Chapter 31

74 5 0
                                    

Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatitig kay Blood, hindi pa rin tuluyang napoproseso ng aking utak ang nalaman ko mula sa diwata.

"Hon?" Hindi ko na tiningnan pa si Kaifier na kakapasok lang upang silipin kami ng kanyang anak.

Ramdam ko ang pagyakap niya sa aking likuran. "I'm worried about our daughter," bulong niya sa akin.

"Ako rin, hindi ko alam kung may paraan pa ba na maibalik ang kanyang buhay. Hindi umepekto ang lunas sapagkat hindi naman pala si Davian ang nakatadhana sa ating anak."

Sabay na nagpakawala kami ng malalim na hininga. " I can't lose Blood, kaya tulungan mo akong humanap ng lunas. Kung kinakailangan na umakyat tayo sa pinakamataas na bundok, o languyin ang pinakamalawak na dagat. Gagawin ko, para lang mabuhay muli si Blood."

Hinaplos niya ng mahina ang aking braso, "Alam kong kaya mong gawin ang lahat. Ngunit isang paraan lang ang makakapagpabalik sa kanya, yun ay ang dugo ng kanyang itinakda."

"Kaya kailangan natin siyang hanapin." Bahagya kaming natawa ng magsabay kami sa pagsasalita.

Hinalikan ko muna ang noo ng aking anak bago kami lumisan sa kanyang silid.

Nakamasid lamang ako sa kanyang Ina na nakatulala sa kanyang mukha at malalim ang iniisip.

Naiinip na ako ngunit hindi ako maaaring magpadalos-dalos sapagkat maaari nila akong mahuli, at malaman ang buo kong katauhan. Alam ko ang kapangyarihan na taglay nilang lahat kaya nararapat lamang na ako ay maging maingat, sa bawat hakbang na aking gagawin.

Pumasok ang Hari ng mga bampira, ang asawa ni Fiera. Ngunit hindi rin sila nagtagal at agad din na lumisan sa silid ni Blood.

Agad na naglaho ako upang makarating sa loob ng kanyang silid.

Walang ingay na naglakad ako at umupo sa kanyang tabi, hinaplos ko ang kanyang pisngi at yumuko upang halikan ang kanyang noo, at idinampi ko ang labi ko sa kanyang labi.

"I'm here now, my love," mahinang sambit ko ngunit wala akong natanggap na sagot mula sa kanya.

Mas lalo lamang na lumamig ang kanyang balat sa paglipas ng mga araw at huminto ang daloy ng dugo ng kanyang katawan. Humugot ako ng malalim na hininga saka panandaliang hinaplos ang kanyang pisngi bago gawin ang nararapat kong gawin.

Ginamit ko ang aking kapangyarihan upang walang sino man ang makaalam na narito ako sa loob ng silid ni Blood, humiga ako sa kanyang tabi at niyakap siya ng mahigpit.

"Hindi ko nais na ikaw ay magising ngunit hindi rin maaari na hayaan lamang kitang nakahimlay sa iyong kinahihigaan sapagkat alam kong magiging masaya ka sa mga bagay na maaari mong magawa."

Itinukod ko ang kaliwa kong kamay at hinawakan ang kanyang mukha, bahagya kong ipinilig ang ulo niya para malaya kong magagawa ang aking pakay.

Kita ko ang maliliit na itim na ugat sa leeg niya, inilapit ko ang aking ilong para masamyo ko ang amoy niya. Napapikit ako dahil sa tamis at bango ng kanyang halimuyak.

Inilabas ko ang aking pangil at kinagat ang kanyang leeg, saka ko isinalin ang venom ko sa kanyang katawan. Sinipsip ko ng kaunti ang kanyang venom. Mas lalo akong napapikit ng humalo ang aming dugo sa katawan ng isa't-isa hanggang sa marinig kong muli ang pagdaloy ng kanyang dugo, bahagya akong napangiti at dinilaan ang kanyang leeg, at hinilom ang kanyang sugat.

Umupo akong muli at hinintay ang kanyang pagmulat. Hindi mo kailangan ng kahit na anong lunas sapagkat dugo ko lamang ang iyong kailangan, hindi rin tatanggapin ng katawan mo ang kahit na anong gamot sapagkat hinaharang iyon ng lason na inilagay ko sa iyong katawan.

Blood Where stories live. Discover now