CHAPTER 12

962 29 3
                                    

CHAPTER 12

Danica’s POV

Mukhang walang balak umuwi ni Alex ah. Dito ba siya matutulog? Magdamag ba niya akong babantayan? Sa ngayon kasi inilabas niya ang laptop niya tapos may mga katabi pa siyang mga documents. Ibig bang sabihin na dinala niya dito ang trabaho niya?

“Uh, Alex..”

“Hmm?” tumigil siya sa pagtatype niya at lumingon sa akin. Ang gwapo niya talaga. Bigla tuloy akong kinilig kasi pinagtutuunan niya ako ng atensyon kahit na may ginagawa pa siya.

“Gusto ko lang sabihin sayo ang pangalan ko. You know, hindi pa tayo pormal na nagpapakilala sa isa’t-isa.”

“Sara Magsino. Is your name, right?” Huh? Paano niya nalaman? Tumango na lang ako. “Nagtataka ka ba kung bakit ko alam?” Bakit nga ba? “Syempre kaylangan ng hospital kuhanin ang information mo. I don’t know you but luckily, suot mo ang I.D company mo that night.”

“Ah..” ewan ko ba kung bakit ako kinabahan kanina. Talaga bang hindi niya ako nakikilala as Danica? Kung ganoon, mas okay na iyong ganun. Hindi na ako masyadong mahihirapang mag pretend.

“That night hindi ko alam kung sino ang kokontakin ko sa nangyari sayo. Kaya kaninang umaga na lang ako nakatawag sa mga kakilala mo. Nasaan nga pala ang parents mo? They should know what happened to you.”

“No! No, please!” Nag panic ako. Hindi dapat malaman ng parents ko ang nangyari sakin. Makakasama iyon lalo sa kalusugan nila. Buti na lang walang cellphone number ang magulang ko sa cellphone ko. Mga katulong naming sa bahay ang kinokontak ko kapag kakamustahin ko sina Papa. Kung nagkataon na natawagan ni Alex ang magulang ko, mabubuko na ako..

“Why?” nagtatakang tanong ni Alex.

“Nasa province sila. At may sakit pa. Hindi makakabuti sa kalusugan nila kung malalaman nila ang nangyari sakin. Kaya mas mabuting wag na lang nila malaman..”

Tumahimik si Alex saglit at bumuntong hininga. “Okay..”

Buti naman at hindi na siya nagpumilit pa. Haay. Minsan talaga nanganganib ako sa pagpapanggap kong ito. Kaya dapat sa madaling panahon makalayo na ako sa kanya. Ang unfair ko talaga sa kanya. Napakasama ko tuloy. Pero para rin naman ito sa ikabubuti naming dalawa.

Bumalik na lang siya sa pagtatrabaho niya. Sa mga kinuwento sakin ni Mary Ann nakukulangan pa ako. Syempre alam kong kulang pa iyon. Gusto kong malaman kung ano bang pinagkaabalahan niya noong mga huling taon. Siguro marami na siyang naranasang achievements. Kung baga ang ginagawa na niya ngayon is ang maintenance ng company niya.

Basta ang nababasa ko lang sa internet at magazine ay isa sya sa pinaka successful inheritor ngayon sa buong bansa. Nakakaproud naman si Alex. Napaka layo na talaga ng narating niya. Kumpara sakin. Napaka layo talaga ng agwat naming dalawa. Kahit na nasa tabi ko lang siya ngayon, parang ang layo-layo niya..

“Uh, Alex..”

“Yes?” gaya kanina huminto ulit siya sa ginagawa niya at lumingon sa akin.

“Salamat talaga sa lahat..”

Ngumiti siya na may kasamang mahinang tawa. “Kung nagiging tubig sana ang salitang salamat kanina pa siguro akong nalulunod. Again, walang anuman.”

“Pero, kung hindi ka dumating hindi ko na talaga alam kung anon a ang nangyari sakin ngayon. You saved my life.. at utang ko sayo ang pangalawa kong buhay.”

Napatitig sakin si Alex. Maya-maya tumayo siya at naglakad palapit sakin. Sa gulat ko hinawakan niya ang pisngi ko.

“’Wag ka nang mag-alala.. hinding-hindi ka na muling masasaktan pa..”

Napapikit ako. Ang init ng palad ni Alex kaya hinawakan ko ang kamay niya para damahin iyon. Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko. Hindi ko alam kung ano ba ang ibig niyang sabihin sa sinabi niyang iyon. Pero nakakuha pa rin ako ng comfort doon. Parang guminhawa ang pakiramdam ko. Parang nawalan na ako ng anumang takot. At isa pa.. katabi ko siya ngayon. Feeling ko safe na safe ako at parang walang ibang may kakayahang makapanakit sa akin.

“Napakabuti mo Alex. Kahit na hindi tayo magkakilala tinutulungan mo ako. Para kang anghel..”

Nakatitig lang siya sakin pero pinagmamasdan ko ang kanyang mga mata. Hindi ko alam kung bakit parang gusto niyang lumuha.

Ngumiti na lang siya kapagkuwan.

Ang ngiti niya.. hindi talaga nakakasawang tingnan. Na miss ko rin ang way ng pagtitig niya sakin. Malimit niya itong gawin sakin noon. Akala ko hindi ko na ito muling mararanasan pa. pero nangyayari ulit ngayong mga oras na ito.

Alam mo ba Alex.. habang tumatagal..

Lalo kitang minamahal..

Sana alam mo iyon..

I Do (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon