CHAPTER 34

896 20 6
                                    

CHAPTER 34

Danica's POV

Ilang araw na rin simula noong lumipat ako dito sa pad ni Alex. At habang tumatagal, napapansin ko na mas lalo pa siyang naging sweet. O baka sinusuklian lang niya ang pagiging maasikaso ko sa kanya.

Ngayon, tinawagan ko sa Mikay para makipag kwentuhan sa kanya. Medyo wala kasi akong magawa sa pad ni Alex kaya lalabas muna ako. Papunta na ako sa Photo Studio ni Mikay. Hindi ko akalain na malaki pala ang Studio niya.

Pagkapasok ko sa loob ng Studio tumambad kaagad sa akin ang mga sample paintings at photo samples ni Mikay. Nakakamangha lahat. Hindi ko alam na ganito pala siya kagaling. Kasalukuyan namang mga empleyado ni Mikay ang nag aasikaso sa mga customer.

"Danica!" Bati sa akin ni Mikay at sumugod sa akin ng yakap. Simpleng sweater at black jeans lang ang suot niya gaya ko. "Mabuti naman at napadalaw ka dito." Umupo kami sa pinaka visitors area.

"Eh, kasi, medyo wala na akong magawa sa bahay ni Alex kaya naisipan kong dumalaw dito. Nga pala, sobrang ganda ng studio mo." tapos inilibot ko ang tingin ko.

"Hehe.Salamat. Ay! Tapos ko na palang i-edit yung mga pictures at canvas ko na regalo ko sa kasal n'yo ni Alex. Sorry kung na-delay, ha?"

"Wala 'yon. Actually excite na akong makita. Nakakahiya nga kasi nag abala ka pa."

"'Sus.Regalo 'to 'no. Wait, kukuhanin ko lang."

Pumasok si Mikay sa isang pinto. May nag abot naman sa akin ng orange juice. Empleyado ni Mikay. "Thank you, miss."

Ngumiti at tumango sa akin yung babae at nagbalik trabaho sa pag e-edit ng pictures.

Napagawi ako sa bandang reception area. Naka display doon ang picture nina Mikay at Ian. Ang cute!

Habang hinihintay kong bumalik si Mikay, tumingin muna ako sa mga paintings na naka display. Napatingin ako sa signature siya sa painting. MSJ?

Natatandaan ko na yung makalaglag pangang paintings na naka display doon sa unit ni Alex ay MSJ ang naka-signature. Kung ganoon, galing iyon kay Mikay?

"Heto na!" Tulak-tulak ni Mikay ang isang naka taklob na painting sa paint cart. Pa-suspense pa talaga, eh. May bitbit din siyang dalawang hindi kalakihang box.

"Ikaw si MSJ?" Excited kong tanong sa kanya.

"Uhh, oo. Bakit?" nagtatakang tanong ni Mikay.

"Ikaw pala yung pintor sa mga paintings na naka display sa pad ni Alex?"

"Oo, yung iba bigay ko sa kanya noong birthday niya. Yung iba naman, binili talaga niya. Sabi ko nga 'wag na lang niyang bayaran. Kaso mapilit, eh."

"Ang gaganda ng mga paintings mo d'on, promise! Gustong-gusto ko."

Ngumiti si Mikay.Hindi pa rin nagbabago ang sweet smile niya eight years ago.Ang bubbly pa rin niyang tingnan.

"Busog na busog na ako sa mga papuri mo. Salamat talaga ng marami." sabay tanggal niya ng taklob na puting kumot at tumambad sa akin ang isang napaka gandang painting na naka frame na mismo.

"Tada! Nagustuhan mo?" tanong ni Mikay habang naka ngiti.

Halos ma-speechless ako. Manghang-mangha talaga ako sa painting skills niya. "This is so... incredible! Ang galing mong painter! Ang galing ng stroke mo. Good blending of colors. Ang galing ng pagkaka abstract."

"Kapag tititigan mo ng mabuti, you will know the secret story behind this painting."

Tumingin ako ng makahulugan kay Mikay.Abstract nga, eh. Malamang may kwento nga ito.

I Do (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon