Chapter 42

88 4 1
                                    

Natigil ako sa pagbibihis ng marinig ko ang malakas na pagsabog na nagmumula sa basement.

"Kaifier?! Hon?! What was that?!" Sigaw na tanong ko sa aking katipan, ngunit wala akong narinig na sagot kaya nagmamadali akong bumaba sa unang palapag ng palasyo.

Nakasalubong ko pa si Athera na suot ang pandigma niyang kasuotan. "Anong nangyayari, Athera?"

"Nagising ang mga biktima sa may basement, sa aking sapantaha ay nasa ilalim sila ng isang mahika. Doon na si Vera upang pigilan sila ngunit hindi niya iyon kaya, malalakas ang taglay nilang abilidad."

Tumakbo siya at iniwan ako, agad na sumunod ako upang tulungan silang kontrolin ang kaguluhan.

Pagkababa ko ay napaatras ako upang umiwas para iwasan ang mesang lumilipad.

"Fuck!" Hindi mapigilang sigaw ko ng makita si Kaifier na tumama sa pader dahil itinulak ng isang bata.

Naglaho ako at agad na sinuntok ang mukha ng nanakit sa aking katipan, "How dare you pushed him?!" Sigaw ko at dinuro siya, saka lumapit para sapakin siya ngunit natigil din ako ng may humila sa aking buhok at kinaladkad ako bago ihagis sa pintuan.

Nasira ang pinto dahil sa lakas ng aking pagkakatama, nakita ko naman si Vaine na nanlalaki ang mata habang nakatitig sa akin.

"Help us!" Utos ko, mukha naman siyang nahimasmasan kaya tumakbo siya sa loob at kinalaban ang iba.

Wala sila sa kanilang mga sarili at kulay puti ang kanilang mga mata, ano ba ang dapat kong gawin upang maibalik ang kanilang katinuan?

"Vaine!" Sigaw ko sa kanyang ngalan habang inaatake ang isang babae at pinoprotektahan ang sarili ko sa mga umaatake sa akin.

"Bakit po, mahal na reyna?" Hinahapong tanong niya saka sinuntok ko ang mukha ng isang kalaban bago tumabi sa akin.

Hinampas ko muna ang balikat ng isa bago siya harapin, "Puntahan mo si Blood. Take her away from any danger."

Tumango siya ay pinatumba ang aming kaharap saka tuluyang naglaho.

Keep my daughter safe, goddess. Dasal ko habang tumatakbo para suntukin ang isa na nasa likod ni Athera.

"Where's Lorde?" Malakas na tanong ko at napahiga ng dambahan ako ng isang bata.

I recognized her right away, siya ang anak ni Márquez. Itinulak ko siya paalis sa aking harap at gumulong pakaliwa, itinukod ko ang kanang siko ko saka siya sinipa ng malakas.

"He's in the school!" Dinig kong sagot ni Athera, nakikipag hand to hand combat siya sa isang lalake.

Madami na ang nasirang gamit ngunit wala doon ang isip ko, hinahanap ko pa rin kung ano ang kahinaan nilang lahat.

Ilang sandali lang ay biglang sumulpot sa harap ko si Blood, bakas ang gulat sa mga mata niya ng datnan kami sa ganito sitwasyon.

Hinala ko siya paalis sa pwesto niya at iniharang ang aking katawan para hindi siya tamaan ng upuan na ihahampas ng kalaban.

Napaubo naman ako ng tumama ito sa aking likod ngunit hindi ko iyon inalintana, binitawan ko ang aking anak at sinakal ang nagtangka sa kanya.

"Get out of here, Blood! Kaya na namin ito!" Galit na sabi ko ngunit hindi niya ako pinakinggan. Nakipag-away siya at hindi maipagkakaila na malakas ang kanyang kapangyarihan.

She used fire to control the enemies, but it's not enough. Masyado malakas ang nga ito at nakikita ko sa mata ng anak ko ang pag-aalinlangan.

Susugod na sana ako ng bigla na lamang silang naglaho, nagpalitan kami ng nagtatakang tingin ngunit bago pa ako makapagtanong kay Blood ay naglaho na ito.

Blood Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang