CHAPTER 25

869 19 11
                                    

CHAPTER 25

(A/N: Sorry for being inactive in this story.Babawi ako.)

Danica’s POV

Naramsdaman kong tumatama na ang sikat ng araw sa mukha ko. Hudyat na umaga na pala kaya iminulat ko kaagad ang aking mga mata.

Bigla kong naalala ang nangyari kagabi. Akala koi sang panaginip. Totoo ngang nangyari ang lahat na mga natatandaan ko. Patunay na itong lalaking katabi ko na tulog pa rin hanggang ngayon.

Sa totoo lang, ayaw ko pang bumangon sa higaan. Gusto ko pang maidlip. Ayaw ko talagang umalis sa pagkakayakap niya sa akin. Buong gabi magkayakap lang kami matulog. Hindi siya bumibitaw sa pagkakayakap sa akin hanggang ngayon. Alam ba niya ang mga nangyari kagabi?Natatandaan kaya niya?

Tinitigan ko ang mukha niyang natutulog.

Ang gwapo talaga niya. Hindi ko tuloy napigilang hawakan ang bawat sulok ng mukha niya. Ang ilong niya, mata, labi at baba.Lahat perpekto kaya nagresulta ng perpektong mukha. Nakakapa ko pa ang malapit nang tumubong balbas niya sa baba. Ang cute hawakan. Hindi na talaga siya ang sixteen years old na Alex na nakilala ko eight years ago. He’s really a big man now. Noong sixteen pa lang kami, hindi siya ganito katipuno. Nadala na lang ng panahon kaya mas lalong gumanda ang katawan niya. Mas lalong naka dagdag ng appeal niya ang edad niya. Mas lalo siyang gumuwapo ngayon kaya hindi nakakapagtakang maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya.

Kagabi nga, hindi napalampas ng mata ko ang paghanga sa kanya ni Marione. Alam kong natipuhan kay Alex ang babaeng iyon. Pero sa totoo lang, maganda si marione. Matangkad, maganda ang katawan na animo’y isang stick lang ng fries lang siguro ang kinakain sa sobrang payat at isa pa, galing siya sa isang mayamang pamilya. Mukha pati siyang matalino at napaka eleganteng babae sa pagkilos niya.

“Mga gaya ni Marione ang bagay sa’yo, Alex. Hindi yung mga gaya ko..” sabi ko sa natutulog na si Alex.

Napabuntong hininga na lang ako at ipinagpatuloy ang pag hawak sa bawat parte ng mukha niya. Hanggang sa dumako ang daliri ko sa nakakaakit na labi niya na bahagyang naka buka. Ang labi niya na animo’y nag aanyayang humalik ulit.

Hindi pa rin ako makapaniwala na naramdaman ko ang labi niya sa labi ko nang nagdaang gabi. Hindi ko akalain na ganoon pala kasarap sa pakiramdam. Pakiramdam ko kasi, medyo nadagdagan ang pagiging babae ko. He poured the incompleteness of my life… and being as a woman.

Nakakaakit talaga ang malambot niyang labi. Naalala ko tuloy iyong dalawang beses niya akong hinalikan kagabi. Pakiramdam ko umakyat na naman ang lahat ng dugo ko sa mukha ko.

“Enjoying touching my face, woman?”

Halos malaglag ako sa kama nang magsalita si Alex. Nagulat talaga ako! Gising na pala siya at nahuli niya akong hinahawakan ang mukha niya! My ghad! Ang mukha niya parang nanunuyang ewan.Nang aasar ba siya?

Pinagmasdan ko ang mga mata niya. Mapungay ang mga iyon at bahagyang nakamulat lamang. Nakatingin lang siya sa akin. Mali, tamang sabihin na nakatitig.

“G-good morning.” Bati ko para naman maka move-on ako sa gulat.

“Good morning din.” Humawak siya sa sentido niya. “Pero ang sakit ng ulo ko.”

“Hang over. Teka, ikukuha kita ng gamot.” Bumaba na ako ng kama at ikinuha siya ng gamot sa medicine cabinet. Kumuha ako ng tubig at ipinainom na siya ng gamot. “Magpahinga ka pa. I’ll make breakfast.”

Iniwan ko na siya sa loob ng kwarto at nagtungo na ako papuntang kusina para magluto ng almusal. Nakahinga na naman ako ng maluwag at nawala na ang tension na nararamdaman ko. Ginulat ako ni Alex kanina. Nakakainis. Nahuli na naman niya ako na may ginagawang kung ano-ano. Ang malupit pa, eh, hinahawakan ko ang mukha niya. Nakakahiya talaga ako kahit kaylan.

I Do (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon