Chapter 24

83 6 0
                                    

"Kamusta ang lagay niya, Ina?" Tanong ni Phiovee kay Tita Vera na puno ng pag-aalala, habang hawak ang palad ni Davian.

"Naalis na namin ang lason sa katawan niya, subalit mabagal humilom ang kanyang sugat." Pagpapaliwanag niya sa kanyang anak.

Nanatili akong nakasandal sa gilid ng pinto habang nakikinig sa usapan nilang mag-ina.

Nakayuko ako at kinakagat ang aking dila habang tinitingnan at pinaglalaruan ang aking mga daliri.

"May gusto ka ba kay Davian, anak?" Masuyong tanong ni Tita Vera kay Phiovee.

Bahagya akong sumilip para makita ang reaksyon ng kanyang mukha sa tanong ng ina niya. Nakaawang ang kanyang labi. Her Mom's question made her caught off guard.

"Ma?" Hindi makapaniwalang umiwas siya ng tingin at huminga ng malalim.

"Alam mo na hindi pwede 'yang nararamdaman mo para sa binatang 'yan. Nakatadhana na siya para sa iyong pinsan." Malumanay ngunit may halong pagpapa-alala ang kanyang tinig.

Naglakad siya palapit kay Phiovee at hinaplos ang likod ng kanyang anak.

"At magagalit ang Tita Fiera mo, inatasan ka lamang niya para bantayan si Davian."

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko dahil sa kaalaman na aking narinig. Kaya ba siya lumalapit sa mate ko dahil sa utos ng aking ina?

Napailing na lamang ako, ano naman ang rason at iniutos niyang bantayan si Davian ng aking pinsan?

"Hindi ko maiwasan na hindi siya mahalin, subalit sinubukan kong pigilan ang nararamdaman ko, sapagkat alam kong mali 'yun. Ngunit habang tinitikis ko ang aking sarili ay mas lalo ko lamang siyang natututunang ibigin."

"Anak ko," naluluhang sambit ni Tita Vera, alam ko na kahit siya ay nasasaktan dahil sa sinambit ng kanyang anak.

Bago pa sila mag-iyakan ay umeksena na ako. Tumikhim ako ng dalawang beses upang kunin ang kanilang atensyon.

Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagpunas ni Phiovee sa luhang kumawala sa kanyang mata, humarap siya sa akin at ngumiti ng matamis.

Mapagkunwari.

"Blood, kanina ka pa ba?" Kinakabahan na tanong niya. Umiling ako at gumanti ng ngiti sa kanya.

Lumapit ako kay Tita Vera para bigyan siya ng beso.

"Hindi pa rin po ba nagigising si Vaine?" Magalang na tanong ko at mayuming ngumiti.

"Hindi pa, ngunit nasisiguro kong malapit na siyang magkamalay. Natanggal ko na rin ang lason sa katawan nilang dalawa, kaya huwag ka ng mag-alala pa. Malayo na sila sa kapahamakan." Tinapik niya ang balikat ko at nagpaalam para umalis dahil may pag-uusapan pa sila ng aking Ina.

"Halika ka na, Phiovee!" Tumaas bahagya ang kanyang boses at sapiliting hinila ang kanyang anak na walang balak umalis sa tabi ni Davian.

Narinig kong sumarado ang pinto kaya napalis ang nakapaskil na ngiti sa aking labi. Humarap ako kay Davian at agad na niyakap siya ng mahigpit.

Pakiramdam ko ay sobrang tagal na mula ng makasama ko siya kaya pakiramdam ko ay lumayo ang loob namin sa isa't-isa.

"Alam kong ikaw ang itinadhana para sa akin, subalit hindi ko maiwasang mangamba sa tuwing nakikita ko ang pinsan ko na nagiging malapit sa'yo. Batid ko na merong namagitan sa inyong dalawa. Hindi mo maipagkakaila sa akin ang katotohanang iyon, pero pinapatawad na kita sa anumang kasalanan na nagawa mo."

Idinampi ko ang aking labi sa kanyang pisngi, patungo sa kanyang labi saka siya binigyan ng halik na puno ng pagmamahal.

"Galit ako dahil sa nangyari sa inyo ngunit hindi basta-basta mawawala ang nararamdaman ko para sa iyo, you're my mate. Our souls are connected and in the end you'll be mine. I may doubt you but please never, ever, let me go."

Blood Where stories live. Discover now