Chapter 7

166 10 0
                                    

Nakapamewang ako habang nakatayo at nakatitig sa dalawang katawan na nasa harapan ko. Hindi ko pa rin lubos maisip na hindi gumana ang aking kapangyarihan.

Kahit isang beses, hindi ako pumalpak. Ngayon lang talaga.

Kinagat ko ang aking hintuturo at nagsimulang maglakad dahil ako ay nababalisa.

Bakit? Paulit-ulit na tanong ko sa aking isipan.

"Ohhhh! Ohhhh shit! Shit!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at nangunot ang aking noo ng makita si Locki na nakaupo sa lupa at nanginginig habang nakaturo pa sa dalawang patay na nakabalandra sa harap nito. Namumutla siya at natataranta dahil sa kanyang natagpuan.

"What the fuck are you doing here?" I calmly asked him to hide my anger. No one should be here to witness this gruesome scene.

Hinawakan naman ni Vaine ang aking kamay at marahang pinisil.

"Your eyes, It's Golden. Control your temper, bella," mahinang bulong niya sa akin at pinuntahan si Locki para tulungang tumayo.

Muntik pa silang mabuwal dahil talagang nanginginig ang paa niya. Tsk! It's just blood yet he's so scared. "Weak!" Naiinis na bulong ko at hinila si Locki palayo rito.

"Vaine, take care of the bodies."

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at basta ko na lamang kinaladkad ang nakatulalang si Locki. I need to get him out of here.

Nakarating kami sa garden at nakatulala pa rin ito. Dahil ayokong naghihintay ay sinampal ko na lang siya para agad siyang mahimasmasan.

Napahinga ito ng malalim na para bang galing sa pagkakalunod. Napangiti ako dahil sa naging reaksyon niya.

"Nahimasmasan ka na? Now tell me? What the fuck are you doing there?" Tiningnan ko siya ng masama kaya naman namutla siya at bahagya pang napaatras.

"Aah? Huh? Eh, uhmm.." itinaas ko ang kamay ko para sana sampalin siya dahil sa pagkakautal niya pero nagsalita rin ito.

"Pumuntaakodoonkasinagiinspectionako." Mabilis na sabi nito habang nakayuko at kinakagat pa ang kanyang daliri.

"What?!" Sigaw ko. I'm being impatient and I am losing my temper.

Napatalon ito sa gulat at naiiyak na napatingin sa akin.

"Are you a gay?!" Muling sigaw ko sa kanya. Namula naman siya at umiling.

Huminga na lang ako ng malalim dahil walang patutunguhan kung magagalit lang ako. Hindi ko makukuha ang sagot na kailangan ko. I needed to be calm.

"Bakit ka nandoon?" Mahinahon na tanong ko at ramdam ko ang pagkawala ng kabang nararamdaman niya.

"Ginagawa ko lamang ang tungkulin ko. Chinicheck ko lang kung walang estudyante na nagtatangkang magskip o kaya ay magcutting. Ngunit hindi ko inaasahan na makita iyon." Bumalik ang pamumutla nito kaya hinawakan ko ang kanyang kamay at nginitian siya.

Bigla naman itong natulala.

"She's so beautiful." Natigilan ako ng marinig ang kanyang iniisip. Tumikhim ako at tumayo ng tuwid.

"Stop staring at me," bulong ko na narinig naman niya kaya yumuko ito at tinitigan ang kamay niyang nakasalikop.

"Huwag mo munang sabihin sa iba ang nakita mo. They are investigating."

"They?" nagtatakang tanong nito.

"Yung NBI," maikling sagot ko at tinalikuran siya para bumalik sa classroom.

Umupo ako sa tabi ni Davian na ngayon ay napapalibutan ng masamang aura dahil nasa kabilang tabi nito si Phiovee na kinukulit siya.

I secretly rolled my eyes.

"Hey, turuan mo ako nito. Sige na please. Hindi ko talaga maintindihan, ikaw ang nakasagot nito kanina." Dinig kong pangungulit niya sa mate ko.

Binuksan ko ang aming mind link at kinausap si Davian.

"Baby? Wanna change seats?" Nakita ko ang pagsilay ng isang matamis na ngiti sa labi niya at agad na humarap sa akin at mabilis na hinalikan ang aking labi bago tumayo para makipagpalit ng upuan sa akin.

Nang tuluyan na kaming makapagpalit ng upuan ay hinarap ko si Phiovee habang nakangisi.

Nag aalangan na napangiti ito sa akin pero batid kong ayaw niya akong makatabi.

Well? What can I do? I'm just making sure that my possession is safe.

"Narinig kong nagpapatulong ka sa BOYFRIEND ko?" Talagang idiniin ko ang salitang boyfriend para naman malaman niya na  taken na ang lalakeng kinukulit niya.

"Ano iyon? Baka alam ko. Gusto mo ako na lang magturo sa iyo? Matalino rin naman ako katulad ni Davian." Naramdaman ko ang paghawak ni Davian sa ulo ko at ginulo ang aking buhok.

"Kay Blood ka na magpaturo, Miss. She's smarter than me, don't worry she's nice." Buong pagmamalaki na sabi ni Davian kaya naman hindi ko maitago ang aking ngiti.

"Stop flattering me," mahinang sabi ko sa kanya. I smiled sweetly at him.

He pulled me and kissed my temple. Kita ko ang pagsama ng mukha ni Phiovee at mukhang nawalan ata ng ganang mabuhay, that was exaggeration.

"Oh! Well. Papaturo ka pa ba?" mahinang tanong ko sa kanya. Hindi ako makafocus sa kanya dahil hinahalikan na ni Davian ang aking leeg.

Nakatingin lamang siya sa aming dalawa at ng makita ang ginagawa ni Davian at nakita ko ang pagtulo ng kanyang luha.

Tumayo ito at niligpit ang kanyang gamit. "Ahhh, okey na pala. K-kaya ko na. Kaya ko."

Nagmamadali na umalis ito sa aming harap na umiiyak.

As if I care. Kung hindi ka nagkagusto sa pagmamay ari ko e'di sana hindi ka nasasaktan ng ganyan. Ngunit ang hindi ko maintindihan ay kung bakit mabilis na nahulog ang loob niya lay Davian kahit na ilang araw pa lang siya narito, at isa pa hindi naman siya kinakausap ni Davian. Is there something that I need to know?

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas siya, lumingon pa ito sa amin at kita ko ang mukha nitong hilam ng luha.

"Does she like Davian that much?" tanong ko sa aking isipan, sinugurado ko na hindi maririnig ni Davian ang katanungang iyon.

Unang kita ko pa lang kay Davian ay bigla ng nag iba ang tibok ng dibdib ko.

Hindi ko rin maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko sa tuwing magtatagpo ang aming paningin. Aaminin ko, kinikilig ako.

Ngunit sa tuwing makikita ko na wala siyang pakialam sa iba, sa akin ay labis akong nalulungkot. Puno ng inggit na napatingin ako kay Blood. Napakaswerte niya dahil sa kanya ang lalakeng tinatangi ko.

Ngunit lahat ng inggit na nararamdaman ko ay nawawala kapag nakikita ko ang mukha ni Davian.

"Gawin mo ang nakatakda. Iyon ang tatandaan mo,"  bulong niya sa aking isipan kaya napapikit ako ng mariin at ikinuyom ang aking palad.

Hindi ko makakalimutan kung bakit ako nandito.

"Huwag kang mahumaling sa taong hindi itinakda para sa iyo."

Muli niyang bulong kaya naman napaiwas ako ng tingin sa dalawa na naghahalikan.

Doon bumalik sa aking isipan ang aking ginagampanan.

Tungkulin ko ang pangalagaan siya, hindi ang ibigin siya.

Ngunit sa tuwing magtatama ang aming paningin ay hindi ko maiwasan na makaramdam ng kakaiba.

I like Davian. I know I need to stay away from him but I can't... I just can't.

Blood Where stories live. Discover now