Chapter 37

73 4 0
                                    

Umiwas ako ng tingin ng makita ko na magkasama si Davian at Phiovee papasok sa classroom, nagtatawanan silang dalawa.

Iba ang kislap ng mga mata nilang dalawa, and I realized that they are so good together.

"Hayss," hindi ko napigilan ang sarili kong magpakawala ng malalim na hininga.

Napatingin sa akin si Locki, na siyang katabi ko. Ngumiti lang ako sa kanya ng matamis. Umangat ang labi niya na parang naiinis.

"Stop pretending you're okey," naiiritang sabi niya at umiiling na umiwas ng tingin sa'kin at nagsimulang gumuhit.

Pagod na sumandal ako sa aking upuan at pinapaikot ang hawak kong ballpen sa'king daliri.

Hindi pa rin pumapasok ang aming guro. Sinulyapan ko ang malaking wall clock na nasa taas ng white board. Nag isang linya ang aking kilay, our teacher is fifteen minutes late.

Napatayo ang mga kaklase ko sa gulat ng pumasok si Mr. Márquez na seryoso at deretso lang ang tingin. May nakasunod sa kanya na lalake.

Matangkad ito at maputla ang mga balat, matangos ang ilong at sobrang pula ng labi. Bigla siyang napatingin sa akin at nagtama ang aming paningin. Hindi ko alam pero ngumisi ito ng makita ako o baka guni-guni ko lamang?

"Sorry if I was late, this is Lycaon Valdemoire. The owner of this University." Pagpapakilala ni Mr. Márquez. Hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali sa presensya ng lalakeng nagngangalang Lycaon.

Bumati ang aming kaklase ngunit nanatili lang akong nakatayo at nakatitig sa kanya.

Nagsimulang mag-lecture si Sir at nanatali lang dito sa loob si Lycaon na inoobserbahan kami, o si Davian? Napansin ko kasi na nakatitig lang ito kay Davian, hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya.

Hanggang sa matapos ang klase ay nanatili pa rin siya dito sa loob, tumayo na ako at niligpit ang aking gamit.

Lalabas na sana ako ng may pumigil sa akin, tiningnan ko kung sino iyon at nakita ko si Davian, na agad binitawan ang aking braso.

"Bakit?"

Umiling siya at basta na lamang lumabas, ngumiti sa akin si Phiovee saka tumakbo para habulin si Davian.

Ang weird nilang dalawa.

"Kamusta ang practice niyo ni Locki, Miss Valzuela?"

Agad na humarap ako kay Lycaon ng marinig ko siyang magtanong.

"Maayos naman po," may paggalang na sagot ko.

Tumango siya at hindi na nagsalita, "Tara ka Blood." Hinila ako ni Locki paalis at nilampasan namin si Lycaon.

Hindi ko alam kung bakit, ngunit napansin ko na parang hindi mapakali si Locki habang hawak ang kamay ko at inilalayo doon kay Lycaon. Ok, another weird creature.

Marahang tinulak niya ako papasok sa music room at inilibot muna ang tingin sa labas bago sarhan ang pinto at nilock.

"You're all weird," Komento ko at humiga sa couch.

Alam ko naman na hindi kami magpapractice dahil rest day namin ngayon.

Umupo siya sa aking tabi at binuksan ang bag niya saka may kinuhang libro. Pamilyar sa akin ang librong binabasa niya.

Umupo ako tumabi sa kanya at nakibasa, wala naman kasi akong gagawin dito. Ayoko rin na tumunganga lang sa kanya na nagbabasa.

"Do you believe in vampires?" Hindi ko alam pero 'yun ang naitanong ko sa kanya.

Natawa naman siya sa akin pero nanatiling nasa pahina ng libro ang kanyang tingin.

"Of course, I do believe in them. They exist. Kilala na sa Helleville ang mga bampira at mga taong-lobo. Ang pinakaunang bampira ay si Valzuela at ang pinakaunang taong-lobo ay si Dayara. Matalik silang magkaibigan ngunit nasira iyon sa hindi ko malaman na kadahilanan."

Blood Where stories live. Discover now