Chapter 26

69 5 2
                                    

Ilang linggo na ang nakalipas at hanggang ngayon ay walang nangyayaring patayan sa Universidad na siyang ipinagtataka ko. Wala pa rin kaming lead ni Vaine kung sino ang salarin dahil nawala lahat ng ebidensya na siyang makakapagturo sa Mastermind nito, sa kadahilanang kinuha nila 'yun ng sugurin nila kami sa opisina ni Vaine.

Dalawang beses na kinatok ko ang pinto ng kwarto ni Vaine.

"Pasok!"

Pinihit ko ang doorknob at binuksan ang pinto, sumilip muna ako bago pumasok ng tuluyan.

Umupo ako sa kanyang tabi subalit hindi niya pa rin ako tinatapunan ng tingin dahil nakatutok ang mata sa kanyang binabasa.

Mabuti na lamang at may naitago siyang ilang dokumento tungkol sa kasong iniimbestigahan namin.

"Wala pa rin tayong clue kung sino sa mga narito ang salarin." Ibinigay niya sa akin ang isang folder na agad kong kinuha at dumapa sa sahig bago iyon basahin.

Binasa ko ang mga information na narito, "Lorde Valdez, Luissana Vio, Louie Dreu Vigne, Lycaon Valdemoire?"

Napatingin ako sa kanya, "Sino si Lycaon Valdemoire?"

Ibinaba niya ang suot niyang salamin saka ako tiningnan, "Siya ang isa sa posibleng may sala dahil na rin sa katayuan niya. Siya ang may-ari ng University. Base na rin sa mga impormasyon na nakuha ko tungkol sa kanya, nag-aral siya sa ibang bansa tungkol sa pag-develop ng mga gamot, may isang pharmaceutical company din siya sa Papua New Guinea."

Bigla ay parang may bombilya na umilaw sa aking isipan.

"Papua New Guinea? Naalala ko ang binanggit mo sa akin dati, ang tungkol sa Batrachotoxin na lason. Sinambit mo na pupwedeng galing iyon sa feathers ng ilang ibon."

Nanlaki naman ang kanyang mata dahil sa sinambit ko.

"Maari nga na siya ang nasa likod nito, at siya ang mas may kapangyarihan na gawin ang mga krimen na iyon dahil mapapasunod niya ang mga estudyante, lalo na ang student council."

"Kung siya nga, kailangan natin ng sapat na ebidensya para mahuli natin siya at pagbayarin sa kanyang mga sala."

Nagkatinginan kaming dalawa at inabot ko pabalik sa kanya ang folder na hawak ko.

Tumayo ako at akmang aalis ng pigilan niya ako, hinawakan niya ang aking kamay at nagtatanong na tiningnan ang aking mata.

"Susubukan ko muling humanap ng ebidensya sa opisina Luissana, malakas ang kutob ko na may itinatago siya doon."

Umiling siya sa akin at ngumiti, "Bella, ilang beses mo ng hinalughog ang opisina niya at wala kang nakikita. Huwag ka ng bumalik pa doon ayoko na mapahamak ka. May hinala akong alam niya na bumabalik ka doon. Paano kung binabalak ka niyang paslangin dahil sa kagustuhan mong hulihin ang salarin?"

Huminga ako ng malalim at nginitian siya saka hinawakan ang kamay niyang pumipigil sa akin.

"Kaya ko ang sarili ko, Vaine, trust me okey?"

Sandaling napatitig siya sa akin, na para bang pinag-iisapan ng maigi kung papayagan niya ako o hindi.

Mas lalo ko pang nilawakan ang pagkakangiti ko at tinapik ng mahina ang kamay niya.

"Do you trust me, Vaine?"

"Of course! I do trust you, Bella." Biglang sambit niya na parang nagulat sa tanong ko.

"Then let me go, malapit na nating malaman kung sino ang may pakana ng lahat ng ito."

Binitawan niya ang aking kamay at tumayo para yakapin ako. Pinatakan niya ng halik ang aking pisngi, "Take care, Bella. Kung may problema tawagin mo kaagad ang pangalan ko. Naiintindihan mo ba?"

Blood Where stories live. Discover now