CHAPTER 77

675 17 5
                                    

CHAPTER 77

Nagyaya si Theo na mag lunch kami outside ngayong araw na ito. Sa ngayon, regular nang pumupunta si Theo at ako sa museum kasi mas marami na ngayon ang dumadating na turista galing Italy.

"What do you want to eat?" tanong niya habang pinagbubuksan niya ako ng sasakyan.

"Anything." Sagot ko habang pasakay sa loob ng kotse niya.

Ngumuso si Theo at umikot para pumunta sa driver's seat. Binuhay na niya ang makina nang maka upo sa tabi ko.

"Sea foods?" kapag kuwan ay tanong niya.

"Pasta?"

"You want Italian Pasta?" nakangisi niyang tanong.

"Ikaw ba?"

"Game!"

At sa isang Italian restaurant kami pumunta.

"Ang sarap ng foods nila." O sadyang dala lang 'to ng pagbubuntis ko?

"True that. Kaya dito kita dinala, eh." Masaganang kumakain din si Theo. Gutom din siya gaya ko. Pag dating kasi sa pagkain at kalokohan magkasundo kami.

"Kaso gusto ko nang matikman iyong sizzling chicken nila. Iyon daw ang best seller dito."

"Yep." May nilagay na beef steak si Theo sa plato ko. Hindi ko kasi mahiwa kanina kaya pinaghiwa na lang niya ako.

"Thanks."

"Prego." You're welcome in Italian.

Maya-maya'y dumating na nga ang pinakahihintay naming sizzling chicken ni Theo. Parehas kaming na excite.

Inilapag na ng waiter ang sizzle chicken sa table naming at may cover glass pa ito. Nakakatakam siguro ang amoy?

"Oh, great God. Seems delicious." Kung makatitig si Theo sa chicken legs akala mo legs ng babae. Napatawa na lang ako.

Pero nang tanggalin ng waiter 'yong glass cover, naramdaman ko na naman ang pagbaligtad ng sikmura ko nang maamoy ko na naman ang bawang at sibuyas sa putahe. Hindi ko napigilan ang sarili kong mapataklob ng bibig at tumakbo papuntang comfort room. Parang 'yong mga kinain ko nang nauna parang maisusuka ko na naman ata lahat.

Nabigla naman si Theo sa reaksyon ko pati na rin iyong waiter. Urgh, I ruined our lunch. Kaylangan kong mag sorry kay Theo. Pero sa ngayon, kaylangan ko munang sumuka.

Ubo ako ng ubo at nililinis ko na ang bibig ko. Wala na naman akong naisuka pero nahihilo ako. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Natanggal ang konting lipstick ko kaya ang putla na naman ng bibig ko. Ang eyebags ko medyo lumulubog na.

"Danica, are you okay?" katok ni Theo sa labas ng Ladies Room. Mag-isa lamang ako dito.

Hindi ako makaimik parang matutumba ako. Medyo malayo pa naman din ang pinto at ginawa ko ang buong makakaya ko para makapunta sa pinto.

"A-Alex..." hindi ko alam kung bakit sa pagkakataong ito ay si Alex ang hinahanap ko kahit na nasal abas lamang si Theo.

Napapaluha na ako dahil sa sama ng pakiramdam. Masama talaga sa akin ang maka amoy ng sibuyas o bawang.

"T-Theo.." sa wakas ay nabigkas ko na ang pangalan ni Theo.

"Holy shit!" at sumabog na ang pinto ng comfort room at iniluwa niyon si Theo na alalang-alala sa akin. Naka alalay lamang ako sa wash bin para hindi ako matumba.

"T-Theo..." nanghihina na ako. Hindi ko na alam kung ano na ang sunod na nangyari.

Nang magising ako ay nasa isang maliwanag na lugar ako. Inikot ko ang paningin ko at nakita kong nagpanic sa pagkakaupo si Theo nang makita niya akong gising na.

I Do (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon