Chapter 41

84 4 0
                                    

Nakatingin lang ako sa harap ng vanity mirror sa aking kwarto at pinagmamasdan ang damit ko. Isang mahabang dress na kulay puti, may mga gold at black lining sa sleeves nito at sa neckline, may kulay itim na leather belt na napapalibutan ng maliliit na pulang dyamante.

Marahan akong umikot sa harap ng salamin ngunit pakiramdam ko ay may kulang.

Binuksan ko ang drawer na pinaglalagyan ko ng mga alahas, kinuha ko ang perlas na hikaw, kulay itim ito, katulad ng pendant ng suot kong kwintas.

Isasara ko na sana ang drawer ng makita ko ang dalawang punyal, ang ibinigay sa akin ng diwata, at ang nakita ko sa bahay namin ni Davian dati. Kinuha ko iyon at ipinatong ang paa ko sa kama. Hinila ko ang laylayan ng aking damit at nilagyan ng strap ang aking hita.

Doon ko nilagay ang isang punyal, ibinaba ko ang paa ko at nagsuot ng ankle boots, kulay itim ito at kulay ginto ang sintas.

Ang isang punyal naman ay ginawa kong desenyo sa aking buhok, I tied my hair into a bun, itinusok ko ang punyal. Sakto naman ang desenyo dahil kulay ginto din ang hawakan nito.

Hindi na ako nag abala pa na maglagay ng kolorete sa mukha dahil natural na mapula ang aking labi.

Muli akong umikot sa harap ng salamin at ng makuntento ay ngumiti ako at lumabas na sa aking silid.

Sinalubong ako ng aking magulang, nakangiti silang dalawa habang nakatitig sa akin.

"Ang ganda naman ng aking única hija. Give your mom a hug." Ibinuka niya ang kanyang braso kaya ngumiti ako at niyakap siya, yumakap din naman si Ama sa aming dalawa, saka pinatakan ng halik ang aming noo.

"You're both beautiful," Puri sa amin ni Daddy kaya mas lalong lumapad ang ngiti sa labi naming mag-ina.

Nagpaalam na ako dahil ilang oras na lang ay magsisimula na ang program sa University. Nakangiti na sinalubong ako ni Locki sa gate ng Valdemoire University at binigyan ng isang bouquet ng gladiolus.

"How did you know my favorite?" Manghang tanong ko habang sinusuri ang bulaklak.

He just smiled at me knowingly. He snaked his arms around my waist as we walk inside the University.

Nang makita kami ni Saina ay ngumiti ito na may halong panunukso, pero hindi ko na iyon pinansin pa.

Dumeretso kami ni Locki sa music room at nag ensayo muna bago tuluyang pumunta sa likod ng backstage upang ihanda ang aming sarili sa pagtatanghal.

"Good Afternoon, Moores! I am Luissana, your pretty student council president, standing in front of yours." Naghiyawan ang mga estudyante dahil sa sinabi ni Luissana. Nagbigay siya ng kaunting speech bago tawagin ng may-ari ng universidad, si Mr. Lycaon Valdemoire.

"Good afternoon students of Valdemoire University, we gathered here today to celebrate the University's 100th anniversary. I just wanted to say that we all enjoy and have fun."

Muling pumalakpak ang mga estudyante, nadinig kong muli ang matinis na boses ni Luissana, na siyang emcee.

"Hi, Blood!" Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si Phiovee na kumakaway sa akin, kasama niya si Davian, na nakahawak sa kanyang bewang, habang papalapit sa pwesto namin.

Ngumiti ako at nakipagbeso sa kanya, "Good luck sa performance niyo. Pupunta rin sila mommy at tita rito para manuod. I think diyan na rin sila."

Hindi na ako nakapagsalita dahil tinawag na kami ng event organizer at sinabihan na maghanda.

Nag thumbs up lang sa akin si Davian bago sila tuluyang umalis ng aking pinsan.

"Are they together?" Tanong sa aking ni Locki, tumango na lang ako at ngumiti ng matipid.

Blood Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon