CHAPTER 41

784 22 6
                                    

Warning: Medyo SPG. Lol.


CHAPTER 41

Kanina sinamahan ako ni Alex na dumalaw sa puntod ng kapatid kong si Emily. Mabuti naman at maayos at malinis ang puntod niya dahil every week dinadalaw iyon nina Dad kasama ang iba naming hardenero para linisin at tirikan ng kandila. Hindi pinapabayaan ni Dad ang puntod ni Emily.

Pagkatapos namin dalawin si Emily dumeretso kami sa coffee shop nina Red at Miah. Malapit lang iyon sa bahay nina Miah. Malaki na ang pinagbago ng coffee shop dahil mas lumawak ang space at mas marami nang crew at mga barista. Marami na ring iba't ibang klase ng menu. Mas marami na pating customer ngayon kesa dati.

Bale si Miah na ang nagma-manage nito dahil may kumpanyang hinahawakan si Red sa Maynila. Nagtutulungan silang mag-asawa sa kanilang negosyo. At hindi lang pag ma-manage ng coffee shop na ito ang kanyang pinagkakaabalahan, tuwing Monday, Wednesday at Friday ay nagtuturo siya ng Business Administration sa EU kung saan professor din d'on si Ate Gail.

Nadatnan na namin sa loob ang lahat ng tropa. Nakaupo sila sa magkaharapang sofa na may mahabang glass table sa gitna. Si Ashlee kumakain ng coffee ice cream at ganoon din si Mikay.Nagkakape naman sina Max, Angela at Ate Gail.

"Danica! Alex!" ngiting bati sa amin ni Miah ng pagbuksan kami ng security guard ng glass door.

"Ang ganda na ng coffee shop n'yo. Ang laki na ng pinagbago." Sabi ko at umupo na kami sa tabi nina Ashlee.

"New renovated pa lang 'to kasi kaylan lang namin napapayag bilhin ang loteng katabi namin dati." Tinawag ni Miah ang kanilang barista. "Ano'ng gusto mo, Danica? Ikaw Alex?"

"Cappuccino estivo." Sabi ko. Paborito ko iyon at gustong-gusto ko talaga ang sago nila.

"Coffee latte." Ani Alex.

"Sige." Bumaling siya sa barista. "Paki labas din n'ong cake na ginawa ko kagabi, Marwin. Kumpleto na ang mga bisita natin."

"Sige, Ate Miah." Umalis na ang barista at ilang sandali lang ay bumalik ito dala na ang aming order at ang isang nakakatakam na cake na ginawa mismo ni Miah daw kagabi. Nilantakan namin iyon lahat habang nagkukwentuhan. Ang i-ingay at ang gugulo namin. Hinahayaan lang ulit ni Kuya Marco si Ate Gail kumain ng kumain ng matatamis.

Lahat sila pinagmamasdan ko habang tumatawa lang ako sa mga hirit ni Dale. Si Dale kasi ang pinaka maingay sa grupo sumunod naman si Kyle. Kahit na pinagbiyak na bunga si Dale at Dylan, malaki naman ang pagkakaiba ng ugali nila. Si Dale kasi masyadong maingay at pala tawa. Si Dylan naman pormal tingnan. Medyo maingay din pero hindi kagaya ng kakambal niyang si Dale.

Murahan dito murahan doon pero mga hindi naman nagkakapikunan. Asaran dito asaran doon. Tawanan dito tawanan doon. Kahit nga itong si Alex bidang-bida din. Ugh, boys! Tawanan lang kami nang tawanan ng mga girls. At ito namang si Ian dinaig pa si Ate Gail sa pag lantak ng cake. Akala mo naglilihi rin.

Ilang araw na lang at babalik na ulit kaming lahat sa Manila kaya sinusulit na namin. Bale ang matitira lamang dito sa Quezon ay si Miah at ang mag-asawang si Ate Gail at Kuya Marco. Lumipat na pala sa bahay nina Kuya Marco si Ate Gail noong isang araw. Ang bahay kasi nina Mikay ngayon renovated na at mas marami nang kwarto. Hindi daw muna babalik sa Manila si Kuya Marco para maalagaan daw si Ate Gail lalo pa't buntis. Ang sweet talaga. Lumalambot ang puso ko sa kanila.

The rest sa amin ay babalik na nang Manila. Hindi na namin alam kung kailan ulit kami makakapag bonding. Mga busy na ulit sa mga kani-kanilang trabaho. Lalo na 'tong asawa ko. Madaming inaasikaso sa opisina. Ako naman may klase na ako next week. Pasukan na namin at medyo kinakabahan ako sa muling pagbabalik eskwela ko.

I Do (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon