CHAPTER 9

1K 28 4
                                    

CHAPTER 9

*Alex’s POV*

“S-sir.. ikaw po ba ang tumulong sakin?”

Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko nang sa wakas ay nagsalita na rin siya nang magising siya. Magdamag ko lang siyang tinitigan at halos hindi ako umalis sa tabi niya. Ayoko siyang iwan. Natatakot kasi ako na kapag umalis ako at pagbalik ko mawala na siyang muli. Matagal ko nang ipinangako sa sarili ko na sa oras na matagpuan ko na si Danica, hindi ko na hahayaang mawalay pa siya sakin muli.

Pero, nang magtanong siya sakin ngayon may halong dismaya ang naramdaman ko. Bakit niya ako tinawag na “Sir”? Hanggang ngayon pa ba ipagpapatuloy pa rin niya ang kanyang pagpapanggap? Gusto ba niyang mangyari na istranghero kami sa isa’t-isa ngayon?

Sige.. hahayaan ko munang mangyari ito. Ayoko naman sa kalagayan niyang ito mag uusap kami tungkol sa pagpapanggap niya.

Ang mukha niya ay natural lamang. Walang bahid na pagpapanggap. Mukhang sanay na siya sa gawaing ganito. Pero kaylangan ko na rin siguro matutunan ngayon kung paano maging isang istranghero sa paningin niya. This is awkward. We both know each other for a long time pero ngayon umaakto kami na hindi magkakilala at ngayon lamang nagkakilala. O ako lamang ang nakakaramdam ng awkwardness?

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa couch. Lumapit ako sa kanya pero umalis ang tingin niya sakin. Mukhang naiilang na rin siya sakin.

“How’s your feeling?” huminto ako sa tabi niya.

“M-medyo, hindi pa maganda ang pakiramdam ko. S-siguro baka mamaya maging okay na ako. Pwede na akong lumabas dit—“

“No! You will stay here. Sariwa pa ang tahi sa tagiliran mo at hindi makakabuti sayo ang lumabas kaagad ng ospital. Kaylangan mo munang magpahinga dito ng matagal. Kahit na maging okay ka mamaya, I still won’t let you to go out here.”

“P-pero, may t-trabaho pa po a-ako.”

“I already called at your boss. She already knows your condition. You have nothing to worry about know.”

Mukha siyang nanglumo. Bakit? Gusto na ba niyang lumayo sakin? Gusto ba talaga niya akong iwasan?

“Y-yung—“

“Please.” Awat ko sa kanya. Ang dami niyang gustong idahilan sakin. Nasasaktan ako sa ginagawa niya. “As I said.. you have nothing to worry about. Naayos ko nang lahat. Sa ngayon, ang kaylangan mo na lang gawin ay magpagaling at magpahinga.”

Hindi na siya muling tumingin sakin. Nakatingin lang siya sa kamay niyang nakayukom na may dextrose.

“Maraming salamat po sa lahat, S-Sir..”

“I’m Alex Crisanto. Just call me Alex.” nang sabihin ko sa kanya ang pangalan ko tumingin na siya sa akin. Namiss ko ang tingin niya. Ang lahat-lahat sa kanya. Pero sa ngayon, ang gusto ko.. ang banggitin niya ang pangalan ko.

“A-a.. A-Alex..”

Parang sasabog ang puso ko nang sa wakas ay sabihin rin niya ang pangalan ko. Ilang taon din akong nangulila sa boses niya na kung paano niya sabihin ang pangalan ko. Parang gusto kong mapaluha.

“Maraming salamat sa lahat, Alex..”

“Walang anuman.” Kaylangan ko munang magtiis na huwag muna siyang hawakan. Pero kung alam lang niya sana kung gaano ang pag pipigil ko sa sarili ko na yakapin siya. “Kumain ka na pala para manumbalik ang lakas mo.”

Kaylangan ko palang pumunta ngayon sa opisina. Mag le-leave muna ako sa trabaho ng three days siguro. I will spend my time for her muna. At sa mga oras na iyon ay kaylangan ko nang ayusin lahat.

“You should rest, I’ll be back later. Kaylangan ko munang pumasok sa opisina. Nasa side table mo ang calling card ko just in case na may kaylangan ka. Just a minute may dadating na personal nurse para mag bantay sayo.”

“Sige, maraming salamat ulit sa lahat.”

“No worries again. Basta tumawag ka na lang kung may kaylangan ka. Bye.”

Lumabas na ako ng kwarto niya. Napa buntong hininga na lang ako. This time, hindi ko na hahayaang may mangyaring masama sa kanya. Ang una kong hindi mapapatawad ang sarili ko kung mauulit ang ganito. Aalagaan ko na siya at hindi ko na hahayaang magkahiwalay kaming dalawa muli..

Kahit na ipagtabuyan at iwasan niya ako..

I Do (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon