Basta 'wag mo akong iiwan, ha?"

"Oo nga. So, lets go. Gusto kong makilala mo ang parents ko."

"N-ngayon na? A-as in?"

Tumango ako. "Yeah. Relax ka lang, okay? Akong bahala."

Natanawan ko sa bandang garden sina Dad. May mga kausap silang matataas na tao habang umiinom ng wine.

"Excuse me, Dad." Pukaw ko sa atensyon nina Dad. Agad akong nakita ni Mama at siya ang unang bumati sa akin.

"My son, Alex! You're late. Kanina ka pa naming hinihintay."

"Sorry, 'Ma. Na-traffic lang." Pero nabaling ang tingin niya sa babaeng kasama ko. Kay Danica.

"And who's that gorgeous lady you're with, hijo?" Sabi ni Mama habang nakangiti. Mukhang nagustuhan ata ni Mama si Danica. That's good to know.

"Dad, 'Ma, may I introduce you, Sara Magsino. My friend."

I Do (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon