Chapter 22

90 6 4
                                    

Gusto ko lang po itanong kung naiintindihan niyo po ang takbo ng storya ni Blood? Leave a comment please.😳

Walang tunog na naglakad ako patungo sa kwarto kung saan ginagamot si Vaine.

Tumigil ako sa tapat ng pinto at huminga muna ng malalim bago binuksan ang pinto.

Naabutan ko si Tita Athera na kinukunan ng dugo si Vaine at sa isang tabi si Tita Vera nakatutok sa mga boteng nasa mesa, iba't iba ang kulay ng likido na nasa loob ng boteng nasa mesa at hawak niya ang isang lumang libro na may mga engkantasyon.

Tahimik na pumasok ako at hinayaan ang dalawa na gawin ang kanilang tungkulin. Silang dalawa ang naatasan sa pag-gamot dahil na rin sa kanilang kaalaman.

Tita Vera is half witch and Tita Athera just know how because of my Tita Krauna.

Lumingon sa akin si Tita Athera at tinanguan ako.

Lumapit ako kay Vaine at marahang umupo sa kanyang tabi at hinawakan ang kamay kamay.

"Vaine, I'm sorry. Dahil sa akin ay napahamak ka pa." Tiningnan ko ang mukha niya at napansin ko sobra ang kanyang pamumutla.

"Hahanapin ko siya, papanagutin ko siya sa kanyang ginawa sa'yo." I promised to him and kissed his forehead.

Tumayo ako at nilingon muna silang dalawa, hawak ni Tita Athera ang isang bote na may lamang kulay asul na likido habang si Tita Vera naman ay nakapikit habang ang kanang kamay ay nasa ilalim ng bote at may sinasambit na spell.

Iniwan ko sila at lumabas para bisitahin si Davian sa aking kwarto.

Akmang kakatok na ako ng mapansin ang siwang sa pinto, sumilip ako at nakita ko si Phiovee na nakatunghay sa aking mate at kita sa mata niya ang kalungkutan dahil sa sinapit ni Davian.

"Mahal na mahal kita ngunit hindi tayo pwede dahil itinadhana ka sa aking pinsan. Masakit man subalit kinakailangan na ako'y magparaya. Hindi ko pwedeng ipilit sa'yo ang sarili ko dahil alam ko na masasaktan siya."

Sandali siyang natigilan at inilapit ang kanyang labi sa bibig ni Davian at binigyan niya ito ng isang halik na puno ng pagmamahal.

Bigla naman akong napako sa aking kinatatayuan dahil sa aking nasaksihan, susugurin ko na sana siya pero narinig ko ang mahinang paghikbi ni Phiovee.

"Ako na ang kusang lalayo, ayoko na maguluhan ka pa. Patawarin mo ako kung lagi kitang kinukulit. Mahal kasi kita eh, at masaya ako kahit sa sandaling panahon na pinagsamahan natin."

Hindi ko alam pero habang pinapakinggan ko ang pinsan ko ay may nararamdaman akong kirot sa aking puso.

Ramdam ko ang sobrang pagmamahal niya para kay Davian.

"Noong una kitang makita nahulog agad ako sa'yo. Biglang nag-iba ang tibok ng puso ko. Alam ko na mali ang nararamdaman ko ngunit sa tuwing magtatagpo ang ating paningin mas lalo lang kitang minamahal. Hanggang sa kinausap mo ako," natawa pa siya ng mahina at hinalikan ang likod ng palad ni Davian.

"Sobrang saya ko 'nun, kahit sobrang sungit mo. Mali man, pero sobrang nagseselos ako sa inyo ni Blood. Ang kapal ng mukha ko, ako pa ang nagseselos."

"Hindi ko namalayan na habang ipinipilit ko ang sarili ko sa'yo ay nasasaktan na pala kita pati ang pinsan ko. Subalit hindi na 'yun mauulit. Ipinapangako ko. Ako na mismo ang magpapaubaya dahil hindi ka naman naging sa'kin."

Umalis ako sa aking pwesto ng makita ko siyang tumayo at papalabas.

Nagkunwari akong naglalakad palapit sa kwarto ko ng makasalubong ko siya.

Kita ko ang gulat sa kanyang mata ngunit ngumiti lang ako sa kanya.

"Gising na ba siya?"

Umiling siya kaya nilampasan ko na lang siya at pumasok sa kwarto at sinarado ang pinto para walang makapasok.

Blood Where stories live. Discover now