Chapter 9

121 7 0
                                    

"Davian, you need to be careful. Your destiny has changed, it might be hard to accept but I know you are strong."

Napabalikwas ako ng bangon at napatulala sa kawalan? What is it this time? Ano ba ang ibig niyang sabihin?

Nagmamadaling umalis ako sa kinahihigaan ko at agad na tumakbo patungo sa bintana.

Nakita ko naman na nakatayo siya sa gitna ng gubat at nakatingin din sa akin. I jumped out of the window to chase her but she's nowhere to be found.

"Sino ka ba talaga?" Tanong ko sa kawalan ngunit umihip lamang ang malamig na hangin. Sinipa ko ng malakas ang bato na nasa harap ko dahil sa panghihinayang na hindi ko siya naabutan.

"What are you doing here?" Kinalma ko muna ang aking sarili at hinarap si Blood na may bitbit na Baboy-ramo at tumutulo pa ang dugo.

"May tiningnan lang," maikling sagot ko at tiningnan ang kanyang hawak.

"Ang aga mo naman atang nag-breakfast."

She smiled sweetly at itinapon sa akin ang hayop na agad kong nasalo.

"I want an adobo, cook for me." She said while seductively touching my chest.

Pinigilan ko ang kamay niya na akmang hahawakan ang alaga ko saka siya nginitian and I initiated the kiss, she responded with the same ferocity.

Nahahapong bumitaw siya at ngayon ay masayang nakangiti sa akin.

"I love you," puno ng pagmamahal na sambit niya at saka nawala sa aking harapan na parang bula.

Natatawa naman na sinuri ko ang baboy-ramo na binigay niya.

"Nagsasayang ata siya ng dugo?"

"Stop laughing, I can hear you. So annoying!" Naiinis na reklamo niya sa akin gamit ang telepathy.

Naglakad na ako pauwi at agad na inihanda ang baboy-ramo pagkadating ko sa aming tinutuluyan.

Nakangiti ako habang naglalakad patungo sa aming silid-aralan at hindi ko pinansin si Davian na tahimik lang habang nakahawak sa aking bewang.

"Good Day, Mr. Márquez!" Bati ko sa aming guro ng makapasok ako.

Bigla naman siyang namutla ng makita ako pero hindi na nagsalita.

"Good morning, Phiovee!" Bati ko sa babaeng hate na hate ko. Magalang na ngumiti siya sa akin at sinulyapan si Davian na ngayon ay tahimik na nakaupo sa aking tabi.

"Mukhang masaya ka ata." Pansin niya sa akin kaya mas lumapad ang aking ngiti at inilapit ang mukha ko kay Phiovee saka nagsalita.

"Talaga? Ipinagluto kasi ako ni Davian. Napakababaw ng kaligayahan ko di ba?" Nang-aasar na tanong ko sa kanya ng makita kong nag-iba ang kanyang facial expression.

"Sana pala dinalhan kita para matikman mo rin ang niluto ng boyfriend ko. He's so sweet right?" I may sound insensitive dahil ini-inggit ko pa siya kahit na alam ko na nakakaramdam na siya ng paninibugho.

Tumango lang siya at ngumiti saka umiwas ng tingin sa akin.

Mapagkunwari rin ang babaeng ito. I flipped my hair at umupo ng tuwid saka pinag-cross ang aking braso sa may dibdib ko habang tinitingnan si Márquez na nagkaklase.

Halata naman sa guro na iniiwasan niya na magtama ang aming paningin, tahimik pa rin si Davian sa akin tabi at hindi ko naman mapasok ang kanyang isipan.

Ramdam ko na naguguluhan siya at parang may bumabagabag sa kanya pero hinayaan ko na lang siya at hindi na ako nagtanong pa.

"Blood, library!" Sigaw ni Vaine at alam ko na masama nanaman iyong balita. Nagmamadaling nag-excuse ako na agad din namang pinahintulutan ng aming guro. Hindi na ako nakapagpaalam kay Davian dahil tulala naman siyang nakaupo at malalim ang iniisip.

Nagmamadaling tumakbo ako patungo sa library at pagkarating ko doon ay sobrang dilim ng paligid.

Hindi na ako nag abala pa para buksan ang ilaw dahil nakakakita naman ako sa dilim.

"Saan ka?" Tanong ko kay Vaine agad naman siyang sumagot na nasa Mythology section siya.

Agad na hinanap ko kung saan ang kanyang tinutukoy at nagulat ako ng makita siyang sinusuri ang bangkay ng isang babae.

May ballpen na nakatusok sa dibdib nito at doon dumadaloy ang dugo. Lumuhod ako sa sahig at hinawakan ang dugo sa kanyang dibdib pero sa ikalawang pagkakataon ay wala akong makita.

Ipinikit ko ng mariin ang aking mata at sinubukang muli pero nabigo uli ako. Talagang hindi ko malaman ang nangyari sa kanyang huling sandali. This is not a coincidence. Ang tanging naiisip kong dahilan ay kagagawan ito ng isa ring bampira na alam ang aking kakayahan o kaya ay kayang ikubli ang kanyang kapangyarihan

"Sa tingin mo anong oras siya namatay?"

Tumingin naman siya sa kanyang relo at hinawakan ang dugo ng biktima.

"Kung natamaan ang kanyang puso sa tingin ko ay mamatay siya agad makalipas ang isang minuto, mainit pa ang dugo niya ng dumating ako dito which is around six minutes ago. I think she died at exactly 9:48 AM." Seryosong sambit niya at dinilaan ang dugo sa kanyang kamay.

"Wala ka bang nakita dito nang makita mo siya? Anything suspicious or any conclusion?"

Nag isip siya ilang sandali saka tiningnan ako.

"Madalim ang paligid at kung napapansin mo walang estudyante dito dahil isa itong lumang library. Wala ng masyadong pumapasok dito. Impossible din na mag aaral ka sa lugar na ito ng mag isa."

Nakita ko naman ang switch ng ilang sa isang gilid at binuksan ko iyon lahat pero hindi gumana.

"There's no lights. Napansin ko rin kanina bago ako pumasok yung pinto. It was locked at may nakita akong susi sa ilalim ng isang mesa. Parang nagmamadali ata ang pumatay dahil hindi niya maayos na naitago o nailapag ang susi sa mesa."

Muli kong tiningnan ang katawan ng babae kung meron ba siyang pasa o mga maliliit na scratches. Palatandaan iyon na nanlaban siya bago siya saksakin ng ballpen.

"The ballpen has an initials on it." Saad ni Vaine at itinuro ang naka- engraved na mga letra.

"L.V," mahinang basa ko.

"May litrato ka ba ng ibang biktima? Yung dalawang babae, yung nalason at yung tumalon sa building. Can you give it to me?"

Tumango siya agad sa akin at sinabi na ihahatid niya na lang sa bahay mamaya.

I continued checking her body until I noticed something odd.

"Vaine, have you seen this?" Itinuro ko ang leeg ng babae.

Agad na nakiluhod si Vaine sa aking tabi at tiningnan ang itinuro ko.

Nagkatinginan kaming dalawa at alam ko na iisa lang ang tumatakbo sa amin isipan, ang tanong sino at bakit niya ito ginagawa?

Blood Where stories live. Discover now