CHAPTER 44

758 17 3
                                    

CHAPTER 44

Nasa byahe na kami ni Alex pabalik ng Manila. Halos dalawang lingo din ang aming naging bakasyon at masasabi kong enjoy talaga. Medyo bitin pa nga sa pakiramdam. Kung isang buwang bakasyon siguro sulit na sulit na.

Bigla kong na-miss ang mga girls. Namimiss ko ang kaingayan at kaguluhan namin. Hindi na ulit namin alam kung kailan kami magkikita-kita uli. Sana naman sa Manila makapag bonding kami.

Tahimik lang na nagda-drive sa tabi ko si Alex. Nang sulyapan ko siya hindi ko mapigilang malungkot nang maalala ko ang sinabi sa akin ni Lola kanina.

"Alex," untag ko sa kanya.

"Hmm?" mabilis lang ang paglingon niya sa akin dahil naka focus siya sa pagmamaneho.

"M-may sinabi kasi sa akin kanina si Lola. Hindi ko mapigilang hindi malungkot nang makita ko ang masaya niyang mukha. She really look excited."

"Bakit? Ano bang sinabi ni Lola?" walang lingong tanong sa akin ni Alex.

"Gusto na daw niyang magka apo sa tuhod." Deretso kong sagot at naramdaman kong bumagal ang patakbo ni Alex ng sasakyan.

"So, let's make one." Agad kong sinulyapan ang mukha ni Alex dahil sa sinabi niya. Gulat na gulat ako at hindi ko alam kung ano ang sasabihin at mararamdaman ko. At ang kumag! Nakangisi! Sabi na nga ba't hindi 'to seryoso! Tangina. Seryoso ako dito tapos magbibiro lang siya? Nakakagago.

Hindi na ako umimik.

"They will understand about our situation. Don't worry, akong bahalang mag explain sa kanila." Seryoso nang sabi ni Alex.

So hindi nga niya gusto ang idea na iyon? Mas lalo akong nasaktan. Wala nga talaga siyang balak. May balak siguro siya pero hindi sa akin. Mas gusto ko pa 'yong pagbibiro niya kanina kesa sa sinabi niya ngayon. Nagpipigil na lang akong maluha kaya malalalim na hininga ang ginagawa ako.

"H-hindi ko mapigilang hindi malungkot pag naalala ko sina Lolo at Lola. Ayokong madisappoint sila. At isa pa, matatanda na sila at hindi na nila deserve na masaktan."

"Hindi sila masasaktan, Danica. Walang masasaktan."

Walang masasaktan? Oo nga't hindi sila masasaktan pero ako naman ang masasaktan. Pero ayos lang sa akin. Tatanggapin ko na lang ang katotohanang ganito talaga.

Bumaling ako sa bintana para itago ang paglandas ng luha ko. Hindi ko na napigilan, eh. Hirap na hirap akong pigilan ang hikbi ko. Pero sa gulat ko biglang huminto ang sasakyan at naka parke na kami sa tabi ng daan. Agad akong lumingon sa kanya.

Alalang-alala na naman ang mukha niya.

"You're crying again..." Halos paos niyang sabi na may halong takot pa sa boses niya. Parang gustong magpanic ni Alex sa kinatatayuan niya. Tinanggal niya ang seatbelt niya at lumapit sa akin.

"Tell me, babay. What's wrong? Lately madalas kitang nakikitang umiiyak."

Umiling na lang ako.

"No. No. Your tears are killing me. Please, tell me what's wrong? Nasasaktan ba kita?" hindi nagbabago ang hitsura ng mukha niya. Mas tumindi ang pag aalala niya nang humikbi na ako. "Fuck! Pakiramdam ko may nagawa talaga ako sa 'yo. Kung ayaw mo sabihin kung anong dahilan, just slap me. At least gumaan ang pakiramdam mo." Humawak siya sa kamay ko.

Hindi pag sampal sa 'yo ang makakapag pagaan sa puso ko. Ang gusto ko ay sana mahalin mo na ako pabalik. Iyon ang bagay na makakapag pagaan at makakapag pasaya sa puso ko. I can't slap you, Alex. Wala ka namang ginagawang masama. Hindi mo naman ako sinasadyang masaktan. Nasasaktan lang ako sa katotohanan at realidad na hindi ka sa akin kahit na nakatali ka sa akin.

I Do (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon