CHAPTER 58

704 17 5
                                    

CHAPTER 58

After namin kumain ng cheesy pizza ni Alex namasyal na kami sa isang amusement park. Sa Laguna kami nakarating. Mga isang oras lang naman ang byahe kaya hindi nakakapagod.

Masaya ang buong paligid at matao. Nakarating na ako dati rito kaso matagal nang panahon at marami nang pinagbago ang lugar na ito at mas dumami ang mga rides.

Tuwang-tuwa akong pag masdan ang carousel kasi ang daming lights. Maraming mga bata ang nakasakay pati na teenagers. Noong bata pa ako gustong-gusto ko talaga ang carousel.

"'Wanna try that carousel?" tanong sa akin ni Alex nang nakangisi.

Napangiti naman ako na nagtataka. "You mean, ako lang?"

Tumango siya.

"Hindi kaya nakakahiya?"

Umiling si Alex. "No. Sasamahan naman kita. Aalalayan kita katulad n'on." Sabay nguso ni Alex sa dalawang bata na sa tantya ko ay nasa edad labing dalawa. Ang batang babae ay naka sakay mismo at nakaalalay sa kanya ang batang lalaki. Cute...

Napangiti ako.

"I'm gonna buy tickets. Wait me here."

Hindi naman nagtagal si Alex dahil nakabalik din siya kaagad.

"Let's go." Yaya niya sa akin at hinawakan niya ang kamay ko. Hanggang sa pagsakay ko sa kabayo hawak-hawak pa rin niya ang kamay niya.

"I'm gonna capture this precious moment. You really looks happy." Sabi ni Alex at nilabas niya ang iPhone niya para kuhanan ako ng litrato.

Paanong hindi ako sasaya, eh, kasama ko siya. Hindi pa niya nilulubayan ang kamay ko. Nakakatuwang isipin na ang mga libreng oras ni Alex iginugugol niya sa akin. Ang sarap lang sa puso.

"Hindi ka nahihilo?" tanong ko sa kanya kasi naka ilang ikot na at nakatayo lang siya sa tabi ko habang nakaalalay sa akin.

Umiling siya na natatawa. Labas pa ang mapuputi at magaganda niyang ngipin.

Pagkatapos namin sumakay sa carousel nagpahinga kami sa isang bench sa may fountain. Nag picture din kami habang kumakain ng soft ice cream.

Sa tagal na naming nagsasama ni Alex marami na rin kaming naka tambak na picture sa isa't-isa. Mahilig talaga kaming kumuha ng litrato sa isa't-isa lalo na pag stolen. Buti na nga lang hindi tipo ni Alex ang naglalagay ng lock sa cellphone. Hindi ko naman pinapakialaman ang cellphone niya pero may pagkakataong nagkakapalit talaga kami ng cellphone dahil parehas na parehas ang cellphone namin.

Syempre, hindi ko maiwasang tingnan ang loob minsan. Wala naman siyang ibang ka-text. Madalas ako ang nasa inbox niya. Nakakatawa lang dahil halata talaga si Marione. Wala atang araw na hindi siya tumatawag sa asawa ko. Palagi siyang may text ng good morning at good evening or good night. May ilang beses na nag reply si Alex kaso more on business naman. Kaya panatag ang loob ko.

Alex didn't like Marione. Sa palagay ko.

Dahil ba sa may asawa siya at hindi magandang tingnan dahil may reputasyon siya o talagang ayaw niya kay Marione?

O dahil mahal na ako ni Alex kaya ganoon?

Asa, Danica. Asa.

"Mukhang malalim ang iniisip mo. 'Di ko masisid." Sabay ngiti ni Alex.

Kanina pa niya siguro ako pinagmamasdan. At sa tagal na naming magkasama ni Alex, nasanay na rin ako sa wakas sa paninitig niya sa akin. Araw-araw ba naman niya gawin, sinong hindi masasanay. Noong una naiilang talaga ako. Sobra. Pero ngayon parang hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi niya ako tinititigan.

I Do (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon