CHAPTER 19

923 27 7
                                    

CHAPTER 19

Alex’s POV

“Bakit?”

Bungad na tanong sa akin ni Greg ng makapasok siya sa opisina ko. May mahalaga akong ipapagawa sa kanya. Gusto ko nang matapos ang mga bagay na gumugulo sa isip ko. Hindi naman ito nakakaapekto sa trabaho ko pero ayoko nang nahihirapan pa si Danica. Napapagod na akong pakitunguhan siya na parang hindi ko siya kilala. At isa pa, mas nahihirapan ako sa sitwasyon niya. Gusto ko.. bumalik ang pakikitungo namin sa isa’t-isa gaya ng dati..

“I want you to work for this.” May binigay akong kapiraso ng papel sa kanya. Nakasulat doon ang mga kaylangan niyang gawin. Binasa niya iyon at napatango siya.

“Sabi ko na nga ba ipagagawa mo sa akin ito. Salamat sa trabahong ito. Medyo makakalabas ako ng opisina. Naboboring kasi ako, eh.”

“Nagsasawa ka na ba sa mga paper works? Gusto mo talaga maaksyong gawain ano?”

“Hindi naman. Anyway, it will take two days para matapos ‘to. Okay lang?”

“Sure.”

“Alright. Balik na ako sa opisina ko.”

Tumango ako. Nang makalabas siya tumayo muna ako saglit sa swivel chair ko. Tumitig ako sa labas ng glass window para mag isip-isip. Nakapamulsa ako at wari ko’y humuhugot ako ng  konting pahinga sa loob ng bulsa ko. Funny though, pero medyo gumaan ang pakiramdam ko ng konti. Ang daming mga bagay ang gumugulo sa isip ko.

Marami akong mga plano. At hindi ko alam kung ang mga plano ko ba ay aayon o hindi. Mahirap naman mag pasabahala na lang. Na kay Danica pa rin ang magiging desisyon. Pero hinihiling ko na sana pumayag siya dahil iyon na lamang ang naisip kong sulusyon.

Gusto kong malaman ang background ng company nina Danica at kung paano na ba ang management niyon. Iyon ang pinapagawa k okay Greg ngayon. Gusto ko rin makilala kung sino ba ang bagong owner niyon. Kapag naging maayos na ang lahat, babalik ako kung saan nagsimula ang lahat.

Pupuntahan ko ang mga magulang ni Danica para kausapin.

Nitong mga nakaraang araw, hindi ko muna dinalaw si Danica. Pero hindi ko naman hinayaang mag isip siya kung bakit hindi ako pumupunta sa bahay. Sinabi ko na lang na may inaasikaso akong mahalaga ngayon na tungkol sa trabaho. Naintindihan naman niya at sinabihan na lang niya ako na mag ingat sa lakad ko. Sa simpleng sinabi niyang iyon sumaya ako.

Gusto ko bago dumating ang party ni Dad maayos ko na ang lahat na dapat kong ayusin. Naibigay na rin sa akin ni Greg ang report na pinagawa ko sa kanyang trabaho. Natapos ko na iyong basahin at nakilala ko na rin kung sino ba ang bagong owner. Pati background nalaman ko na rin. Mababa na ang stocks ng company nila unlike noong si Mr. Olivares pa ang nagpapatakbo niyon.

Ngayong araw na ang pag uwi ko sa probinsya kung saan si Danica at ako nakatira dati. Pinabantayan ko muna si Danica kay Greg. Safe naman siya doon kaya medyo panatag ang loob ko. Tinatawagan ko rin siya sa oras na alam kong libre siya para hindi siya mag alala sa akin.

Walang alam si Danica sa mga gagawin ko ngayon. Dalawang oras lamang ang naging byahe ko dahil hindi naman traffic at maluwag ang daan. Bago ako pumunta sa mansion ng mga Olivares, dadaan muna ako kina Lolo at Lola.

Hindi pa rin nagbabago ang buong bahay. Ang mga halaman ni Lola magaganda pa rin.

“Hijo! Mabuti naman at napadalaw ka. Naku, nagtatampo na kami ng Lolo mo dahil ilang buwan ka na naming hindi nakikita. Halika sa loob. Kumain ka na ba?” may bahid nga ng pagtatampo ang boses ni Lola. May bahid ding konting sermon. Ugh, I miss everything here. Lalo na ang sermon ni Lola.

I Do (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon