Chapter 21

95 7 0
                                    

Malakas na sinampal ko ang mukha ng lakake, ngunit dumura lamang siya ng dugo at walang buhay na tumingin sa akin.

"Ikaw ba ang salarin? Ikaw ba ang pumapatay?" Nauubos na ang aking pasensya dahil wala akong nakukuhang sagot.

Itinaas ko ang aking kamay para bigyan siya ng sampal ngunit may pumigil sa aking mga braso.

"It's enough, Bella. You might kill him!" Malamig na utos ni Vaine at hinila ako para maupo sa isang tabi.

Siya ang kumausap sa lalake pero wala talaga itong ibinibigay na impormasyon.

"Louie Dreu Vigne."

Nagtatanong na napatingin ako kay Vaine dahil sa kanyang sinabi at itinaas ang aking kilay.

"He is Louie Dreu Vigne, Anesthesiologist. That's the only thing he said, he was also telling me that we might be mistaken dahil hindi ka rin naman niya kilala at wala pa siyang pinapatay."

"Naniniwala ka sa kanya?"

He just hummed and nodded lightly.

"Ako na ang kakausap sa kanya
." Muli akong tumayo at lumapit kay Louie. Lumabas naman si Vaine para bigyan kami ng privacy.

Hinawakan ko ang kanyang baba at bahagyang inangat para magtagpo ang aming mata.

He smirked at me, "You're Blood?" he asked animatedly.

Tumango ako bilang sagot sa kanyang tanong.

"No wonder he was madly inlove with you," he whispered to himself but I can clearly hear him.

"Who?"

"The one behind of this mess."

"Sabihin mo sa akin kung sino siya."

Umiling siya sa akin saka tinitigan akong mabuti.

"No one can ever stop him, not even you. Unless you give him what he really wants, then maybe you can stop him."

Tumayo ako sa kanyang harapan.

"At ano ang kanyang gusto?"

He shrugged his shoulder slightly and looked up on me.

"Figure it out, but I am not the one who attacked you."

Magtatanong pa sana ako sa kanya ngunit bigla na lang ako tumilapon patungo sa mesa. Tumama naman ang aking likod sa upuan dahilan para matumba ito at masira.

May lumitaw na dalawang tao, isang nakasuot ng pulang balabal at ang isa ay kulay berdeng balabal.

Ang nakaberde na balabal ay agad dinaluhan si Louie para kalagan.

Lumapit sa akin ang nakapula, he's the one who attacked me.

Lumuhod siya sa aking harap at hinaplos ang aking pisngi.

"You okay, my love?" Masuyong tanong niya. Tinapik ko ang kamay niyang nakahawak sa akin at sinubukang tumayo ngunit kinarga niya ako, hinawi niya ang mga nasa mesa at masuyo akong iniupo.

"Glad you're okay."

Niyakap niya ako, akmang itutulak ko siya palayo pero may itinurok siyang muli sa aking leeg kaya hindi ako makagalaw.

"Bakit hindi ako makagalaw?"

"I put a little poison in you, but it's different from the one I used when we're in the forest." Tiningnan ko siya ng masama dahil sa kanyang sinabi.

"Ano ba talaga ang gusto mo? Bakit mo ito ginagawa? At sino ka ba talaga?" Mahinang tanong ko pero hindi niya ako sinagot.

"Kunin niyo lahat ng ebidensya." Makapangyarihan niyang utos na agad din namang sinunod ng dalawa.

Blood Where stories live. Discover now