CHAPTER 62

677 16 2
                                    

CHAPTER 62

Settle na 'yong ipapagawa kong wooden Ferris Wheel sa shop na pinuntahan ko kanina. Maliit lang iyon at mga twelve inches lang ang laki.

Malapit na kasi ang birthday ni Alex at iyon ang gusto kong iregalo sa kanya. Nag isip talaga ako ng mabuti kung ano ba ang ireregalo ko sa kanya. Ang gusto ko kasi 'yong something memorable.

At para sa akin memorable talaga iyong nangyari sa amin sa Ferris Wheel. Hinding-hindi ko makakalimutan iyon. Isa iyon sa pinaka masayang araw ko. 'Yong sinabi niyang hindi siya bibitaw.

Pero pakiramdam ko ngayon parang lumuluwag ang pagitan sa aming dalawa. Pero siya na ang nagsabi sa akin kanina na kaylangan naming mag-usap. Nag sorry na rin siya at kaylangan ko na lang talaga ng explanation niya.

Nasa book store ako ngayon at nakakapag taka lang dahil maraming tao. Medyo mahaba tuloy ang pila sa counter. Nagmamadali pa naman din na akong umuwi dahil mag uusap na kami ni Alex.

Sa ngayon nagkakasundo na kami ng pintura kaya bumili ako ng marami. Nag aaral na kasi akong mag paint. Kaso realistic ang forte ko unlike Mikay. Magaling si Mikay sa semi-realistic and abstract. Susubukan ko minsan ang abstract.

Nakalabas na ako ng book store at pauwi na ako. Kinakabahan talaga ako sa magiging pag uusap namin ni Alex mamaya.

Biglang nag ring ang cellphone ko. Tumatawag na si Alex. Alas kwatro na nga naman ng hapon ay wala pa ako sa bahay.

"Baby." Hindi pa rin nagbabago ang boses ni Alex. Mababa at nag aalala pa rin ang boses niya.

"Hm?"

"Where are you now? Can I pick you up? I'm worrying."

Napapikit ako. Kahit na may pagkakamali siya kahapon okay na sa akin. Bakit ba ang bilis kong bumigay sa kanya? Gusto akong sunduin ni Alex. Okay lang naman sa akin.

"Kakalabas ko lang ng book store. Nasa loob pa rin ako ng mall."

"Saan kang part?" tanong niya kapag kuwan.

Luminga-linga naman ako sa paligid.

"Nasa tapat ako ng Jollib—." nahinto ako sa pagsasalita nang makita ko si Alex sa harap ko na nakatayo. Nakatapat din ang cellphone niya sa tainga niya. Simple lang ang suot niya but he is extremely hot. Naka leather jacket siyang itim at may shade pa siyang suot. Hindi na naman nakaligtas sa paningin ko ang ilang kababaihang napapalingon sa kanya. Kaya hindi talaga nakakapagtaka na ma-attract sa kanya si Marione. My husband is really damn hot.

"Found you." He said. Lumapit na siya sa akin at agad niyang nilagay ang kamay niya sa bewang ko para yakapin ako. Halos umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko nang halikan niya ako sa noo.

"Wala ka na bang bibilhin?" kaswal niyang tanong.

"Wala na. Okay na."

"Alright then. Uwi na tayo?"

Ngumiti ako at niyaya muna siyang mag take out ng pizza. Hindi ko muna trip ngayon kumain ng rice sa dinner. Mas gusto ko ng snack. Sumang ayon naman si Alex kaya nag take out na rin kami ng lasagna.

Naka uwi na kami at kumakain na ng pizza for dinner. Parehas kaming tahimik at hindi ko alam kung kailan ba namin pag uusapan ang tungkol sa bagay na iyon.

Hanggang sa nagpapahinga na kami ngayon para matulog. Magkatabi lang kaming nakahiga. Nakatalikod ako sa kanya at alam kong tinititigan niya ang likod ko. He's not touching me. Gusto kong yakapin niya ako. Kapag hindi ko na talaga kinaya ako na ang unang yayakap sa kanya.

Hindi ko na talaga nakayanan kaya humarap na ako sa kanya. Pagkaharap ko sa kanya nakaharap nga siya sa akin. Titig na titig siya sa mukha ko. Tanging dim lights at lampshade na lamang ang tangi naming ilaw sa loob ng kwarto.

I Do (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon