Chapter 39

75 5 2
                                    

Nilagyan ko ng harang gamit ang kapangyarihan ang isang malawak na kwarto, dito namin nilagay ang mga katawan ng biktima. Natapos na silang bigyan ng paunang lunas ni Tita Vera at Tita Athera, tumulong na rin ang aking ina.

Umakyat ako hagdan at tumungo sa sala, kung saan sila naroon. Nasa basement kasi ng palasyo nilagay ang mga biktima.

Tahimik silang nakaupo, ginagamot ni Davian ang mga natamong sugat ni Phiovee. Si Vaine naman ay ginagamot ni Tita Vera. Nang makita ako ng aking ama ay tumakbo siya papunta sa akin at hinila ako paupo, upang gamutin ang mga natamo kong sugat sa pakikipaglaban.

Tiningnan ko silang dalawa, si Davian at Phiovee, sa aking harap. Hindi ko maiwasan na masaktan ngunit isinantabi ko iyon.

"Ahm.." pagsisimula ko, lahat naman sila ay humarap sa akin.

"Tita Vera, ano pong uri ng nilalang ang tatay ni Phiovee?" Magalang na tanong ko kay Tita Vera. Imposible kasi na may ganoon sa aming angkan.

Naglikot naman ang mga mata ni Tita Vera at iniwasan ang aming mga tingin.

"Bakit anak?" Tanong ni mommy na tahimik sa isang tabi.

Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang nakita kong pagbabagong anyo ni Phiovee, mukha kasing walang alam ang mga magulang ko.

Nadinig ko ang paghinga ni Tita Vera ng malalim at kinamot ng bahagya ang kanyang buhok bago humarap sa amin at nakangiti ng alanganin.

"Nakita mo si Saviane na nagbagong anyo?" Tanong niya at tumango naman ako pati si Vaine.

"What are you two talking about?" Masungit na tanong ng aking Ina pero walang sumagot kaya sumimangot siya at yumakap na lang sa aking ama.

"Okey, I'll tell you a story. Noong una ay hindi ko inaasahan na sa Czechia ako mapapadpad. I met Deviro, Saviane's father. Akala ko noong una ay isa lamang siyang normal na nilalang. Ngunit natuklasan ko na isa pala siyang Hari sa Dyefigio, isang tagong lugar sa Czechia na pinamumugaran ng mga dragon. Yes, he's a dragon. Huli ko na lang din nalaman ng maipanganak ko na si Phiovee."

"They exist?" Gulat na tanong ni Tita Athera at nanlalaki naman ang mga mata ng aking Ina.

Ako rin, akala ko ay tuluyan ng naubos ang kanilang lahi dahil tinugis sila ng mga tao o mas kilala bilang Vikings. They killed all the dragons.

"They are the last clan of dragons, the Kraine family. Unfortunately, si Deviro lamang ang natira, sa pagkakaalam ko." Dagdag ni Tita Vera.

Lumungkot ang mata ni Tita Vera, siguro ay naalala niya ang kanyang asawa.

"Deviro was killed, kaya napilitan akong umuwi rito sa Vallizua para sa kaligtasan ni Phiovee. Siya na lang ang nag-iisa sa kanilang lahi kaya dapat ko siyang ingatan. Kaya pinagbabawalan ko siya na magbagong anyo upang walang makaalam ng kanyang pinagmulan. "

"Kaya hindi mo sinabi sa amin?" Nagtatampong tanong ni Daddy sa kanyang kapatid.

Yumuko si Tita Vera. "Pasensya na Kaifier."

Nabasag ang sandaling katahimikan ng magsalita si Tita Athera.

"Pwede ko bang makita ang anyo niya bilang Drakaina?"

Drakaina ang tawag sa mga babaeng dragon.

Pinaningkitan siya ng mata ni Tita Vera, pero ngumiti lang si Phiovee sa kanyang ina.

"Okey lang, Ma. Tayo lang naman ang nandito."

Wala namang magawa si Tita dahil anak na niya mismo ang nagsalita.

Pumunta siya sa 'di kalayuan at inilabas ang kanyang pakpak, unti-unti din namang lumabas ang kanyang sungay, at ngayon ko lang nakita na merong kaliskis ang kanyang braso at likod. Kumikinang ang kanyang kaliskis sa tuwing matatamaan ng ikaw, naghahalo ang kulay lila at kulay pula sa kanyang pakpak. Ang sungay niya ay tulad ng sa hayop na Ram.

Blood Where stories live. Discover now