Chapter 35

73 4 0
                                    

Isang buwan akong hindi umuwi sa palasyo, hindi rin ako pumunta sa mga lugar na batid ko na alam ni Davian, Phiovee o kahit na sinong konektado sa kanila.

Nagpakalayo-layo ako, hindi ko kinakaya ang sakit na umukit sa aking puso at isipan. Ayoko ng magpakita pa sa kanila dahil alam kong wala rin namang patutunguhan ang lahat.

I'm thinking about letting him go, ayoko na masaktan si Phiovee, ayoko na mahirapan at maguluhan si Davian. Ayoko na masira ang relasyon ko sa aking pinsan sapagkat alam kong magiging dahilan lang 'yun upang masira ang aming pamilya. I just wanted to be happy, ngunit hindi ko alam kung deserve ko ba.

Wala na rin namang rason upang panghawakan ko pa ang mga pangako ni Davian. Buong akala ko kasi ay ako ang kanyang mate kaya nakampante ako na kahit nasa paligid si Phiovee, he would still end up with me, ngunit mali ako.

Iyon lang ang dahilan kung bakit patuloy akong lumalaban kahit na alam kong unti-unti nang nahuhulog ang loob niya sa aking pinsan.

Tiningala ko ang malaking buwan na nagtatago sa likod ng maitim na ulap, napangiti ako ng mapait.

Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako habang nakatingin sa buwan, siguro ay dahil alam kong wala na talagang pag-asa, upang mapasaakin siyang muli.

I don't think that love is enough, if it's just me who loves him. He doesn't love me anymore.

May tumikhim sa aking likuran ngunit hindi na ako nag-abala pa para lumingon.

"You're here again. Let's go home, my love," bulong niya sa akin at masuyong hinaplos ang aking buhok. Napatingala ako sa kanya.

Si Victoire ang nandyan sa aking tabi nang malaman ko ang katotohanan. Siya ang nagdala sa akin sa isang maliit na tahanan na nasa gitna ng masukal na kagubatan. Siya ang naging karamay ko, siya rin ang naging sandalan ko sa tuwing ako ay umiiyak. Kaya malaki ang pasasalamat ko sa kanya.

Hindi niya ako sinaktan kahit na alam kong pwede niya iyong gawin, because I'm weak. Bagkus, ako ay kanyang inalagaan sa loob ng isang buwan naming pagsasama.

Hinawakan niya ang aking kamay at hinila ako patayo. Habang naglalakad kami pabalik sa maliit na kubo, hindi niya binitawan ang aking palad.

Inalalayan niya ako sa pagpasok sa pinto, agad na naamoy ko ang aroma ng kanyang niluto kaya sumilay ang ngiti sa aking labi.

Marahang tumakbo ako patungo sa maliit na mesa at agad na umupo para kumain.

Nanatili lang siya na nakatayo sa gitna at pinagmamasdan ako.

"Hindi ka kakain?" Tanong ko sa kanya ng malunok ko ang nginunguya kong buttered shrimp.

Umiling siya sa akin, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikita ang kanyang mukha. Hindi niya hinubad ang suot niyang balabal, kahit saan siya mapunta.

"Hindi ko ba talaga pwedeng makita ang iyong wangis?"

Muli siyang umiling, sumimangot ako at hindi na siya kinulit pa. Hanggang sa matapos ako sa paglantak ng pagkain at nakatitig lang siya sa akin, kaya bilang pasasalamat. Tumayo ako at niyakap siya ng mahigpit. Naramdaman ko ang paninigas ng kanyang katawan dahil sa aking ginawa ngunit agad din siyang kumalma makalipas ng ilang minuto.

"Maraming salamat sa lahat ng ginawa mo pa sa akin." Taos pusong pasasalamat ko sa kanya.

He hugged me back and rested his head on my shoulder. Naramdaman ko ang paghalik niya sa aking braso.

Tanging tube lang ang suot ko kaya ramdam na ramdam ko ang pagdampi ng labi niya sa aking balat.

Hindi ko magawang umiwas dahil kahit hindi ko aminin, nagugustuhan ko ang paraan ng kanyang paghalik.

Blood Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon