Chapter 15

107 8 0
                                    

Nagmamadali na pumunta ako patungo kay Davian at walang pasabing binuksan ko ang kwarto na pinag-papraktisan nila.

They both look so pale pero hindi ko na iyon pinansin agad na lumapit ako kay Davian saka siya hinalikan at niyakap. He was still taken aback.

Hindi ko na napansin na tumakbo pala paalis si Phiovee. Davian took a step forward para pigilin ang partner niya pero hindi niya magawa dahil nga nakayakap ako sa kanya.

Ramdam ko ang paghinga niya ng malalim saka sinapo ang magkabila kong pisngi saka ako tinitigan.

"Are you okey?" Tanong niya na puno ng pag aalala. I nodded and hugged him again.

"Let's go home please," mahinang pakiusap ko sa kanya. Hinawakan niya ang aking kamay at inabot ang kanyang gamit saka lumabas na kaming dalawa.

Bahagya pa akong natigilan ng makita si Locki sa labas na nakayuko at para bang hinihintay talaga ang paglabas ko.

Agad na hinila ko si Davian bago pa magsalita si Locki. I'm afraid that he might get mad at me for kissing Locki.

Sobrang mali ang aking ginawa na siyang pinagsisihan ko. I also feel sorry for Davian.

Umupo ako sa couch pagkarating sa bahay. Nakaramdam ako ng sobrang pagod, mukha namang naramdaman iyon ni Davian kaya naman iniwan niya ako saglit.

Kinagat ko ang daliri ko habang nag-iisip ng malalim. Should I tell him what happened?

"Come to my house." Dinig ko na sambit ni Vaine pero nanatili akong nakaupo at nakatitig sa kawalan.

"Hon, I prepared your drink. Come on here." Nagdadalawang isip pa ako kung haharapin siya dahil alam ko na may kasalanan ako.

Nakarinig ako ng may nabasag kaya napatakbo ako patungo sa kusina. Nakita ko siya na nakaluhod sa sahig at pinupulot ang mga piraso ng nabasag na baso.

Akmang tutulungan ko siya pero hinawakan niya ako ay pinigilan.

Bigla na lang may imahe na lumabas sa aking isipan ng hawakan ako ni Davian.

Bumitaw ako sa kanya at pakiramdam ko ay nawalan ako ng lakas.

Nagtataka siyang tumingin sa akin at tinitigan ang kamay na may dugo.

"Blood," nag aalalang sinambit niya ang aking pangalan.

"Is it true?" Naiiyak na tanong ko sa kanya at pilit na iniwasan ang kamay niya na nagtatangkang hawakan ako.

Napailing ako at napaupo sa sahig habang hawak ang aking ulo. Kinakagat ko ang aking ibabang labi para pigilin ang hikbing kumakawala sa aking bibig.

"It's not, I mean, I didn't. I'm sorry, I'm sorry hon." Hinging tawad niya sa akin at niyakap ako. Hindi ko siya magawang itulak dahil nanghihina ako dahil sa aking nalaman.

"Why?" Mahinang tanong ko sa kanya pero wala akong natanggap na sagot. I pushed him back then teleported to Vaine.

Nakita ko na nagulat siya dahil sa bigla kong pagsulpot pero hindi  niya ako nagawang singhalan ng makita ang mukha kong hilam ng luha.

Ibinuka niya ang kanyang mga braso kaya patakbo akong yumakap sa kanya at humagulgol sa kanyang balikat.

He was just tapping my back trying to calm me.

"Ano ba ang nangyari?" Tanong niya at inabot sa akin ang isang bote na may lamang wine at isang wine glass.

Hindi ako sumagot at hinayaan na lang siya na nakatitig sa akin.

"Can I stay here for a while? Mga dalawa o tatlong araw lang."

He just stared at me but not saying something, ngunit alam ko na may nabubuo ng sagot sa kanyang isipan.

Blood Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon