CHAPTER 27

889 23 8
                                    

Pardon for the typos..

CHAPTER 27

Alex’s POV

Marami akong ginawa sa opisina kaya pinagpabukas ko na lang ang pag punta ko kay Danica. Pag minsan, hindi kobtalaga masiguro ang schedule ko dahil bigla na lang nagkakaroon ng problema sa kumpanya na kaylangan masulusyonan ng agadan.

Nang masiguro kong maayos na ang lahat ng problema, lumabas kaagad ako ng opisina para puntahan si Danica. Ang sabi ko sa kanya na ngayong gabi kami mag uusap. I want to clear something kung may nangyari nga ba. Sobrang lasing ako at kaunting detalye lang ang natatandaan ko.

Ang natatandaan ko, ‘yung nasa party kami at hinalikan ko siya. Hindi pa ako lasing noon. Pero noong umuwi na kami sa bahay halos wala na akong matandaan kahit kaunti. Kaya ako nalilito dahil sa isang panaginip. I dreamt that we did something. Urgh! That could be real? Pakiramdam ko talaga na nangyari iyon. Kaya gusto ko talagang malaman kung nangyari nga o hindi.

Kung may nangyari nga, handa naman akong panagutan siya. Pero bakit ganoon na lang ang sakit na nakita ko sa mga mata niya noong himingi ako ng tawag sa kanya?

Did I say something wrong? Did I really hurt her?

Malamang, kung may nangyari nga, posibleng nasaktan ko siya. Sa taas ko ba namang six footer posibleng napwersa ko siya. Damn, she’s so soft and petite, tapos ako..urgh! She must be hurt! Halos gusto kong sapakin ang sarili ko sa pagiging padalos-dalos. Masyado akong nagpadala sa alak. Dammit.

Bago ko siya puntahan dumaan muna ako sa flower shop. Sana sa pamamagitan ng mga tulips na ito mabawasan ang inis niya sa akin. Inis lang ba siya o galit? Matinding suyuan talaga ang mangyayari.

Pero hindi ko pagsisisihan ang ginawa ko sa kanya bago ako umalis kahapon. Binuo noon ang araw ko. Kaya medyo ginanahan ako magtrabaho kahit na may hang over ako.

Kaya ngayon, dapat makapag usap na kami. I already decided na sabihin na rin sa kanya na siya si Danica at alam ko na ang lahat. Na hindi na niya kaylangan pang magpanggap. Dahil sa sitwasyong ito, hindi lang siya ang nahihirapan kundi ako rin. Gusto ko nang maging maayos ang lahat. At higit sa lahat, gusto ko na rin maayos ang kung anong meron sa aming dalawa.

Dali-dali akong bumaba ng sasakyan at kumatok sa pinto. Pero nakailang katok na ako wala pa ring bumubukas ng pinto. Wala pa ba si Danica? Ang alam ko dapat nakauwi na iyon galing trabaho.

Ginamit ko ang duplicate key ko para buksan ang pinto. Pero wala akong nadatnang Danica sa loob ng bahay. That could be..

Umakyat ako sa taas para i-check siya sa kwarto. Wala siya sa loob. Binuksan ko ang cabinet at bigla na lang akong nanglambot ng makitang wala na doon ang mga gamit niya.

Naiwan na lamang doon ang damit at accessories na isinuot niya noong party. Naiwan din doon ang ilang gamit na ibinigay ko sa kanya.

Bigla akong kinabahan. Hindi lang kaba ang nararamdaman ko pati matinding takot. Did she left me again?

Again..

Dali-dali akong bumaba papuntang sala. Palabas na sana ako sa loob ng bahay nang mahagip ng mata ko ang isang nakatuping papel sa ibabaw ng center table. Agad akong lumapit sa papel at kinuha iyon. May pangalan ko na nakasulat doon at nanginginig kong binuklat iyon para basahin.

Alex,

Una sa lahat, gusto kong humingi ng tawad sa’yo sa hindi ko pormal na pagpapaalam sa pag-alis ko. Maraming salamat sa lahat ng tulong na ibinigay mo sa akin. Habang buhay kong tatanawin iyon ng utang na loob.

I Do (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon