Chapter 3

268 12 0
                                    

" Davian?" tawag sa akin ng isang babae, nilingon ko ito pero 'di ko maaninag ang kanyang pagmumukha. Inilahad niya ang palad sa akin at para bang hinihintay na abutin ko iyon. I was about to reach for her hand when I her eyes changed its color, the reason why I took step back.

" Davian a—" naputol ang sinasabi niya ng bigla na lang may sumampal sa akin. Iminulat ko ang mata ko at bumungad sa aking paningin ang mukha ni Blood na hindi maipinta.

"Bakit?"

"Anong bakit? We are already late! Umuungol ka pa jan!" sigaw niya saka ibinato sa mukha ko ang twalya na ginamit niya para tuyuin ang kanyang buhok.

"May regla ka ba?" nagtatakang tanong ko pero bigla na lamang may lumipad na tsinelas at tumama sa pisngi ko.

"Bobo ka ba? Bampira ako! Wala akong dugo kaya hindi ako nireregla. Gosh! " Ibinagsak nito ang pinto ilang segundo lamang ay hindi ko na maramdaman ang presensya nito sa paligid.

Umagang-umaga nagmamaldita. Kinuha ko ang isang unan saka itinakip sa mukha ko. Sino ang babae na nasa panaginip ko? Bakit ba palagi siyang nagpapakita sa akin? Ni hindi ko naman nakikita ang mukha niya.

" Hindi pa ito ang tamang oras." Bigla ay nakaramdam ako ng kakaiba kaya mabilisan akong tumayo at nagpunta sa bintana at doon nakita ko ang babae naka suot ng itim na balabal at naglalakad papunta sa madilim na parte ng kagubatan.

"Dito lang ako sa tabi mo at nagmamatyag hanggang sa dumating ang tamang oras na tayo ay magkita."

"Sino ka ba talaga?" bulong ko habang tinatanaw ang bulto ng kanyang katawan hanggang sa mawala ito sa aking paningin.

Tahimik na naglalakad ako sa hallway at palihim na pinapakiramdaman ang paligid. Alam ko na pinagtitinginan ako ng ibang estudyunte pero may isang titig na kakaiba pero hindi ko magawang lingunin. Pumasok ako sa loob ng silid at nakita ko si Blood na nakikipagtawanan sa isang lalake na ngayon ko lang nakita.

Pakiramdam ko ay biglang umakyat ang lahat ng dugo ko sa aking ulo at nandilim ang paningin ko. Nagseselos ako, mas lalong tumindi ang nararamdaman ko ng hawakan nito ang kamay ni Blood at tinawanan lang ng mate ko.

Mabilis na naglakad ako sa tabi ni Blood saka hiniklat ang kamay nitong hawak ng lalake.

"Whooo! Sino ka?!" galit na sigaw ng lalake dahil sa ginawa. Masama ang tingin niya sa akin. Siya pa ang may ganang magalit?

"Ahm, Locki he is Davian my boyfriend, honey he is Locki our class president." Pagpapakilala ni Blood pero tinanguan ko lang ang lalake saka umupo sa tabi ni Blood at hinila ito para yakapin. Inilapit ko ang ilong ko sa leeg nito at inamoy siya kaya naman kumalma ako.

"Grabe. PDA." Dahil likas na malakas ang pandinig ko ay narinig ko ang bulong ni Locki. Bigla ay parang gusto ko siyang sakmalin pero iniangat ni Blood ang mukha ko saka masuyo akong hinalikan sa harap mismo ng taong pinagseselosan ko.

" Hon, don't be jealous. I am yours. Be calm okey? Ayaw mo naman siguro na malaman nila ang katauhan natin?"

Kinakausap ako ni Blood gamit ang telepatiya habang hinahalikan ako. Hindi ko naman magawang sumagot dahil lunod na lunod ako sa kakaibang pakiramdam dahil sa halik na ibinibigay ni Blood.

"PDA talaga. How lucky that guy is." Muli ay nadinig kong muli si Locki.

"I love you hon," malambing na sabi ni Blood gamit pa rin ang telepatiya.

Humiwalay ako sa halik saka niyakap ito ng mahigpit, "I love you, Blood."

Bigla na lang may tumikhim kaya itinulak ako ng marahan ni Blood saka nakangisi na humarap sa aming guro.

"Magandang hapon, Mr. Marquez!" masayang bati ni Blood. Tiningnan lang siya ng masama ng guro namin saka nilingon si Locki na nasa tabi ni Blood.

"Dapat sinusuway mo ang kaklase mo kapag gumagawa ng milagro sa loob ng silid aralan. Hindi ito isang bar. Ikaw pa naman ang presidente ng klase."

"Paumanhin ho, Ginoong Marquez." Nakayukong hingi niya ng paumanhin sa guro.

"Ayoko ng maulit ito."

Tiningnan ko si Blood ng gumawa ito ng tunog at nakita ko siyang tinitingnan ng masama si Saina na malanding nakatitig sa akin. Inabot ko ang kamay niya saka hinaplos.

"Pag aaralan natin ngayon ang tungkol sa —" I shut all of the noise around me and started to stare at my mate's face. Mas nakakabuti sa akin ang tumitig kay Blood kesa makinig sa klase ng aming guro.

Sa kalagitnaan kami ng klase ng bigla na lamang sumigaw ang isa sa katabi ni Saina saka may itinuturo sa labas. Namumutla ito at dinig ko ang malakas na daloy ng dugo nito at ang malakas na pagtibok ng kanyang puso.

Sinundan ko si Blood ng bigla itong tumakbo at doon nakita namin ang isang estudyunte na wasak ang ulo sanhi sa pagkakabagsak mula sa pinakataas na bahagi ng science building.

Nilapitan ni Blood ang bangkay saka hinawakan ang dugo ng biktima.

"Mainit pa," rinig kong bulong nito kaya hinila ko siya at dinala sa likod ng aming guro. Mabuti na lamang at walang nakakita sa kanya ng hawakan niya ang dugo. Inilapit niya sa ilong niya ang kanyang kamay na may dugo saka dinilaan iyon. Panandalian na naging ginto ang mata nito bago bumalik sa normal.

"Alam ko na ang sanhi ng kanyang pagkamatay."

"Ano naman?" tanong ko saka inikot ang aking paningin upang masigurong walang nakakita sa amin.

"Halika. Sumunod ka sa akin." Hinawakan niya ang aking braso at hinila niya ako papunta sa abandonadong silid na nakita namin kahapon.

"Ano ba kasi ang ikinamatay niya? Sigurado naman ako na dahil iyon sa pagkahulog niya sa building."

"Open your mind link." Utos niya sa'kin.

Binuksan ko ang aking isipan na tanging siya lang ang makakarinig ng aming pag uusapan. Alam ko na seryoso ang bagay na ito.

" What do you think? Itinulak siya o nagkusa siyang tumalon?"

Napaisip naman ako. Base kasi sa itsura ng biktima nakadapa ito kaya sa tingin ko ay itinulak siya.

"Nagkakamali ka. Hindi siya itinulak."

"Paano mo nalaman?"

"Based on her blood. Davian, I have this ability na nalalaman ko ang sanhi ng isang bagay o pangyayari oras na mahawakan ko iyon. Katulad na lang ng pag alam ng mga rason kung bakit ka nilalandi ng mga babae."

"Bakit napasok ang mga mahaharot na babae?"

"May masabi lang. Ayun nga, hindi siya itinulak. Kusa siyang tumalon sa building"

"Bakit niya naman gagawin yun? Sa Anong rason? "

"Depression. That person is depressed and I can see in her past that she is a victim of bullying. Wala siyang mapagsabihan ng problema niya like sa family saka sa financial. Kinimkim niya lahat kaya mas pinili na lamang niyang magpakamatay kesa sulosyunan ang lahat. Simpleng rason pero nakakamatay ang resulta."

Isinarado ko na ang isipan ko kasabay ng isang realisasyon na nabuo sa utak ko. My mate is extraordinary.

Blood Where stories live. Discover now