Chapter 46

122 4 5
                                    

The whole place is so enchanting, may nagliliparan na mga makukulay na butterflies. Makukulay din ang mga bulaklak na nakakalat sa buong paligid.

Napakapayapa rin ng lugar na ito. Gusto ko na manatili rito.

Napangiti ako ng makita ang isang ilog, tumakbo ako doon at tiningnan ang mala-crystal na tubig, na dumadaloy.

Nakita ko pa ang aking wangis sa tubig, mas lalong lumapad ang aking ngiti. Huli ko na napansin na may flower crown pala akong suot at ang damit ko ay isang puting dress, na may gintong belt.

Lumuhod ako at inilublob ang aking kamay sa tubig, natawa pa ako ng may lumapit na isda sa aking kamay. Sinubukan ko itong hawakan ngunit nagulantang ata ito at lumangoy palayo.

"I really like the way you smile, my love." Natigilan ako ng marinig ang isang pamilyar na boses.

Naluluha na tumalikod ako at ng makita si Locki ay napatayo ako at tumakbo palapit sa kanya. I wrapped my left arm around his nape and touched his face.

Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. "You're alive... I thought you're dead."

Hinalikan niya ang aking noo, napapikit ako at ninamnam ang napakagandang sensation na dulot ng kanyang halik.

"Why are you crying?" Masuyo na tanong niya at pinahid ang aking luha.

"Masaya lang ako, akala ko ay nawala ka. Akala ko iniwan mo na ako. Hindi ko kaya na mawala ka sa akin, Locki."

Natawa siya at niyakap ako ng mahigpit, "Bakit naman kita iiwan? Alam mo naman na mahal na mahal kita, at wala akong rason para gawin ang bagay na alam kong ikakalungkot mo."

"Mahal din kita, Locki." Natigilan siya dahil sa aking pag-amin.

"I... Ohh— you shocked me." He said then he chuckled.

"Patawad kung hindi kita kinilala bilang aking kalahati. Patawad kung—" natigil ako sa paghingi ng tawad ng halikan niya ako ng mariin.

Hinahabol ko ang aking hininga ng bitawan niya ang aking labi, "Wala kang dapat na ihingi ng tawad. Hindi na natin mababago ang ating nakaraan."

Bumitaw ako sa kanya at magkahawak kamay kaming naglakad sa gilid ng ilog.

Hindi ko maipaliwanag ang saya na aking nararamdaman. Being with him is like achieving all of my dreams. I wanted this to last forever.

Nakarating kami sa isang malaking puno, inalalayan niya na maupo ako sa nakausling ugat, umupo siya sa aking tabi at niyakap ako, isinandal ko naman ang aking ulo sa kanyang dibdib at pinakinggan ang pagtibok ng kanyang puso.

He intertwined his hands with mine, saka pinatakan ng halik ang likod ng aking ulo.

"This won't last, my love. You should go back."

Ano ang ibig niyang sabihin? "Saan ako babalik, Locki?"

"Sa kabilang buhay." Maikling sagot niya.

"Patay na ba tayo?"

"Hmm," tanging sagot niya bilang pagsang-ayon sa aking tanong.

"Ngunit bakit mo ako pinapabalik? Ayaw mo ba akong makasama? Dito na lang tayo, walang gulo rito, mabubuhay tayo ng matiwasay, walang problema—"

Hinalikan niya ang aking leeg kaya natigilan ako. May mali ba akong nasabi? Tama naman eh, magiging masaya kaming dalawa rito.

"You should go back."

Blood Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon