Chapter 18

102 7 0
                                    

Hawak ko ang maliit na bimpo at masuyong pinupunasan ang pisngi ni Blood, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising sanhi ng pagkakalason.

"Wake up now my mate, I miss you already. Wala ng yumayakap sa akin, wala ng nagpapalambing, wala na ring titingin ng masama sa akin," bulong ko at bigla akong nakaramdam ng sobrang lungkot, ngunit alam ko na hindi sa akin 'yun nanggagaling.

Napaiyak na lang ako at lumuhod sa kanyang harapan habang hawak ng mahigpit ang kanyang palad at nakatingin sa kanya ng buong pagmamahal.

"Patawarin mo ako, alam ko na ako'y nagtaksil sa'yo. Ngunit umaasa pa rin ako na mapapatawad mo ako. Pinapangako kong hindi na muli ako uulit sa pagkakamaling aking nagawa. Kaya gumising ka na aking, Mahal. Naghihintay ako." Hinalikan ko ang likod ng kanyang palad.

"Maghihintay ako."

"Matatagalan pa bago siya muling magising, pagtibayin mo ang iyong sarili dahil may mas malaking pagsubok ang inyong kahaharapin. Na siyang susubok sa tatag ng inyong pagmamahal. Naniniwala pa rin ako sa pagmamahal mo sa kanya."

Tiningnan ko ang mataas na puno na nasa harap ng bintana. Doon muli ang babaeng nakaitim na balabal at nakaupo sa isang malaking sanga habang nakatitig sa akin. Kumaway ito sa akin at bigla na lamang naglaho.

Binitawan ko ang hawak kong bimpo at nagtangkang umalis ng napansin ko ang leeg ni Blood. May maliliit na kulay itim ang kumakalat mula sa kanyang balikat at umabot sa kanyang pisngi ngunit bigla rin namang nawala.

Kumurap ako ng tatlong beses, baka naman namamalik-mata lang ako.

Ipinagsawalang bahala ko na lang 'yun at napagpasyahan na pumasok na lamang sa eskwelahan dahil ngayon na rin ang performance namin kay Sir Lorde.

Mabagal na naglakad ako papasok sa covered gym ng Universidad at agad na nagtama ang paningin namin ni Phiovee na ngayon ay namumutla.

Naglakad ako at umupo, isang metro ang layo mula sa kanya.

"Akala ko hindi ka na darating, mabuti naman at—" pinutol ko ang ano mang sasabihin niya at tahimik na nanuod na lang sa performance ng iba naming kaklase.

"Cortigo and Valzuela, get ready kayo ang susunod na magtatanghal!" Anunsyo ni Sir Lorde.

Nakita ko si Locki na nagtaas ng kamay at nahihiyang lumapit sa aming guro.

"Ah Sir, ano po kasi. May sakit po si Blood kaya absent po siya at hindi kami makaka-perform."

Kita ko ang pagkunot-noo ng aming guro dahil sa sinambit ni Locki pero hindi na ito nagtanong pa at sa tingin ko ay nagbigay na lamang ng panibagong asignatura para kay Blood at Locki.

"Claw at Kraine, get ready." Tumayo ako at naglakad patungo sa isang tabi, hinawakan ni Phiovee ang aking braso at agad na napapiksi ako.

Huminga ako ng malalim ng makita ko ang gulat sa kanyang nga mata.

"Nagulat lang ako," pagbibigay rason ko at muling naglakad patungo sa entablado saka pumwesto.

Pagkatapos nito ay iiwasan na kita dahil hindi ko maatim na saktan pa si Blood. I should focus myself on my mate.

The music played then she started to sway her hips while walking slowly unto me, she was glaring at me then run gently and swiftly wrapped her left leg in my waist and bended her back lightly.

"Maghihintay ako."

Iyon ang katagang narinig ko ng bumalik ang aking malay subalit hindi ko magawang imulat ang aking mga mata. Sinubukan ko rin na gamitin ang aking kapangyarihan para ipaalam sa kanila na gising na ako ngunit hindi rin gumagana.

Blood Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon