CHAPTER 8

1.1K 41 8
                                    

CHAPTER 8

*Danica’s POV*

Nakakapagod ang maghapon na ito. Well, araw-araw naman ako’ng pagod sa trabaho ko. Palagi na lang ako nag o-OT. Halos hindi naman woth it yung pagod ko sa sinusweldo ko. Kung hindi lang dahil sa gamut ng mga magulang ko matagal na akong naghanap ng ibang trabaho.

Hindi kasi ako maka absent para maghanap ng ibang trabaho. Palagi na lamang matao sa restaurant. Madami nga’ng customer, malakas nga ang benta, hindi naman tumataas ang sweldo naming. Hindi talaga makatarungan.

Ngayong araw ay suweldohan. Hindi ko lang alam kung magkano ang su-sweldohin ko ngayong cut-off. Siguro mababa kasi nagkaroon ako ng salary deduct. Nakabasag lang naman ako ng limang pinggan. Swerte ko ‘di ba? Nakakainis kasi yung ibang customer na bastos.

Pinagtyatyagaan ko na lang ang trabaho ko para sa pamilya ko. Sila na lang ang tanging lakas ko.

Nag balance muna ako ng account sa ATM. Hay.. nakakalambot naman ang sweldo. Anim na libo lang. Kaylangan ko pa’ng ipadala ang apat na libo sa parents ko. Ang isang libro ay renta sa bahay. At ang isang libo naman ay budget ko whole month. Ganito na ang routine ko matagal na. simula noong nagtrabaho na ako. Isang libo lang sa isang buwan okay na.

Alam ko’ng malayo ito sa dating kinagisnan ko. Kung alam ko lang na magkakaganito kami, eh, ‘di sana hindi ako gumastos dati. Sana inipon ko lahat ng perang binibigay sakin ng magulang ko noong may kaya pa kami. Hanggang ngayon nga, kapag naaalala ko ang dating meron ako, hindi ko mapigilang hindi mapaiyak..

Sa isang iglap nawala ang lahat. Ang lahat-lahat nang meron kami. Gaya ngayon, naalala ko na naman. Tumulo na naman ang luha ko.

“Miss, baka gusto mo’ng bilisan sa pag withdraw. Kanina pa kami dito.”

“Ay, pasensya na po.” Nagdali-dali na akong umalis sa ATM dahil nakakahiya na sa ibang nakapila. Pauwi na ako sa boarding house para magpahinga. Malapit na ako sa kantong papasukan ko nang may maramdaman akong kumapit sa balikat ko. Nakaramdam din ako ng matulis na bagay sa tagiliran ko.

“Miss, akin na ang pera mo kung ayaw mo’ng masaktan.”

Dumaloy kaagad sa buong katawan ko ang panginginig at sobrang takot. Hindi ko maaring ibigay ang pera ko dahil pambili ito ng gamot ng mga magulang ko. Pinaghirapan ko ‘to! Tapos maho-hold up lang?! Sigurado ako’ng sa ATM pa lang nakasunod na sa akin ang magnanakaw na ito.

Hindi ko alam ang gagawin. Natatakot ako. Ayokong masaktan at ayoko rin namang makuha sakin ang perang pinaghirapan ko. Alam kong maliit lang ito na halaga pero importante sakin ito.

“Tulungan n’yo ako. Please..” bulong ko.

“Miss, Huwag ka’ng magtangkang sumigaw kundi patay ka.” Sabi sakin ng magnanakaw. Nakatalikod ako sa kanya at nasa likod ko siya. Mahigpit ang pagkakakapit ng isang braso niya sa balikat ko kaya hindi ako makagalaw.

Medyo kumikirot na rin ang tagiliran ko. Unti-unti niyang ibinabaon sa tagiliran ko ang patalim na hawak niya.

Naalala ko noon.. may isang tao lagi ang dumadating kapag kaylangan ko ng tulong. Lagi siyang dumadating. Siya ang nagsilbing living angel ko. Pero ano’ng ginawa ko? Nilayuan ko siya. Kaya kahit na tawagin ko siya ngayon alam ko’ng hindi siya darating.

Bumagsak ang mga luha sa mata ko. Kahit na alam kong imposibleng dumating siya, gusto ko pa rin bigkasin ang pangalan niya.

“Tulungan mo ako, Alex..”

“Ibaba mo ang patalim mo, isang maling kilos mo puputok ang baril na ito sa ulo mo.”

Boses ng isang lalaki. Pero hindi ko siya makita dahil nasa likodan siya ng magnanakaw. Salamat Panginoon dahil may tumulong na sakin. Salamat..

Mahigpit lang ang hawako sa bag ko ng makaramdam ako ng sobrang kirot. Halos napasigaw ako sa sakit. Tuluyan ng lumayo sakin ang magnanakaw at habang ako naman ay napa-upo sa sakit na naramdaman ko sa tagiliran ko. Kinapa ko kaagad iyon. At nakita ko na lang ang maraming dugo sa kamay ko.

Nakita ko naman na nakikipag agawan ng kutsilyo ang isang lalaki sa magnanakaw. Siya ang lumigtas sakin. Hindi ko masyadong makita ang mukha niya dahil lumalabo na ang paningin ko sa sobrang luha na lumalabas sa mata ko. Pero parang nakita ko na siya. Masyadong pamilyar ang kabuoan niya.

At sa wakas ay naagaw ng lalaki ang kutsilyo sa magnanakaw. Nahiwa niya ito sa binti kaya napa-upo ang lalaking magnanakaw sa kalsada Lumapit sa akin ang lalaking tumulong sakin.

“May tama ka!” naramdaman kong binuhat niya ako at ipinasok sa isang sasakyan.

“Dadalhin kita sa ospital, ‘wag kang mag alala!” nahihimigan ko ang boses niya ay parang nag aalala. Narinig ko na habang nagda-drive siya may kinakausap siya sa telepono. Sino kaya ang tao na ito? Ngayon pa lang, nagpapasalamat na ako sa kanya.

Hindi ko na alam ang mga sumunod pa na nangyari dahil nawalan na ako ng malay..

Nagising ako sa isang hindi kilalang lugar. N-nasaan ako? Hindi ito ang loob ng boarding house ko. Kahit na nanlalabo pa ang paningin ko pinilit ko’ng aninagin ang pinaliligiran ko. Inikot ko ang paningin ko. Puti ang paligid. Maliwanag. Malawak. Sa kaliwa ko may bintana. Sa kanan naman may lamesa. May nakapatong na magagandang bulaklak at prutas.

Nagtaka na ako. May dextrose ang kamay ko. Nakasuot ako ng puting damit. Kung ganoon, nasa ospital ako. Sinubukan kong alalahanin ang huling nangyari..

Naalala ko na.. ang pagkakaalam ko muntik na akong manakawan. Pero nasaksak niya ako. Kaya kinapa ko ang tagiliran ko. Medyo masakit pa. Mas masakit kapag dinadamdam mo. Hindi ko pa masyadong maigalaw ang paa ko. Parang namanhid.

Medyo masakit din ang ulo ko. Siguro kaylangan ko pang magpahinga. Sa pag aalala ng huling nangyari sakin halos napaluha ako. Muntik na akong mamatay. Mabuti na lang may tmulong sakin para madala sa ospital. Kung hindi dahil sa kanya hindi ko na alam kung ano na ang nangyari sakin ngayon. Maraming salamat talaga sa kanya.

Pero sino kaya siya? Ni hindi ko man lang nakilala ang mukha niya noong niligtas niya ako. Gusto ko siyang makita at makilala para naman makapag pasalamat ako sa kanya ng pormal. Utang ko sa kanya ang buhay ko.

Dahil medyo nahihilo pa ako ipinikit ko ang mga mata ko. Kaylangan ko pang magpahinga. Hindi pa nanunumbalik ang lakas ko. Sana naman sa pag gising ko makilala ko na siya. At sana rin lumakas na rin kaagad ako. Hindi ko pa napapadalhan ng pera ang magulang ko. Baka nag aalala na sila sakin. Ni hindi ko nga alam kung ilang araw na ako dito sa ospital.

Nagising na naman ulit ako. Gaya ng unang gising ko kanina, nasa i-isang kwarto ulit ako. Pero nabigla ako nang may naka upong lalaki sa harap ko. Kaso nakataklob ng magazine ang mukha niya kaya hindi ko makita ang mukha niya.

“S-sir..?” tawag ko sa kanya. Narinig naman niya ako. Kaso laking gulat ko nang makita ko ang mukha niya.

Ang mukha niya.. hindi ako maaring magkamali..

Pero siya nga ba talaga iyan? A-Alex..? Ikaw ba ‘yan? P-paano? I-ikaw ang nagligtas sakin?

Tumayo siya sa kinauupuan niya at lumapit sakin. Pinigilan ko ang emosyon ko. Pinigilan ko rin ang luhang nagbabantang pumatak mula sa mata ko. Kaylangan mong pigilan ang sarili mo, Danica.

Kahit kailan ay hindi na ikaw si Danica Olivares. Ikaw na si Sara Magsino. Hindi ka na kilala ng mga dati mong kakilala. Hindi mo na rin sila kilala ngayon. Isa ka nang estranghero. Kaya magpanggap ka na hindi mo siya kilala. Kaya mo ‘yan. Pinaghandaan mo na ito dahil alam mo’ng dadating ka sa ganitong punto.

Tibayan mo ang loob mo, Danica.. huwag kang magpahalata..

Ilang taon ko rin siyang hindi nakita. At hindi rin ako makapaniwala na nakita ko na siya ngayon. At sa ganito pang sitwasyon. Ang lalaki na naging malapit sa puso ko. Ang lalaking minahal ako. At ang lalaking tinalikuran at iniwan ko..

“S-sir.. ikaw po ba ang tumulong sakin?”

Kaswal kong tanong sa kaniya. Kaylangan kong magpanggap. Nahihirapan mang akong ituring siyang estranghero pero kaylangan kong gawin. Patawarin mo ako, Alex. Kailangan kong itapon sa isip ko na hindi kita kilala. At kaylangan ko ring itago ang emosyon ko.

Ang mukha niya. Hindi ko maipaliwanag. Nakatitig lang siya sakin. Hindi siya nagsasalita. Iniisip ba niya na ako si Danica? Hindi na ako ito, Alex. Ako na si Sara Magsino..

Patay na.. ang dating si Danica..

I Do (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon