CHAPTER 17

959 22 3
                                    

CHAPTER 17

Danica’s POV

(A/N: Sorry! Almost one month na walang UD. Sorry po talaga. :()

Maaga akong umuwi ngayon galing trabaho para makapag luto ng espesyal para kay Alex. Naaalala ko dati na paborito talaga ni Alex ang mga lutong bahay. Naikwento pa niya sa akin na gustong-gusto niya ang luto ng kanyang Lola na adobong manok. Para sa kanya, ang adobong manok ng kanyang Lola ang pinaka masarap sa lahat. Kahit na hindi ganoong kasing sarap ang lulutuin kong adobong manok gaya sa kanyang Lola, pipilitin ko pa rin pasarapin. Madali lang naman magluto ng adobo.

Noong maging living independent ako marami akong natutunang bagay. Natuto ako kung paano gumamit ng mga appliances gaya ng washing machine. Dati naman kasi hindi ako naglalaba. Pero noong mamuhay ako mag isa natutunan ko rin. Nakaka proud ang ganoong pakiramdam. Kaya yung mga gawaing bahay ay simple na para sa akin kasi natutunan ko ang mga iyon sa pamumuhaay mag-isa.

Nilagyan ko rin ng other engridients para lalong sumarap. Sana magustuhan niya ito. Mga bandang alas sais siya dumadating dito kaya ilang sandali lang siguro nandito na siya.

Nag hayin na ako sa hapag para pag dating niya kakain na lang kaming dalawa. Para sa simpleng ganito makabawi ako sa kanya kahit papano.

Pero mag a-ala siyete na ay wala pa rin si Alex. Siguro na traffic lang iyon. Medyo mainit pa naman ang pagkain kaya hihintayin ko na lang siya.

Pero pumatak na ang alas otso ay wala pa rin siya. Ininit ko na lang ang pagkain para kahit papaano masarap parin kainin. Naupo ako sa upuan at tinitigan ulit ang orasan na naka dikit sa ding-ding sa may itaas ng T.V. Baka naman marami lang siyang ginagawa sa opisina. Hindi malabo iyon. Marami siyang business at kung ano pa at kung tutuusin, imbis na dumeretso na siya sa condo niya para magpahinga pero dumadaan pa siya dito para i-check lang ako. Nakakaistorbo na talaga ako sa kanya. Kaya iniisip ko ngayon kung paano ako makakabawi sa lahat ng ginagawa niya. Hay..

Dahil siguro sa pagod hindi ko namalayan na naka idlip pala ako sa hapag. Naalimpungatan ako ng may maramdaman akong malambot sa sentido ko. Pag tunghay ko nakita ko si Alex na nakatayo sa harap ko at nakatingin sa akin.

“Hi.” Bati ko sa kanya habang nakangiti. Pansin niya siguro na namumungay ang mata ko. Medyo napagod kasi ako sa trabaho kanina. Nanibago siguro ang katawan ko mula sa matagal na pahinga.

Kumunot ang nuo niya. “Hindi ka pa kumakain?” tanong niya sa akin.

“Hinintay kasi kita. Kumain ka na ba? Kung hindi pa upo ka na para maipag sandok kita.” Sabi ko habang nakangiti sa kanya at binaligtad na ang malinis na pinggan para ipag sandok siya ng pagkain. “Nagluto pala ako ng adobong manok. Gusto mo ‘to, ‘di ba?”

Imbes na umupo siya mas lalong kumunot ang nuo niya. “How did you know?”

“Ang alin?”

“Na gusto ko ang adobong manok?”

Napatulala ako. Patay. Nadulas ako. Hindi ko talaga pag minsan makontrol ang bibig ko kapag nae-excite ako. “A-a.. a-ano..” kaylangan kong makaisip ng dahilan! “Ano ka ba? Pinoy tayo kaya lahat tayo gusto ang adobo mapa baboy o manok pa iyan.” Alibi ko.

Tumango-tango na lang siya. Nakahinga naman ako ng maluwag. Muntik na.

“Bakit mo pa ako hinintay? Dapat kumain ka na kanina.” Sabi ni Alex.

“Hindi kasi ako sanay kumain mag isa.”

“Oo nga pala. Sorry. Nalipasan ka tuloy ng gutom.” Nag aalala ang mukha niya. Bakit? “Pasensya na kung hindi ko nasabi sayo na male-late ako ng uwi. Dumating kasi yung Dad ko sa opisina at biglang tumambak ang trabaho.”

I Do (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon