CHAPTER 65

857 18 0
                                    

CHAPTER 65

Nahihirapan akong bumangon ngayong umaga. Parang ang sarap pang matulog kaso maaga ang schedule ko ngayon sa school. Nag luto na lang ako ng almusal para mawala ang antok ko. Ang asawa ko naman himbing na himbing pang natutulog.

Kaylangan namin mag ready din ngayon ng mga co-artist ko dahil ngayong araw na mismo namin mame-meet si Mr. Bulgeri. Nakaka-excite na nakaka-kaba. Iba talaga kapag sa picture mo lang makikita ang isang tao. Pero mamaya makikita na namin siya ng buong-buo.

Maya maya lang ay nagising na ang asawa ko. Mumukat-mukat pa siyang nagtungo dito sa kusina. Kahit siya siguro inaantok pa rin katulad ko.

"Good morning, baby." Sabay halik niya sa noo ko.

"Good morning." Ganti kong bati at inabot sa kanya ang kape. "Coffee."

"Thanks." Umupo na siya sa tabi ko at nagsimulang humigop ng kape. Mukha namang nawala na ang antok niya.

"If only we can stay here the whole day..." umayos siya ng upo at humalukipkip. Sumandal siya sa upuan at lumingon sa akin.

Ngumuso naman ako. "Umuuwi ka na naman ng maaga kaya okay na 'yon."

Umuuwi na talaga siya ng maaga. Kung dati alas singko o alas sais siya umuuwi pero ngayon mag a-alas kwatro pa lang nasa bahay na siya. He really wants to make up to me. Bumabawi ang mokong. Nakakataba lang ng puso ang effort na ginagawa niya kaya mas mahabang oras na kaming nagkakasama.

"I think I have to find a reason to leave my work forever."

Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Alex.

"I'm just kidding." Sabay bawi niya sa sinabi niya at ngumiti siya ng malawak.

"Utot mo pang iwan ang trabaho mo. Pero sabagay, kahit hindi ka na magtrabaho okay lang."

"Kaso wala pa talaga akong matinding rason para iwan ang opisina. I can do home-based work naman pero alam kong hindi pa ito ang tamang panahon para iwan ko ang ginagawa ko d'on. Kaylangan pa ako ng kumpanya."

"'Yon ang point ko. Tsaka, ine-expect ka pa rin ng Dad mo. See? Kapag may major problem ang kumpanya n'yo nasusulusyunan mo kaagad."

Ngumisi si Alex. "Are you flattering me?"

"I'm just saying the truth. Magaling ka, Alex. I think, enough na ang napakita mo sa Dad mo." Sabay hawak ko sa pisngi niya.

Pero bigla akong nagtaka nang biglang nag iba ang mukha niya. I saw the bitterness in his face nang mabanggit ko ang ama niya. Hindi naman ako manhid para hindi ko maramdamang aloof siya sa parents niya. At isa pa, laking Lolo at Lola siya kaya siguro may gap siya sa parents niya. Pero palagi kong hinihiling na sana one day, maging okay na sila. At sana one day, ma-realize na ng Daddy ni Alex ang achievement niya. Sana hindi na siya mag expect pa ng mas matindi kay Alex kasi para sa akin, nagawa na lahat ni Alex para sa kumpanya.

Kapagkuwan ay lumambot na ang mukha ni Alex.

"Thank you for everything, baby. Thank you for appreciating my worth."

Ngumiti ako ng matamis sa kanya.

Kakatapos lang ng klase ko at papunta na ako sa Museum ni Mr. Bulgeri. Dinala ko na rin si Daneng dahil may mga dala akong mga sketch and paintings. Halos okupahin ng mga painting ko ang back seat.

At ngayon ay makikita ko na ng personal si Mr. Antonio Bulgeri. Ang pinaka bantog na Pinoy Artist sa buong bansa at pati na rin sa ibang bansa. Nakaka-excite!

Nag tap na ako ng I.D ko sa DTR system. Pinadala ko na naman sa mga maintenance namin ang mga art works ko sa loob ng museum para ihanda nang i-display. Ngayong hapon kasi may mga college students kaming bisita sa museum. Lakbay aral nila at ang museum ni Mr. Bulgeri ang napili ng mga fine arts students.

I Do (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon