CHAPTER 20

971 30 6
                                    

CHAPTER 20

Alex’s POV

At ngayong umaga nga ay gumayak na ako para pumunta sa mansion ng mga Olivares. Malayo iyon sa bahay nina Lola dahil sa kabilang bayan pa iyon. Nasa tapat na ako ng malaking gate ng mansion nila pero nakatigil lang doon ang sasakyan ko. Hindi rin muna ako lumabas ng sasakyan.

Olivares Mansion.

Tinitigan ko ang kabuoan ng bahay. Konti lang ang pinagbago. Nagluma lang ng kaunti ang mansion dala ng panahon pero nananatiling malinis pa rin ang paligid. May matanda at binatilyong lalaki na nagtatanggal ng kaunting baging na umaakyat sa pader ng bakod nina Danica. Natatandaan ko sila. Sila yung hardenero nina Danica dati. Kung ganoon, nandito pa rin pala sila. Gaya nga ng report sa akin ni Greg noon na nananatili pa ring naglilingkod ang mga katulong sa bahay nina Danica sa kanyang mga magulang. Tanaw daw ng utang na loob. Hindi nga nakakapagtaka na mababait talaga ang mga Olivares gaya ng mga naririnig ko dati.

Bumaba na ako ng sasakyan at tinanggal ko ang sunglasses sa mata ko. “Magandang araw ho.”

Napatigil sila sa pagtatabas nang magsalita ako at lumingon sa akin. “Magandang araw rin, hijo. Ano’ng maipaglilingkod ko sa iyo?”

“Ako po si Alex Crisanto. Gusto ko lang po sana na makausap si Mr. Danilo Olivares.”

Pumasok ang binatang hardenero sa loob ng mansion para siguro ipagbigay alam na may gustong kumausap sa kanilang amo. Pero ilang sandali din ay bumalik na siya.

“Pasok daw po kayo sa loob, Señorito.”

“Salamat.”

Alam kong kilala ako ng ama ni Danica dahil minsan ko na rin silang na meet noong bata pa lang ako sa mga business party ni Dad. Madalas noon na imbitado ang pamilya ni Danica. Pero hindi ko noon nakikita si Danica. Hindi ko lang alam kung bakit.

Inihatid ako papasok sa loob ng mansion nina Danica. Malinis ang paligid at halatang hindi napabayaan ang mansion. Ang mga trabahador ay kanya-kanyang abala sa mga ginagawa pero binabati nila ako habang nadadaanan ko sila papunta sa mismong pinaka bahay.

Akala ko sa loob ng bahay ako ihahatid. Pero nagderetso kami papunta sa likod bahay.

“Nasa likod po ng bahay si Señor Olivares.”

Pagkarating namin sa likod bahay nadatnan nga naming doon si Mr. Olivares. At nasorpresa ako sa ginagawa niya nang madatnan namin siya. May isang malapad na kahoy siyang pinapakinis para gawin mismong sandalan ng sofa. May tatlong binata siyang katulong sa pag gawa ng sofa. Sa maliit na lamesa nakalatag ang sa tingin ko’y magagandang sketch ng mga upuan, sofa at iba pang wooden furniture’s. About sa craft and furniture and company ng mga Olivares. Kahit na hindi na pala nag tatrabaho si Mr. Olivares gumagawa pa rin siya ng dati niyang negosyo. This is a good way to start again. Pero mukhang mahina na siya.

“Señor, nandito na po ang inyong bisita.” Napatigil sa pag gawa si Mr. Olivares nang dumating kami. Okay lang ba kaya ang pakiramdam niya? Ang report sa akin ni Greg na may sakit daw ngayon si Mr. Olivares. Siguro bumuti na ang pakiramdam niya ngayon.

“Magandang umaga po.” Bati ko kay Mr. Olivares. Tinanggal niya ang kanyang salamin at gloves sa kamay niya at lumapit ng bahagya sa akin. Medyo mabagal siyang kumilos sa pag aalalay sa kanyang katawan. Pero hindi pa rin maalis sa tindig niya ang pagiging isang may dignidad na tao.

“Alex Crisanto. Anak ni Alexander Crisanto, tama?”

“Yes, Sir.”

Ngumiti si Mr. Olivares. “Have a sit, hijo.”

I Do (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon