CHAPTER 51

907 16 3
                                    

CHAPTER 51

Maliwanag na ang paligid nang imulat ko na ang aking mga mata. Ramdam ko pa rin ang katabi kong mahigpit na nakayakap sa akin at mahimbing pa ring natutulog. Hindi na pala kami sa kama natulog. Inumaga na kami dito sa couch.

Alas otso na nang silipin ko ang oras sa wall clock. Buti na lang Saturday ngayon kaya walang office hour si Alex. Dito lang siya sa bahay maghapon.

Hindi muna ako gumalaw at pinagmasdan ko ang natutulog na si Alex. Halatang malalim pa rin ang tulog niya. Siguro tinapos niya 'yong movie kagabi? Napuyat siguro. Mamaya na lang ako babangon kapag nagising na siya. Tutal, ayoko pang alisin ang mahigpit niyang yakap sa akin.

Naka dantay pa rin pala hanggang ngayon ang aking hita sa hita niya. Bale, magkaharapan kami at nakasiksik ang mukha ko sa mabango niyang katawan.

Pero ilang sandali lang din ay nagising na siya. Minulat lang niya ang mata niya at nag unat ng katawan tapos niyakap ulit ako ng mahigpit.

"Good morning, babe." Sabi ko sa kanya habang nakayakap siya sa akin at nakabaon ang mukha niya sa leeg ko. Ramdam ko naman ang pag ngisi niya.

"Good morning too, my beautiful wife. How's your sleep?" malambing niyang tanong.

"Good. Pwedeng-pwede na pala kahit dito lang tayo matulog sa couch. Kasya naman tayo."

'Yon nga lang, nahulog na sa sahig ang ibang unan at 'yong kumot na ginamit namin kagabi nasa sahig na rin. Malikot ba kaming natulog ni Alex?

"Nakakatamad bumangon." Ungol niya. Kahit ako. Ayoko pang bumangon.

Kaya nag toothbrush na lang kami at hindi pa kami naliligo o nakakapag palit ng damit namin mula kagabi. Naka taas ang paa ko sa upuan habang humihigop ako ng mainit na kape. Si Alex mukhang inaantok pang iniinom din ang tinimpla kong kape para sa kanya. Nag toast din ako ng slice bread at nag prito ng sunny side-up egg at hotdog.

Kahit na gulo-gulo at wala pang hilamos ang mukha ni Alex ang gwapo-gwapo niyang tingnan. Nakatitig ako sa kanya habang umiinom ako ng kape kaya 'di ko na napigilan ang sarili ko na kurutin ang pisngi niya. Kasalukuyan naman siyang kumakain ng tinapay.

Nabigla siya sa ginawa ko at napangiti siya.

"Why?"

"Wala lang." tapos humagikhik ako.

"You find me cute this morning?" natatawa niyang tanong. Tumango ako. "Kahit na bagong gising ako at hindi pa naliligo?" tumango ulit ako.

Natutuwa akong tingnan na parang nahihiya si Alex. So cute!

"Stop it. Mas gusto kong gwapo ang tingin mo sa akin kesa cute." Nakanguso niyang sabi.

Humagalpak ako ng tawa. "Gwapo ka naman sa paningin ko pero may time talaga na ang cute mo tingnan. Katulad ngayon. Hayaan mo na."

Nakanguso pa rin siya sabay kagat ng tinapay na may palaman na strawberry jam. Magkaharapan kasi kami sa table at hindi naman ganoon kalayo ang pagitan namin  sa isa't isa.

Napansin ko na may kayat na strawberry jam sa bibig niya. May naisip ako.

"Hey," sabi ko sa kanya para makuha ang atensyon niya. Agad naman siyang lumingon sa akin at itinaas niya ang dalawa niyang kilay.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at inilapit ko ang mukha ko sa kanya. Muntik pa akong mapahagalpak ng tawa dahil nabigla siya sa ginawa ko. At mas nabigla siya nang halikan ko siya at dinilaan ko ang kayat na strawberry jam sa ibabang labi niya.

"Strawberry." Sabi ko at lumayo na sa kanya sabay upo ulit sa upuan ko.

Akala niya siya lang ang may kakayanang gawin 'yon. Ako rin. Bawi-bawi lang.

I Do (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon