Chapter 36

78 5 5
                                    

"Blood! Blood! Teka lang!" Sigaw ni Davian habang hinahabol ako, mas binilisan ko pa ang paglalakad upang maiwasan ko siya. Ayoko na magkaroon pa kami ng pagkakataon na mag-usap. Hindi ko na kinakaya ang sama ng aking loob. I just wanted to breathe...

"Bakit mo ba ako iniiwasan?!" Natigil ako sa paglalakad ng humarang siya sa aking harap at hinawakan ang aking braso.

Iniwas ko ang aking paningin para hindi niya makita ang aking mga mata. He might see that I'm in pain.

"May gagawin pa kasi ako, Davian. Kailangan ako ni Locki dahil magpapractice pa kami para sa aniversario ng University. Pasensya na talaga." Yumuko ako at humakbang pakaliwa ngunit bigla niya akong niyakap, isiniksik niya ang kanyang mukha sa aking leeg.

He inhaled my scent and hugged me tighter. "Sobrang miss na kita at hindi ko alam kung bakit mo ako iniiwasan. May problema ba tayo?"

He sound so sweet, bigla ay para akong nanghina. His voice is my weakness, he is my weakness. Humugot ako ng malalim na hininga at napapikit na tumingala, gustong-gusto ko na itulak siya palayo subalit wala akong lakas upang gawin iyon.

"Tell me, Honey. Do we have a problem? Please tell me, para maayos natin agad," malambing na bulong niya sa akin.

"Let's just stop this, Davian."

Bumitaw siya sa mula sa pagkakayakap at kunot-noong tumingin sa akin.

"What do you mean?"

"Maghiwalay na tayo, I'm letting you go, Davian." Tumikhim ako para maalis ang isang mabigat na bagay na biglang bumara sa aking lalamunan.

Hindi makapaniwala na tumitig siya sa aking mga mata. "You promised me, nangako kang lalaban tayo?"

"I did, I'm sorry." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, nahihirapan ako.

"Blood, no! I don't believe that you will just let me go easily. You promised Hon, please. I'm sorry if I ever made a mistake. Kung may bagay ka na ikinagagalit patawad. Humihingi ako ng tawad, just don't... Just don't let me go." Kita ko ang hirap sa kanyang mukha habang nakatitig sa akin, mas tinatagan ko pa ang sarili ko.

Buo na ang aking pasya na bitiwan siya, hindi siya ang para sa akin at ayoko na masaktan ang aking pinsan. I wanted to be selfish but I don't think I have a right.

Nagulat ako ng bigla siyang lumuhod sa aking harapan. "I love you, Blood. I really do love you and I will do anything para sa relasyon na ito. I promised you and I will keep it."

Nanatili akong tahimik ngunit bigo akong pigilin ang luhang kumawala sa aking mata. He silently cried too, while looking at me, while holding my hand so tight. Not letting it go.

"I promised to keep you, to be with you till death. I will do it. Kaya huwag mo akong iiwan, Blood. Kasi tutuparin pa natin ang mga pangako natin sa isa't-isa. "

"Davian," nanghihinang sambit ko sa pangalan niya.

Napaluhod ako sa harap niya ng bigla niyang kinuha ang isang maliit sa kanyang bulsa at binuksan iyon.

Isang singsing, engagement ring to be exact.

"Marry me, Blood. Let's run away, build our own family and just be happy. I love you, so much."

Niyakap ko siya ng mahigpit na agad niyang ginantihan.

"I love you too, Davian. I really do...but I'm sorry. We just can't be together. Go to her, love her and take care of her. Build a family with her, be happy with her. That's all I ever asked, just... Just fullfil your promises to her."

Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at binigyan siya ng halik na puno ng pagmamahal, huling halik, isang halik na tanda na ako ay nagpaparaya na, na ako ay tuluyan nang sumuko sa laban naming dalawa.

Blood Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon