CHAPTER 70

570 19 3
                                    

MAG COMMENT KAYOOOO! LOL!

CHAPTER 70

At ngayon ay nasa Quezon na nga kami. Noong isang araw pa kami bumiyahe at bukas na ang kasal nina Mikay at Ian. Kaya ngayon, puro kami preparation.

Lahat ng kamag anak ni Mikay at Ian puro mga busy. Nag pe-prepare na sila sa Quezon Premier Hotel kung saan ang venue after ng ceremony bukas. At after ng party sa venue, pupunta naman kami sa Tiaong, Quezon kung saan ang mansion nina Ian. Doon naman kami magkakaroon ng night party. Kami-kaming barkada. Expected ko na talagang mapapagod kami ng bongga bukas.

Nang matapos na ang gathering lahat ng abay at sponsor, nagdisisyon na kaming umuwi ni Alex sa bahay. Medyo napagod kami dahil nagkaroon ng matinding kasiyahan. Pero ang Mama ni Mikay nakita ko kanina sa isang kwarto ng hotel na lumuluha. Hindi siya umiiyak dahil sa malungkot siya. Hindi lang niya lubos akalain na malaki na ang bunso niya at lalagay na sa tahimik kasama ang lalaking pinakamamahal.

Hindi ko sinasadyang makita siya pero wala na akong nagawa kundi ang konsolahin siya.

Ang ganda ng Mama ni Mikay. Kamukang-kamukha niya. Noong inaalo ko na siya biglang dumating ang Papa ni Mikay. Doon ko na sila iniwan para makapag solo. Natatawa lang naman ang Papa ni Mikay sa asawa. Pati tuloy ako napatawa.

"Nakita mo na ba iyong mga pictures natin noong pictorial?" tanong sa akin ni Alex habang nagda-drive.

"Hindi. Bakit? Nakita mo na?" nanglalaking mata kong balik tanong.

"Yeah. 'Yong pine-prepare na 'yong presentation kanina. You all look wonderful. Para kayong mga anghel sa suot n'yo. How about pa kaya bukas?" nakangisi niyang sabi.

"Pervert." I said at inirapan ko siya.

"What? Paano ako naging pervert?" natatawa niyang tanong.

"Basta pervert ka. 'Wag mo akong titingnan bukas." Naiinis ako. Humalukipkip na lang ako at tumingin sa labas habang pauwi na kami.

"Ang sungit, ah. Sorry na." sabi niya at naramdaman kong bumagal ang takbo ng sasakyan.

Napadaan kami sa Jollibee at parang nag crave ako sa batang humihigop ng float.

"Alex, daan tayo sa Jollibee. Gusto ko mag float." Sabi ko nang hindi lumilingon sa kanya at mulagang-mulaga ako sa Jollibee. "Park there." Turo ko sa may bakanteng parking lot.

"Huh? Kakakain lang natin, ah?" nagtataka niyang tanong.

"I still feel hungry. Kung ayaw mo, ako na lang. Just stop the car." Naiinis kong sabi at pinipilit buksan ang pinto.

Umiling siya. "I won't let you to be alone. Okay, then. Kakain ulit tayo." Sabay kamot niya sa ulo at wala nang angal na nagparke sa itinuro kong bakanteng parking lot.

Napangiti ako ng lihim. Hindi niya ako matatanggihan.

Nang pagbuksan na niya ako ng pinto ng kotse at nang makababa na ako agad ko siyang hinila sa loob ng Jollibee at agad pumila sa counter. Parang hindi lang float ang gusto ko. Parang gusto ko ng fries at burger.

At nakita ko na naman na may batang nag avail ng kiddie meal kung saan may free toy. Parang gusto ko rin.

Naka order na kami ng mga gusto ko at hawak na ni Alex ang tray nang hawakan ko siya sa braso.

"Babe, gusto ko n'on." Sabay nguso ko sa action figure na hawak ng bata. Si Patrick Starfish at Spongebob. Gusto ko rin n'on.

Nakangiwing nakatingin lang sa akin si Alex. Nagpaawa face naman ako.

Bumuntong hininga siya. "Okay, fine." Wala na siyang nagawa at umorder ng kiddie meal para maka avail ng free toy.

And now Patrick and Spongebob are in my hands now. Napangiti na naman ako ng lihim.

I Do (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon