CHAPTER 39

890 20 2
                                    

CHAPTER 39

Kami ang pinakahuling dumating sa table. Palagi na lang kaming nahuhuli. Nakaupo na silang lahat at kami na lang ang hinihintay. Maiingay silang lahat pero agad silang natahimik nang makalapit na kami ni Alex.

"Danica!" si Miah ang unang nagsalita. Hindi pa kami nakakaupo ni Alex pero sinugod na kaagad niya ako ng yakap. "Oh, my god! I miss you, Danica!"

"Na-miss din kita." Niyakap ko rin siya ng mahigpit.

"Nakakatampo ka. Bigla ka na lang hindi nagparamdam. But anyway, wala na iyon sa akin. Ang mahalaga nagkita ulit tayo."

Naninibago siya kay Miah dahil madalas na itong ngumiti. Hindi na rin ito supladang tingnan.

"Pasensya na talaga. 'Nga pala, ang cute-cute ng baby boy mo." Sabay gulo ko ng buhok ng anak niyang Gray ang pangalan. Kalong ito ni Red.

"Syempre, kanino pa ba magmamana?" pagmamayabang ni Red at hinagpos pa ang baba habang nakangisi.

"Hindi mo nga manlang ako binakasan." Sabi naman ni Miah. Ang cute nila tingnan.

"Para talaga kayong pinagbiyak na bunga." Sabi naman ni Alex kay Red sa tabi ko.

"Gan'on talaga, Pare!"

Nagtawanan na sa buong table. Umupo na kami sa tabi nina Ian at Mikay. Ang ganda-ganda ngayon ni Mikay sa suot niyang navy blue bikini. Akalain mo 'yong nagbibikini na rin si Mikay! Pero panalo ang katawan niya. Kaya pala laging kislap na kislap ang mata nitong si Ian. Nakakatawa ang dalawang ito.

Ako na lang bale ang hindi pa nakabikini. I mean, nakabiki na ako pero hindi ko pa nga lang tinatanggal ang pang ibabaw ko. Mamaya na siguro pag nagkayayaan na sa dagat.

Binigyan ni Ian si Mikay ng t-shirt. Parehas silang basa kaya medyo nababasa ako dahil katabi ko si Mikay pero okay lang. Nakita kong parang naghugis puso ang mata ni Mikay sa ginawa ni Ian. Cute!

Tumabi na sa akin si Alex. Sa tabi ni Alex ay naka-upo naman si Red habang kalong si Gray na masagana nang kumakain kahit makalat. Ang bibong tingnan ng batang ito. Mukha talagang malusog at maayos ang pag-a-alaga. Parang nakikita ko na kung ano ang hitsura ng batang ito pag laki. Red na Red ang features. Pero kapag ngumingiti ang bata nahahawig minsan ni Miah.

"Nice to see you again, 'Nica." Bati sa akin ni Dale. Nica talaga ang tawag niya sa akin dati pa.

"Me too. Kumusta na?"

"Here, still gwapo." Sabay sapok naman sa kanya ng girlfriend niya. Napatawa ako.

"Bakit, babe?" nagpapaawang tanong ni Dale sa girlfriend niya.

"Ang yabang mo talaga!" asik nito. Ang cute din tingnan ng dalawang ito. Kanina ko pang napapansin na parang laging aso't pusa ang dalawa at palagay ko'y iyon ang pinaka lambingan nila. At palagay ko pa, mas sadista ang girlfriend niya.

"Sinasabi ko lang ang totoo." Hindi pa rin nagpapatalo si Dale.

"Manahimik ka na nga lang." sabay subo ng grilled fish na may kanin sa kanya ng girlfriend niya. Hindi na nga naman nakaimik si Dale. Nang malunok niya ang isinubo sa kanya ay bumalik ang tingin niya sa akin.

"Nica, this is Ashlee. My soon to be wife." Sabay kindat niya sa akin.

"Ow, congratulations!" bumaling ako kay Ashlee. "Hello, I'm Danica. Alex's wife." Naramdaman kong humigpit ang yakap ni Alex sa bewang ko kaya napatingin ako sa kanya. Nakatingin din siya sa akin at ngiting-ngiti. Nilapit niya ang mukha niya sa akin at ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko. Langhap na langhap ko na naman ang mabango niyang amoy.

I Do (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon